IKALABING-APAT NA KAPITULO
"Ilan kayong nandito?" tanong ni Pauline. Pakiramdam niya kasi ay may katabi siyang hindi tao dahil sa may lamig siyang nararamdaman. Hindi sa hindi tao ang katabi niyang si Diomel ah? Talagang may lamig lang siyang nararamdaman at feeling niya ay nasa gitna nila ni Diomel 'yon.
Tumapat ang baso sa numero kwatro.
"Bakit kayo nandito?" tanong ni Leunize.
Sandaling tumahimik ulit ang paligid.
Makalipas ng ilang minuto ay walang nangyari at nanatili lang ang baso sa pwesto nito.
Nagkatinginan sila na may pagtataka sa mga mukha.
"Anong nangyari?" tanong ni Alliah June.
"Lol, Leunize! Ayaw ka kausapin ng multo! Ahaha!" pang-aasar ni Angelika kay Leunize. Natawa naman ang iba.
Siguro dahil wala na 'yong mga multo. At na walang nangyaring masama sa kanila.
"Ay hala! Lowbat na ako. Magcha-charge lang ako, guys!" paalam ni Christian John.
"Sige, ingat ha!" pahabol nila Quincy.
"Gusto mo samahan kita?" tanong ni Lyka.
Nginitian naman siya ni Christian John. "Wag na, uy! Haha! D'yan lang naman ako sa kabila."
"Okay.." Medyo malungkot na tugon ni Lyka. Nararamdaman nito na parang iniiwasan siya ng kaibigan.
"Teka, Delaps! Sama ako! Magcha-charge din me!" sigaw ni Smile at sinundan si Christian John papalabas ng silid.
'Yong iba naman ay nagpunta sa sari-sarili nilang higaan at napagpasyahang magpahinga na.
"Oy Lyks, okay ka lang?" tanong ni Quincy sa matalik na kaibigan nang mapansin nito ang nanlulumong ekspresyon sa mukha.
Tumango naman si Lyka. "Matulog na nga lang muna tayo.. Pagod na ako eh."
"Sige!"
***
Habang mahimbing na natutulog ang mga estudyante ng Perlas, may isang taong nagmamasid sa kanila.
Siya ay 'yong babaeng nagmasid din sa mga kalalakihan noong unang araw na nandito sila.
Mahaba ang buhok, may malungkot na ekspresyon na makikita sa kanyang mga mata, at may nakakatakot na aura sa paligid.
Manang Pasing.
Sinimulan niya ang pagbibilang sa mga batang mahimbing na natutulog.
"1..2..3..4-"
Tinignan niyang maigi ang mga ito habang patuloy pa rin sa pagbibilang sa kanila. Ang iba ay magkayakap, ang iba ay nakadapa habang ang iba naman ay halos malaglag na sa kamang hinihigaan.
"46..47..48..49." Napangiti siya nang makitang kumpleto silang lahat. At least, panatag siya na hindi isa sa kanila ang pumapatay. Dahil sa pagkakaalam niya, sa ganitong mga oras umaatake ang killer.
Tumalikod siya at babalik na sana sa kanyang silid nang biglang may maapakan siyang basa.
Kunot-noong lumuhod siya at hinawakan ito. Hindi niya malaman kung ano ito sapagka't madilim ang silid at hindi siya nagbukas ng kahit anong ilaw para hindi magising ang mga bata.
Nang hawakan niya ang likido, napansin niyang malagkit ito at amoy malansa. Kaya para makasigurado sa konklusyon niya, inilabas niya ang flashlight niya at itinapat doon.
Nanlalaki ang mga mata niya nang makita ang bakas ng dugo sa sahig. At ang mga dugo sa kamay niya.
Takot ang bumalot sa kanya nang makitang may tumutulo pang dugo sa kamay niya mula sa itaas.
Muling napatingin siya sa huling kama. Noon niya lang napansin na unan lang pala ang nasa loob ng kumot. Kasi sino nga bang magkukumot sa sobrang init dito?
Nanginginig niyang iniangat ang kanyang mukha kasabay ang pagtapat ng flashlight sa isang..
..batang nakatungo sa kanya na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi.
Agad na rumehistro sa mukha ni Manang Pasing ang takot, pagkakilanlan at pagkagulat.
"Ikaw-" hindi pa man siya nakakapagsalita ay binawian na siya ng buhay ng walang kaawa-awang killer.
"Ngayon ang simula ng tunay na laro."
+++
Oh ano? Masaya na ba kayo? HAHA! Sorry for the loooooong wait! Salamat din pala sa 1k+ reads! I love you all!
So sino kaya ang killer? Multo/espirito ba o kapwa tao?
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...