"The strokes of my pen tells the unspoken beat of a hard-headed vital" -The neophitewriter.
July 26-27, 2013
To whom I concern most,
I really don't know why I end up on writing this non-sens. Siguro kasi, di naman kita magawang kausapin. So I'll just let this pen to speak and have this paper to hear. Simulan ko sa kung paano ito nagsimula. Freshmen days was such an outcast for me, studying the course that you're not sure if it suits you and having a hard time to get along with some of your classmates co'z you're a transferee...nakakawalang gana diba? Kaya from that day, I officially made you as my crush. Ang simple mo pa kasi nun, tahimik, palangiti at mabait. Kaya ang sipag ko nung 1st year eh, dahil yun sayo. I remember the first day you talked to me, (-- building, 2nd floor at the study table) napakasaya ko nun. Napapangiti ka ng walang dahilan at yung tipong buong atensyon mo ng mga segundong iyon ay nasa akin lang. I keep on liking you secretly at that time. Sana nga nilihim ko nalang yung feelings na'to hanggang ngayon, di sana hindi ako nahihiyang kausapin ka, di sana nakakausap mo pa ako ng walang ilangan at sana hindi ako nagmumukhang kawawa pag inaasar ka dun sa taong gusto mo talaga. Ang sakit pala pag hindi ka gusto ng taong gustong-gusto mo noh. Ngayon kasi di ko alam kung crush nga lang ba ang nararamdaman ko o higit pa. Basta ikaw lang ang taong ginusto ko ng ganito katagal. Ang hirap maging isang masugid na tagahanga, pero sa simpleng dahilan na anjan ka, masaya na'ko, sambitin mo lang ang pangalan ko eh swerte na'ko. Naalala ko pa nung sophomore days naten, first time natin magkagroup nun, late ka na kasi dumating tsaka kami nlang ang may kulang na member kaya napunta ka samin, feeling ko tuloy nakajackpot kami dun kahit alam kong no choice ka lang. Dahil sa groupings nateng yun nagkakausap na tayo, nahawakan mo pa minsan yung kamay ko habang binibigay ko sayo yung isang bowl na may tubig, nagkatabi pa tayong umupo sa buong lecture na yun, at higit sa lahat nagsimula akong magolekta ng ballpen mo. Actually ballpen mo nga toh gamit ko eh. Sorry ah, nahihiram ko kasi sayo di ko na nababalik. Kinabukasan nahihiya na'ko kausapin ka para ibalik yun. Ano ba yan, parang nging diary na tuloy 'to, ni hindi ko nga alam kung mabibigay ko to sayo e. Well, probably no. Basta sa point na'to, makalipas ang tatlong taong pagkagusto ko sayo, eh panahon na siguro para maggive-up. Inaamin ko pinangarap ko minsang makasama kang maglakad sa ulan habang pinapayungan mo'ko, makatabi ka sa bus o sa jeep habang nakasandal ako sayo, makasama kang gumawa ng assignments sa library, magsuot tayo ng couple shirt, makajam kang maggitara, kasabay kang maglunch, kasayaw ka sa isang romantic song, magkwentuhan sa cellphone buong gabi at gagawan kitang kanta habang iginuguhit mo'ko. Pero ngayon, alam ko na, wala naman talagang ganung mangyayari eh. Matagal ko ng alam na wala talagang pag-asang magustuhan mo'ko..na hindi mo'ko kayang mahalin tulad ni K, na hindi mo ako kayang ngitian tulad ng pag ngiti mo kay J at hindi mo ako matitigan tulad ng pagtitig mo kay Y. Ngayon lang natauhan eh. Gustuhin ko mang mahalin ka, puso mo pa rin ang mag didikta, pero ayos lang tanggap ko na. Ang sakit din kasi eh. Pasensya na kung nagustuhan kita ah, ititigil ko ng pagnanakaw ng tingin sayo, di na rin ako tatambay sa facebook mo, at higit sa lahat ititigil ko na kung ano man toh nararamdaman ko para sayo. Through this letter, I am now officially killing this feelings of mine that's meant for you. Hindi madali but soon I know magagawa ko to. And when that moment comes, I can honestly say that you are just once a sweet memory from me. I'll pray for your happiness and for the last time, let me just say that I LOVE YOU. R.I.P this feeling.
P.S: Wag ka naman snang mainis na ginusto kita, di nga ako na inis na hindi mo'ko gusto eh :)
From,
.m