36 - Ito Na Ba?

2.4K 63 2
                                    

~ DUSTIN ~

Nakakainis, ang daming nagpapapicture. Pero wala akong oras para sa kanila, kung pwede nga lang di na ako pumasok e kaso importante ang pag-aaral. Masarap magkaroon ng diploma para balang araw makakabawi ako kay Nanay.

Kani-kanina lang pag-uwi sa bahay, humingi ako ng patawad sa kanya sa lahat ng masama kong nagawa. Inexplain ko naman sa kanya na dahil yun sa galit, tuloy, pinagalitan niya ako sabay sabing mas mabuting magdasal kaysa maghiganti. Nagpromise naman ako sa kanya na babalik na ako sa dati kong buhay — yung nagsisimba kada Linggo at nagvovolunteer sa simbahan kung kinakailangan.

So totoo lang, miss ko na rin kasi yung dati kong buhay. Yung walang galit na kinikimkim at hindi nag-aalala kung makukulong ba bukas. Miss ko na rin yung mga bata sa simbahan, yung mga pinapakain namin na mga malnurished. Malulusog na kaya sila ngayon?

Miss ko na rin yung pagsusulat sa blog. Yung nakaka-express ako sa mga bagay-bagay at nakukuwento ko pa ang mga nangyari sa buhay ko na sana mapulutan ng aral ng mambabasa.

Miss ko na rin yung pagigitara, e parang di ko na nga alam paano yung chord G ngayon eh. Nakakatugtug pa kaya ako ngayon? Sana naman kasi may gusto pa akong haranahin.

At lalong miss na miss ko na ang pagluhod sa simbahan habang taimtim na nagdadasal.

Nga pala, narinig ko at alam kong may pagtingin sa'kin si Nica. Since the first day kaming nagkita, alam ko na, kaso tinatago ko kasi may mas importante akong bagay na iniisip non. E ngayon? I'm gonna fight fire with fire. Aasarin at aasarin ko siya hanggang sa masabi niya ulit sa'kin yun harap-harapan. Akala niya di ko alam? Ang obvious kaya.

Hindi naman lahat ng tao manhid, minsan kasi mas mabuti nang itago natin para di maging awkward sa isa't isa. Kung sa tingin niyo manhid ang crush niyo, check again, may mga tao kasing magaling lang magtago para hindi masayang kung ano ang meron kayo ngayon. Minsan din kasi may mga taong gustong paconfessin ka sa harap nila mismo, hindi yung patago-tago. Pero bakit nga ba may mga taong ganun? Sa tingin ko, mas mabuti ng maging ganun kaysa naman maging feeler at mag-expect ng mga bagay'ng malabong mangyari.

Ngayong lunch time, magdadate kami ni Nicatrix at gigisahin at gigisahin ko siya.

Pagkatapos na pagkatapos ng last morning class ko, agad akong pumunta sa isang fastfood restaurant kung saan kami magkikita ni Nica. As a gentleman, dapat ako yung unang dadating kaya inagahan ko ng isang oras.

Kaso... Kaso... Ang aga aga andun na siya. Hay Nica, most punctual.

"Oh, bat ang aga mo?" tanong ko. "Ano... Excited lang. Kanina pa kasi natapos yung class ko kaya dumiretso na ako dito." sagot niya with a big big smile.

Bahala na nga ang gentleman points ko, wala akong magagawa kung excited lang yung ka date ko. Nagorder kami at siyempre my treat.

"Kamusta ka na? Wala na bang masakit sa'yo?" tanong niya. "Okay na ako, need ko kasing bumalik sa school tas mahal yung expenses sa ospital. Parang nag-aalala ka yata?" sagot at tanong ko. "Bakit, di ba pwede?" tanong niya. "Nga pala Nicatrix, bat naka make-up ka?" una kong gisa. "Ahhh uhhh, obvious pala? Wala lang gusto ko lang magpaganda. Bawal ba?" sagot niya. "Hindi naman bawal, sa totoo nga niyan ang ganda mo... Kahit na hindi ka naka make-up. Tanong ko lang, may pinagpapagandahan ka ba?" ikalawa kong gisa. "Ano kasi... Madami kasing nagpapapicture kaya minimake sure ko na maganda ako." excuse niya. Hahaha natatawa ako deep inside. Alam ko kasing naguguluhan siya at kinikilig din. Umamin ka na kasi Nicatrix hahaha. Cute niya pala asarin.

"Ah akala ko kasi may crush ka." pangatlo kong gisa. "Ahh... Wala ha. Inosente pa ako sa mga ganyang bagay." sagot niya. "Sure ka? Sa tingin ko may crush ka e pero ayaw mo lang aminin. Alam ba niyang crush mo na crush mo siya?" pang-apat kong gisa. "Ano ka ba Dustin, change topic nga tayo." reklamo niya. Hahaha no way nag-eenjoy ako. Umamin ka na kasi. "Alam mo, payo ko sa'yo sabihin mo na sa kanya before it's too late." panglima kong gisa. "Ewan ko sa'yo. Ikaw ba may crush ka?" tanong niya. Patay ang bilis ng karma, napunta tuloy sa'kin ang paggisa. "Wala. Alam ko kasing wala akong future diyan sa pag-ibig na yan." sagot ko. "Bat mo naman nasabi yan?" tanong niya.

"Nga pala Nicatrix, sabi daw ni Officer Ramon di daw ako makukulong." change topic ko. "Yup, mabait siya." sagot ni Nicatrix. "Pero hindi ba siya matatanggal kung malalaman ng mga kasama niyang nagsisinungaling siya?" tanong ko. "Sa tingin ko hindi siya nagsinungaling Dustin." sagot ni Nicatrix. "Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. "Sa tingin ko may kinalaman si Ivan kung bakit hindi ka makukulong." sagot niya. "Paano? Bat mo nasabi?" tanong ko. "Ewan, sabi kasi ni Ramon huwag daw tayo sa kanya magpasalamat, kung di kay Ivan." sagot niya.

Huh? Bat ako di ipapakulong ni Ivan?
...
Teka! "Si Yvonne!" sabi ko. "Ano!? Yung bruhang yun?" sabi niya na sa tingin ko'y nagseselos. "Oo, sa tingin ko may kinalaman siya sa desisyon ni Ivan." sabi ko. "Nicatrix sorry, maiwan muna kita, tutal tapos na tayo kumain. Dapat kong puntahan si Yvonne, kasi kahit masama yung kuya niya, alam kong may kabaitan pa rin siya." paalam ko.

Ughh nakaka-inis, nag-eenjoy na sana ako, pero next time nalang. Dapat ko pang puntahan si Yvonne para magpasalamat kung totoo man ang hinala ko. "Bye Nicatrix, sorry ha importante lang." sabi ko. "Sige na nga, pero promise me na hindi ito ang last time na maglulunch tayo together?" sabi niya. "Oo naman, this will not be the last. Bye na." paalam ko. Pero feel ko nainis siya.

Dapat kong puntahan si Yvonne!

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon