N.B.S.B

15 2 0
                                    


Ano ba yung mas mahirap ung wala kang boyfriend o yung wala kang bestfriend?

"Shane punta tayong canteen." Aya ko sa kaklase ko

"Ikaw na lng tinatamad ako eh" sagot niya

Wala na naman akong choice kundi pumunta sa canteen mag-isa. Lagi na lang ganito. May mga kaibigan ako pero lahat sila anjan lng pag may kailangan.

"Mj bat mag-isa ka nanaman?" Tanong ng kakikalala ko nang magkasalubong kami sa pinto ng canteen.

" Ah wala. Okay lng ako ng ganito mas gusto ko kasi mag-isa para makapag-isip." Sagot ko na lang

"Ah sige una na ko. Bye!"

Lagi na lang yun ang sinasabi ko sa tuwing may nagtatanong skin kung bat wala akong kasama. "Okay lng mas gusto ko mag-isa para makapag-isip". Kahit ang totoo ay hindi nman talaga okay sakin eh. Wala lng talaga akong choice. Gusto kong mag-isa para makapag-isip. Isang malaking kasinungalingan na lagi kong sinasabi sa mga tao. Kasi ayokong mag-isa at ayoko ng mag-isip sa mga bagay bagay. Lalo akong nalulungkot at sa tuwing mag-isa ako di ko maiwasang mapaisip ano bang mali sa akin? Pangey ba ko kaya wala akong mga kaibigan? Salbahe ba ako kaya wala akong bestfriend? Boring ba ako kasama? Wala ba akong kwenta? Ilan lng yan sa mga tanong sa isipan ko na hndi ko alam ang sagot. Pero siguro nga hindi ako bestfriend material. Siguro I'm destined na wag magkaroon ng bestfriend. Siguro nga talaga. Mahirap at Masakit man tanggapin na wala akong mga kaibigan o bestfriend na matatakbuhan sa tuwing may problema. Walang bestfriend na mapagsasabihan ng crush. Walang bestfriend na makakasama sa kalokohan. Walang besyfriend na magpapatahan sakin kapag umiiyak ako. Walang bestfriend na kadamay ko. Pero di parin ako nawawalan ng pag-asa na balang araw magkakaroon din ako ng Bestfriend. Sana.

"Ate ito na po ung sandwich nyo"

Nabalik ako mula sa pagmumuni ng tinawag ako ng tindera. Agad kong kinuha ung sandwich at nagpaalam para bumalik sa tambayan ng klase namin ng mag-isa.

Nga pala ako nga pala si Mj Cruz, 15 y/o, highschool student at isang certified N.B.S.B.
.
.
.
.
.
.

No Bestfriend Since Birth.

N.B.S.B (OS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon