2days and 1night together.

20 0 0
                                    

Pagkauwi ko ng manila nakausap kita gamit ang phone ni ate. Tapos nagusap tayo ang topic natin ay yung babaeng gusto mo at gusto mong ligawan kaya tinanong mo ako kung ano ang pwede mong gagawin para mapasagot mo sya. Ang buong akala ko makikipagbalikan ka sa classmate ko. Ang nasabi ko lang e mageffort ka para sa kanya at patunayan mong seryoso ka. Tapos sabi mo pa nga seryoso ka naman. Yung classmate ko na ex mo na galit sayo kasi niloko mo sya at hindi sineryoso. pagkatapos. Kinabukasan tinawagan ako ni ate at kinwento ko sa kanya ang mga sinabi mo tuwang tuwa ako habang kinikwento ko yon. Pero si ate ay mas natatawa kesa sakin at sabay sabi na ako daw ang tinutukoy mo, sabi ko naman imposible naman yon kakakita lang namin tas ganun na? Imposible. Tapos sabi nya bahala ka. Ayaw mong maniwala. Isang gabi nagkaroon ulit kami ni ate ng paguusap tungkol sa balak kong pagbisita sa kanya sa taguig. Nov 30, 2013 i think? Natuloy yun kaso di naman ako magtatagal dun kumbaga bisita lang ang gagawin ko don. Bago kami pumunta sa bahay nya kumain muna kami sa jollibee at nagkwentuhan. Maya maya tinanong ako ni ate kung ano ang favorite kong color sabi ko pink. Nagtaka naman ako at may tinawagan sya sabay sabing color pink ang paborito nya tinanong ko so ate sabi nya secret kaya pinabayaan ko nalang. Sa bahay naman nila nasa sala kami at nagkwekwentuhan. Tapos biglang pumasok so ate sa isang kwarto angsabi nya wait lang pagbuksan mo nalang pag may kumatok, sabi ko sino kaso di sya sumagot. Maya maya pa e may kumatok na nga at pagkabukas ko nakita kita hawak yung 3 pcs of pink flower at nag HI ka sakin. Natuwa naman ako sa effort mo na yon. Tapos napasaya pa ako nh pink flower. Di ko inaasahan na makakarating ka sabi mo kasi di ka matutuloy dahil may trabaho ka. Pero dumating ka. Ang awkward syempre ganun padin iwas ka padin malayo sakin ako nanonood ng tv. Pag tinitignan kita umiiwas ka. Dun ko narealize na may gusto ka sakin at di ko alam kung para saan yung bulaklak. Nung lumalim na ang gabi kinausap ko si ate na parang gusto ko ng umuwi kaso naiisip ko yung effort mo na pumunta dito para sakin. Kaya napagdesisyonan ko nalang na ipagpabukas na ang pagalis. Pinagpalit ko ang bonding naming magbabarkada para sayo. Di ko alam kung bakit pero pakiramdam ko tama ang ginawa ko. After nun nangulit na si ate. Kinukuha yung phone ko para ichika sayo yung mga nanliligaw sakin ayaw ko naman ipakita baka mahurt ka diba? Hahaha ayun ang inisip ko. Pagkatapos nun nagkaroon ng chance na medyo mapalapit ka sakin because of phone. Tapos we have a same phone kaya na curious ako. Nakipagpalitan ako. Pero bago pa yon hahaha nagdelete muna ako syempre. Hahaha the best part is yung sinabi mong may boyfriend pala ako kasi sa inbox may text don at ang pangalan e mahal ko. Natatawa ako sayo nun that time di mo alam na 8888 lang yon kaya sabi ko wala akong boyfriend ha! Tapos ayaw mo pa ngang tignan pero pinakita ko parin sayo. Then nakita mo na mali ka ng iniisip. After that medyo kunportable na tayo sa isat isa nagkatabi na tayo sa upuan at naging okay naman sakin. That time gusto kong malaman kung may gusto ka nga sakin. Tapos nagtingin ka ng picture ko tas pinasa no sabi mo iisa lang pinasa mo pero pagtingin ko andami dun ko napatunayan na may gusto ka nga sakin. Maaga kaming nagising ni ate samantalang tulog ka pa. Tapos naisipan kong magsangag ng kanin at magprito ng maling para pagkagising mo makakain ka bago makaalis. Pagkatapos mong kumain ay parang ayaw mo pang umuwi. Sabi mo kasi pag tumitingin ako parang sinasabi ko na wag ka ng umalis. Hahaha ang cute mo nga that time e! Ilang beses kang palabas pasok sa kwarto may time pa nga na umupo ka sa tabi ko habang nakadapa ako nagpapaalam sabi ko sige ingat ka. Tapos kinikiliti mo ako hahaha!  Sabi mo nung huli ay aalis na talaga ako bye na! Wag ka na lang tumingin para makaalis ako ang sabi ko naman ay sige ingat. At sa wakas nakayanan mo ng nagpapaalam sabi ko sige ingat ka. Tapos kinikiliti mo ako hahaha!  Sabi mo nung huli ay aalis na talaga ako bye na! Wag ka na lang tumingin para makaalis ako ang sabi ko naman ay sige ingat. At sa wakas nakayanan mo ng makaalis.

My Love Story ❤️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon