37 - Pag-ibig Lang, Sapat Na

2.6K 79 5
                                    

~ NICA ~

Nakakainis, pagkatapos akong paasahin, aalis din pala.
Sana hindi nalang siya dumating sa buhay ko
Pero anyways, at least hindi yun ang last date namin, there's more to life.

Tinext ko si Ayra kung nasan ba siya para may kasama ako, kaso nasa mall daw siya kasama ang parents niya. Sige na nga, pabayaan ko na silang mag bonding. Hay... Heto ako nag-iisa, walang kasama, walang kausap. Bow.

Dahil boring, umalis ako sa restaurant. Ayoko pang umuwi at tsak akong uutusan lang ako ni Mama para maglinis ng bahay, kaya nagdecide akong pumunta sa Indigo Coffee Shop. At oo, ito lang ang coffee shop na malapit kaya huwag kayong magtaka kung bakit dito lagi ang setting ng buhay ko.

Pagdating ko, maraming tao, maraming magbabarkada, hays nalulungkot tuloy ako. Umorder ako ng latte tsaka cake, sometimes kasi sa buhay, you just need dessert.

Nahirapan akong maghanap ng table, buti nalang may isa pang natitira sa sulok.

Nakatunganga akong nakatingin sa mga design ng one-colored design ng coffee shop, well syempre indigo yung kulay.

At uulitin ko: Hay... Heto ako nag-iisa, walang kasama, walang kausa—

"Excuse me?" tanong ng isang babaeng may mahabang buhok, may shades na nakasabit sa ulo, naka varsity jacket na makulay pero in fairness maganda. "Yes?" tanong ko. "May kasama ka ba? If okay lang sa'yo, pwede bang maki-upo? Wala na kasing table na free tsaka nag-iisa lang ako. Pero yun ay kung okay sa'yo." sabi niya. Well sige na nga, pumayag na ako, wala rin naman akong kasama.

Nagexpect akong may makakausap na stranger dahil may kasama ako sa table kaso wala siyang ibang ginawa kung di magtext. "Busy ka yata?" tanong ko. Ako na yung unang nagsalita para di awkward. "Ah hindi naman, tinitext ko lang yung boyfie ko." sagot niyan. "Ah buti ka pa may boyfriend." sabi ko. "Wala ka bang naging boyfriend man lang?" tanong niya. "Wala eh, since birth." sagot ko. Bigla siyang tumingin at lumaki ang mata na parang nabigla yata. "PATAY." react niya. "Oo pero wala naman yatang dahilan para magulat ka ng ganyan, pero may crush akong sinaktan ako kanina." sagot ko. "Ay, sorry to hear that, okay ka lang ba ngayon?" tanong niya. "Oo, sabi nga di ba, "You have to fight through some bad days to earn the best days of your life."" sagot ko. Pero bigla siyang tumahimik at bumalik sa pagtetext. "Ano ginagawa mo?" tanong ko. "Ah wala, ang ganda kasi ng sinabi mo kaya nag GM ako." sagot niya.

Jejemon ba tong kausap ko?

"Highway by the way, I'm the beautiful Shayne Rosas representing Knight Academy." pakilala niya. "Ah nice to meet you, I'm Nicatrix Dimanakawan." pakilala ko naman. "Nabanggit mo kanina yung love life mo... Anong nangyari?" tanong niya. "Ano kasi, kanina..." kuwento kaso pinutol niya ako. "Alam mo Nicary," putol niya. "Nicatrix. O Nica nalang in short." correction ko. "Alam mo Nica, ganyan talaga ang buhay, dadaan ka talaga sa mga malulungkot na araw para makarating ka sa pinamasayang araw sa buhay mo." sabi niya. "Para yun din yung sinabi ko kanina ah? sabi ko. Copy cat pala tong jejemon na to. "Iba yung sinabi mo kanina, English yun. Anyways let me continue, yung buhay kasi minsan binibigay na lahat sa'yo kaso di mo pa tinatanggap. Parang sinusubo na sa'yo yung mga pagkakataon kaso di mo pa nilululon. Dapat kasi minsan di na tayo pa hard to get e. Ako nga alam mo noong una ayaw na ayaw sa'kin ng present boyfriend ko. Nakakadiri daw kasi yung mga sinusuot ko kaya lait siya ng lait sa'kin at di niya namalayang nahulog na pala siya dahil sa ganda ko. Tas a week ago, naging kami. And bukas na bukas weeksary na namin." daldal niya. "Alam mo, payo ko sa'yo, kung may mahal ka, sabihin mo sa kanya. Kung di ka man niya narinig, e isigaw mo sa buong mundo. Ipadama mo sa kanya na importante siyang tao, na kahit na anong mangyari, hindi magbabago ang pagtingin mo sa kanya. Dahil alam mo, ng isip mo, at ng puso mo na siya na ang the one. Siya na si Mr. Right. Huwag mong hayaan maging the one that got away siya. Huwag mo ng hintayin ang tamang panahon, ikaw mismo ang gumawa non." daldal ulit niya. Grabe ang daldal niya ha, pero yung iba sa mga sinabi niya tama.

Naputol yung daldal niya nang tumunog ang kanyang cellphone, *and we danced all night to the best song ever* ringtone niya. Wow Directioner siya, I wonder if kilala niya si Harry Styles. "Sige, excuse me ha, kailangan ko ng umalis kasi may problema pa ako. Kung gusto mong malaman ang magulo ngunit masaya kung kuwento, ifollow mo si @Detective9 sa Wattpad at basahin mo ang 'My Girl Is A Jejemon' pero kung ayaw mo dahil malalim yung pagka-Tagalog tas maikli at parang script style ang pagkasulat, abangan mo ang mas detailed at mas maganda kong kuwento yung tipong mapapasmile at mageenjoy ka kada chapter tas may mapupulutan kapang aral, "Ikaw Lang Sapat Na: The MGIAJ Revised Version" soon!"

At umalis na ang madaldal.

Sa table, iniwan niya yung resibo niya na parang napansin kong may sinulat siya kanina... Kaya, binasa ko.

"Pero tandaan mo, dapat talaga dalagang Pilipina tayo. Jejeje."

Tama nga naman siya, babae ako, dapat hindi ako yung magconfess pero tama rin siya na baka huli na ang lahat kung di ako magsasalita. Ughh kakainis siya ginulo niya lang yung buhay ko.

Ano sa tingin niyo? Dapat ba akong magconfess? O tumunganga nalang at maghintay ng himala?

Kriminal Pala Ang Crush KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon