Ten

1.9K 116 19
                                    


Maaga kaming gumising dahil today is Animo Year-end Thanksgiving. It only means one thing... Celebration! Bale sa morning may fair lang pero sa gabi pa talaga gaganapin yung program proper.

Naisip ko munang magtweet bago kami umalis papuntang campus.

Victonara Salas Galang
@VSGalang
AYT 😊

Wala pang 5 minutes ay sabog na ang notifications ko pero this time may halong kilig yung fans.

Thomas Torres @iamthomastorres
@VSGalang See you later 😊

Kaya pala. Nagreply naman pala si Bansy, napangiti naman ako. Naalala ko na naman yung ginawa niya kahapon.

Mika Reyes
@mikareyesss
@VSGalang @iamthomastorres basta't tayo'y magkausap laging mayroong Umagang kay landi 🎤

"Damulag!!!" Sigaw ko kay Mika tsaka ito biglang tumakbo palabas ng dorm.

.

.

.

Nang makarating kami sa campus ay naghiwa-hiwalay muna kami ng bullies may iba pa kasi silang agenda. I decided to go to Agno para bumili ng Belgian Waffle since hindi parin ako nag-aalmusal.

Oorder na sana ako nang biglang may humila ng bag ko at paglingon ko ay tumambad sa akin ang nakangiting si Thomas.

"Good morning Labsy!" Masayang bati niya sa akin. Ngumiti naman ako. "Good morning."

Bigla naman niya akong hinila palayo. "Uy teka bibili pa ako." Pag-angal ko sa kanya pero ptuloy parin siya sa paghila sa akin hanggang makarating kami sa bench malapit sa ampitheatre.

Inilabas naman niya yung tupperwares sa bag niya. "Alam ko namang hindi ka pa kumakain kaya I cooked breakfast for me and you." Sabi niya tsaka inabot sa akin yung spoon and fork.

Kinuha ko naman yun. "Thank you, Bansy." Sabi ko sa kanya ngumiti naman siya. "Anything for you, Labsy."

Tinitingnan ko siya habang kumakain at mukhang masaya talaga siya I suddenly felt guilty nung pinagsabihan ko siya last time na nagdala siya ng breakfast sa dorm.

After namin kumain ay hinatid niya ako sa kinaroroonan ng bullies kailangan daw kasi niyang bumalik agad sa dorm nila dahil may importante pa daw silang gagawin nila Jeron.

"Wala bang magp-perform sa atin mamaya?" Tanong ni Kim.

Mika shrugged. "Wala namang nabanggit sila Ms. Joy"

"Buti naman, last year kasi di ako ready nung bigla tayong pinasayaw." Sabi naman ni Carol.

"I still can't believe na last AYT na natin 'to." Sabi ko sa kanila. Tumingin naman sila sa akin.

"Parang kelan lang rookies pa tayo, walang idea kung ano yung ginagawa sa AYT." natatawang sabi ni Camille.

Tumawa naman kami. "Hazing!!!" sabay-sabay naming sabi.

Dati kasi nung rookies pa kami pinaniwala kami nina Ate Cha na hini-hazing yung mga rookies na umaattend sa AYT. Tradition na daw kasi yun kaya takot na takot kami pumunta, muntik na nga kaming di umattend ng bullies. Buti nalang inamin nila sa amin na nagbibiro lang sila. Kaya pala chill lang si Kim yun pala kasabwat ang bruha.

"Let's enjoy this day bullies." Masayang sabi ni Cienne.

"One last time!" Sabay sabay naming sabi.

***

7:00 pm ay pinatawag na ang lahat dahil magsisimula na ang program. Ito yung pinakamasayang part dahil bukod sa nirerecognize yung mga nagbigay karangalan sa school ay pinagpe-perform rin yung ibang student-athletes.

Behind-the-ScenesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon