For Three MONTHS.

39 1 2
                                    

“Ma’am di na po ba pwedeng mag-back out?” sheeez. San galing yung mga salita kong yun! Talaga bang din a makapagpigil ang dila ko sa pagtanggi talaga at pagsasabi ng totoo na ayaw ko?

“Tell it to your Mom. Siya kasi din ang naki-usap saken eh. Ayaw mo ba?” halata namang may pag-aalala sa mga mata ni Madam Australis.

“Ah eh hindi naman po sa ganon. Kasi diba po next month na po yung final Exam namen? Eh di hindi po kame makaksali dun?” tanong ko pa ulit. Gusto ko talaga makalusot para di ako masali dito.

“Ito na talaga ang magiging Final exam niyong anim. Kaya galingan niyo.” Tas ngumiti ng malapad si Madam.

Susme. Di ko alam pero mukhang sila lang ang natutuwa! Ayoko talaga nito. Mag-aawa-awaan ako kay Mama mamaya.

“May mga tanong pa ba kayo?” tanong ni Madam samen.

Ako? Napapatingin na lang sa anim na lalakeng nakaupo sa harap ng desk ni Dean. Graabe ang weird nila nasa harap sila ng Dean namen tapos naghaharutan sila. Weird! Ganyan makakasama namen sa iisang bahay? DI TALAGA PWEDE.

Umokay na nga din ako sa pag-alis ni Kuya sa bahay namen dahil di na natahimik buhay ko, tas ngayon pa? Ngayon anim na lalakeng weirdos pa?  graaabe anim na beses na kaguluhan ang mararanasan ko? Ngayon pa lang gusto ko ng maglupasay! PERO mamaya na sa harap ni Mama para Masaya.

Pinalabas na kame ng office pero naiwan yung 6 na lalake dun sa office ni Madam. Paglabas ng office itong si Ayako eh nagtatalon sa tuwa habang nakakapit sa braso ko. Dyusko Lord opo lagi kame magkasama ni Ayako pero ayoko namang araw-araw sa iisang bahay! My goodness :’(

“Easy girl, di ka naman mapapabilang dun sa tatlong mapipili eh.” Singit na naman syempre sino pa? Eh di si Shichira lang yan sabe senyo dakilang kontrabida yan.

“Oh? Magdilang anghel ka nyan. Haha tara na nga Ayako din a tayo nawalan ng..” tinignan ko si Shichira ulo hanggang paa niya saka nagsalita ulit “pipitchuging kontrabida” tas naglakad na ko. Di naman niya ako pwedeng saktan ng saktan eh. Ano siya sinuswerte.

Dumirecho kame ni Ayako sa room at habang naglalakad kame ay tuloy-tuloy pa din siya sa pagdaldal tungkol sa EXO na yan. Sa dami ng nakwento niya? Wala akong natandaan ni isa. -_-

Pagkakuha ko ng bag ko ay inaya ko ng umuwi si Ayako. Umoo naman siya. Syempre ganyan kame di pwede may maiwan. Alam ko kawalanghiyaan ni Shichira! -_- Kaya niya patulan tong bubwit na si Ayako once na iwan ko to.

Pagkadating ko sa bahay namen eh tinawag ko kagad si Mama.

“Mamaaaaaaaaaaaaaaa!!” sigaw ko na nag-echo naman sa buong bahay.

“Ma’am wala po si Madam, umalis po sila ni Sir Bryan.” Sabi ni Aling Meding na head ng mga yaya dito sa bahay.

“Wala po ba silang iniwan na bilin sa inyo?” tanong ko sa kanya.

“Wala pero ang sabi lang ni Madam sayo eh goodluck daw po. Kanina nga po nagtatalo pa silang dalawa ni Sir Bryan kasi daw po busy sa pag-aaral si Sir tas mag-aaya daw po si Madam ng bakasyon kay Sir.” Tas halatang naguguluhan si Aling Meding. Pero alam ko na ngayon ang purpose nun! -_-

“Ah sige po salamat po. Bababa na lang po ako pag kakain na po ako.” Tas tumakbo na ko papunta sa kwarto ko. Mga pakulo ni Mama! -_- Kailangan ko siyang matawagan ngayon.

“Maaaa!” inis na sabe ko sa kanya. Napapa-facepalm ako dito na parang nakikita naman niya. -_-

“Hello baby girl. Ano? Kamusta?” wow! Maang-maangan si Mama ngayon pakamu-kamusta na lang

“Ma, cancel mo yung sa reality show. Ayoko mapasok dun.” Tas pabagsak kong hiniga ang katawan ko sa higaan dahil wala akong kagana-gana ngayon.

“Nakoo. Di pwede nak. Kahit dito mo na lang pagbigyan si Mama.” Dito lang? Lang?

“Mama naman eh kaya ko naman pong mag-exam ng mano-mano. Di ko nap o kailangan mapasok pa dun! Please ma Maawa ka naman mas gusto ko pong mag-aral.” Pagmamakaawa ko sa kanya.

“Eeeeh. Ayaw ko. Okay lets have a deal. Papasok ka sa reality show ng mga Exo babies ko tapos ikaw na bahala magdesisyon sa college mo. Pero kung ayaw mo mapasok sa reality show, mag-momodelling ka college mo whether you like it or not.” Wika ni mama na may pagka-otoridad.

Napaisip ako dito ng maigi. Sa loob ng three months masusunod ang gusto kong mangyare sa buhay ko? Three months kapalit ng buong buhay ko? Ng buhay college ko? Wow! Instant yun ah! Di naman siguro magtatagal talaga ng three months. Pwede ko naman siguro ibagsak yun at maalis agad sabi lang naman na sumali daw ako dun.

“Hoy! Alam ko iniisip mo Breanne Venelophe Dela Cortez. Kailangan maipasa mo yung sa reality show nay un bago ako pumayag sa gusto mong mangyare sa buhay mo. Ano payag ka nba?” wow. Nabasa ata ni Mama ang nasa isip ko.

“Oo nap o payag na po ako.” Psh! Alang alang sa future ko! Pagpapalit kang three months na to. Bwiset na buhay.

“Talaga nak? Salamat! Anak talaga kita. Galingan mo dun! Kailangan mo manalo. Osya sige bye na ingat bukas.” Tas pinatay na niya yung call.

Napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok. Nakakaasar. Ang hirap maging anak ni Mama!! Bukas magsisimula na ang pagdurusa ko. Lord, PATAWAD. Pero please, sana po kayanin! :(

UNWANTED REALITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon