Chapter Three

17 0 0
                                    

Chapter 3: Forgotten

It's 5am in the morning at eto ako nasa terrace habang pinagmamasdan ang tahimik na lugar. Hindi nako nakatulog simula kagabi dahil sa kakaisip sakanya. Sobrang daming tanong ang nasa isip ko at alam ko na siya lang ang makakasagot.

Napayakap ako sa sarili ko dahil biglang umihip yung malamig na hangin. Malapit na ang sunrise at may naaala nanaman ako. Parang lahat ay nag flashback at pilit na pinapa alala sakin. Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

What is he doing here?

Yan yung pinaka tanong ko sa sarili ko. Bakit ganun? Ang unfair niya naman.

"Cleo? Is that you?" napatingin ako sa balikat ko at napansin na si Tita Amber pala yon. Pinunasan ko bigla yung tumulong luha, curse this tears hindi ko ma-control.

"Hey" I said and looked at the forming sun. "What are you doing here? Maaga pa ah" she said at tinabihan ako. If only I had the guts to tell her but I can't, I don't want to.

"Can't sleep" sabi ko at nilagay sa likod ng tenga ko ang mga buhok na humaharang sa mukha ko. She just nodd. "Siya nga pala sa friday wala ako, out of town. May problema lang sa business and I need to fix it" she sweetly smiled at me. Since Dad is gone, si Tita na ang nag handle ng business. Its a hotel business.

"Tatlong araw lang naman yun tsaka dito muna si Jen para may bantay kayo" tumango tango naman ako tas nagpaalam na siya para mag ready ng breakfast. Pabalik na dapat ako ng kwarto ko ng mapadaan ako sa room ni Arc. Nakabukas eto ng konti at andun siya nakanganga habang natutulog. Pfft.

**********

"I can't believe this" nasabi ko sa sarili ko at pinag hahagis ang mga napili kong damit. Mag kakalahating oras na ata akong nag-iisip kung anong susuotin ko. I'm not like this but when I saw him yesterday, na conscious ako sa sarili ko. I even tried to apply makeup, like what the hell right?

Sa asar ko ay kumuha nalang ako ng jeans at itim na shirt. Pinatungan ko ng sweatshirt at nagsuot ng snickers. Sinabit ko sa balikat ko yung bag ko at binagsak yung pintuan. Naka bihis na ng maabutan ko si Arc na palabas na din ng kwarto, napa cross arms siya at tinignan ako. "Someones not in the mood" paninimula niya.

"Stop it, Arc. Not now." inis kong sabi at nilagpasan siya. "Si Oz ba ang dahilan? Or may PMS ka?" napatigil ako sa sinabi niya at nakakunot siyang tinignan.

"Who the hell is Oz?" taka kong tanong. Napabuga naman siya sa hangin at tinignan ako na para ako ang pinaka stupid na tao na nakilala niya. "Seriously? Siya lang naman yung pinahiya mo sa canteen" naka smirk niyang sabi. Oh the Arrogant Jerk.

Sorry not sorry kung hindi ko siya maalala, tamad lang talaga akong alalahanin sila lalo na kung hindi importante. Bored ko siyang tinignan at bumaba na, pumunta ako sa kusina at may naiwan dun na note.

Something happened, be right back later

-Sexy Aunt

Napailing ako at sinimulan ng kumain sumabay naman si Arc at sinabi ko sakanya na wala si Tita. "Sabay tayo Cleo ha" tumango ako at bago umalis ay kumuha muna ako ng apple. I just love apples.

Lumabas nakami at malamig na hangin agad ang bumungad samin, eto ang maganda sa Cryptic Mill eh malamig at kulimlim dahil sa madaming puno. Malapit na din daw ang ber months kaya tag-ulan na daw at mas malamig na klima.

Fangs and ClawsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon