Capítulo 31
Dana's POV
"Bumalik na kasi kayo! Nahihirapan din ako. Anytime gusto kong ipagsabi lahat ng alam ko. Anytime pwede magbago ang nararamdaman ko. Anytime mahuhulog na ako!"
Ano raw? Seryoso pwede na siyang dalhin sa mental hospital. Wala akong maintindihan sa pinagsasabi niya.
"Huhuhu! Dana! Umalis na kasi kayo." Ayun, nag breakdown na siya.
Ano bang problema ng babaeng 'to? Ako yung dapat na natatakot at umiiyak pero kabaliktaran ang nangyayari. Nakikita ko sa mga mata niya ang takot. "Sandali, bakit ka ba umiiyak pa?"
"Dana.." Lumapit siya ng umiingos ingos at patuloy pa rin ang pag luha. "Dana, diba dapat para sa akin si Jhonny?"
May maisasagot ba ako sa tanong niya? Hindi naman sya gusto ni Jhon kahit noon pa.
"Pero bakit ganun Dana... Simula ng malaman ko kung sino ka, hindi na ako nakagawa ng move para mapalapit kay Jhonny." Hinawakan niya yung balikat ko. "Alam mo kung bakit?"
Umiling ako.
"Dahil kay Duke Roberto Demonyo! He's evil! I hate him! Hindi na ako nakalapit kay Jhonny..tuluyan mo na siyang nakuha...samantalang ako. Takot sa kaniya. Lagi syang na kabantay; lagi siyang nakasunod; lagi na lang siya, siya, SIYA...tapos ngayon... Hindi na siya mawala sa isip ko.. What should I do?"
"H-hindi kita maintindihan." Ano bang gusto niyang iparating? Ngayon ko lang nasiguradong ang weirdo nitong babaeng 'to.
"Nahuhulog na ang loob ko kay Roberto!"
Weh? "N-nna.. Ano?"
"Bingi ka ba? I'm falling for him!" Sabay ngawa. Umiiyak na naman siya.
"Seryoso? Bakit kailangan mong umiyak?"
"Seryoso ako! Ikaw lang ang sinasabihan ko nito pero I am totally serious. Naiiyak ako kasi... Alam ko ang magyayari sa aking kung talagang ma-i-in love ako sa kaniya! WAAHH! Kasalanan mo 'to."
Ako pa ang nasisi. Tsk! Hindi ko tuloy alam kung tatawa o malulungkot ako. Mukha naman kasing seryoso si Ara. Pambihira. Isa ba siya sa mga nabiktima ni Roberto na yun? Hindi ko alam. Basta nararamdaman ko sya. Alam kong mahirap pigilan ang nararamdaman. Ginawa ko na yan dati kay Jhon pero walang nangyari..
Inilapag ko muna sa tabi yung dala kong pagkain saka niyakap si Ara. Kahit hindi kami magkasundo nito, hindi ko naman siya matitiis. Kahit papano malaki ang utang na loob ko sa kaniyang pagtago ng sekreto namin.
"What are you doong?! Why are you hugging me?" Pumapalag siya pero hindi ko sya binitawan.
"Pasensya na. Nadamay ka pa sa sekreto ko. Kung wala kang alam hindi sana wala kang pinoproblema ngayon. Si Roberto...hindi ko alam kung anong meron sa inyo...pero kung mahal ka rin niya hindi ka niya iiwan."
"Talaga?"
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya para makita niya ang pagtango ko. Sinamahan ko pa ng ngiti para makasigurado sya.
"Sorry Dana ah.. Ang totoo niyan, crush ko lang talaga si Jhonny at gusto ko siyang maging boyfriend para sumikat. I know it's immature but I want attention from everyone."
"Kalimutan na natin yun. At gusto mo namang magbago diba? Sa tingin mo sisikat ka na lang pag napasayo so Jhon? Pagkatapos anong gagawin mo? Sayo nga si Jhon pero masaya ba siya? Masaya ka na ba?" Huminga ako mg malalim, kinuha ko yung dala kong pagkain at nagsimula ng maglakad.
BINABASA MO ANG
My Royal Secret✔️
Подростковая литератураJhon Ybardolaza, makulit, joker, walang trip sa babae magkakagusto... Sa akin? Pano kung malaman niya yung Royal Secret ko?