Nainlove ako sa babaeng sa dota ko lang nakilala (Garena) siya si sheena.Naglalaro ako ng dota noon, kalaban ko siya.Napansin ko agad siya kasi nababasa ko sa chat na babae siya.Then may nagtanung kung ano Fb niya kasi may iba na hindi naniniwala, binigay niya naman yung Fb, kinuha ko naman din at sinearch ko siya sa FB. babae nga siya kaya in-add ko siya.
Hanggang sa matapos ang laro, hindi padin niya ako inaaccept sa FB
Mga ilang araw ang dumaan, siguro mga 3-4days bago niya in-accept ang Friend Request ko, Nanood ako ng mga Video niya habang naglalaro ng Dota tapos tinignan ko ang mga selfie pics niya.
Sa News Feed ko, Picture niya ang una kong nakita kasi nagpalit siya ng DP, nilike ko un "idol nalike ko na, heto ba ung project mo sa sinasabi mo na ilike ko?", pabirong sabi ko.
"salamat idol, oo yan nga salamat ha, sana makapasa ako" sagot niya.
Natawa ako dun, sinakyan niya kasi trip ko kaya nag PM ako sa kanya sa FB sabi ko "idol tara dota na"
"sige idol, dala ka panyo mo ha!! baka umiyak ka pag natalo ka ee" pabirong sabi niya
dun kami nag start maging close sa FB at pati nadin sa Garena pag naglalaro kami ng dota..
Until one day ako naman nagpalit ng DP, nilike niya yun at nagcomment "idol nalike ko na, salamat sa load.text mo lang ako pag may ipapalike ka ulit ha", ganti niya sakin.
Nag-PM ako sa kanya noon, "bigay mo na # mo para mabigay ko load"
pabirong pag sakay ko sa trip niya yun.Nag reply naman siya agad noon kasama ung # niya. Ang saya ko noon, kaso badtrip hindi kami same ng network.
mga after 2days, tinext ko na siya. bumili pa kasi ako ng new # .Mula nun mas naging close na kami katext/call ko siya araw araw, lagi tawanan(lakas kasi trip niya) kung hindi lang siya maganda tatawagin ko sana siyang vice ganda kasi ang galing niya magpatawa.
Nainlove ako agad sa kanya, niligawan ko siya noon, sa text lang un pero binasted niya ako.Ayaw niya kasi ung sa text lang siya nililigawan. Mahirap kasi magkalayo kami ng lugar, Manila ako, siya naman taga Ilocos. So nagpasya akong lumuwas ng Ilocos para ligawan siya. Nagkita kami, ang saya noong araw na un, hindi lang pala sa text/call siya makulit, ang saya niya kausap/kasama. Hindi kasi siya ung time ng babae na kikay, na mukhang mamahalin, siya simple lang, parang SWAG (Simpleng Walang Arteng Ganda)
Nagkwentuhan kami sa park, maraming tao doon, inaantay kasi nila ung dancing fountain, 6pm nag start un.
Hinila niya kamay ko "tara picturan mo ako", utos sakin
kinuha ko CP niya at kinunan siya,lumapit ako sa kanya para ipakita picture pero umurong siya sa fountain tapos winisikan ako ng tubig, binulsa ko cp niya at gumanti ako sa kanya at winisikan ko din siya ng tubig.
Nagtatawanan lang kami dun, nag eenjoy, nageenjoy din ung mga nanunuod sa fountain at sa pagkukulitan namin.
That day na nagkita kami, sinagot niya ako
Nagtagal kami ng 6 months na halos once in 2months kami magkita (ang layo niya kasi ) .Until Nag-Graduate ako ng college.
Medyo marami akong pera kasi kakagraduate kaya pinapunta ko siya dito sa manila for vacation yun. Ipinasyal ko siya dito, nagtagal siya ng mga 3days and 2 nights, naka check in kami sa hotel (alam na) ..pero proud ako kasi ako ang una niya.
Hanggang sa pasukan na ulit, 4th year college na siya noon habang ako magrereview na ako for my exam (engr kc ako) pinili ko sa baguio para malapit ako sa kanya.