Jiyong's POV
[Where are you?]
[Chaerin, sagutin mo ang tawag ko.]
[Nasaan ka ba? Nag-aalala na ako.]
Ilang text na ang nasend ko pero wala pa ring reply. Hindi din siya sumasagot sa mga tawag ko. Nasaan ka na ba kasi, Chaerin?
"Oh, bakit? Snob ka pa rin ng asawa mo?" tanong ni Kiko. Aish! Isa la tong babae na to eh. Dapat siya ang may alam kung nasaan si Chaerin. Kaya ko nga siya kinuha dito para may makakasama ang asawa ko kapag wala ako.
"She's missing."
"Nawa---nawawala?! My Gosh! Kailan pa?" tanong niya.
"Kanina pang umaga." sabi ko at pinagkatitigan ang phone ko. Baka sakaling magreply na siya.
"Ngayon lang niya naisip na iwan ka? Kung ako siya, matagal ko nang ginawa yan hahaha!" tawa niya.
"Shut up." sabi ko.
"Aww...napikon ko ba ang baby boy ng pamilya? Don't worry, cousin. Baka nandiyan lang yan sa mga kaibigan niya." sabi niya. Kaibigan? Yeah right!
Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan ang mga kaibigan niya. Sino nga bang tatawagan ko?
Si Dara?
[Hello?] buti naman sinagot agad niya.
"Kasama mo ba si Chaerin?" tanong ko.
[Huh! Diba dapat ikaw ang nakaaalalam? Asawa mo siya kaya wag ako ang tanungin mo! Bye!]
"Tek--tangina." bulong ko.
"Binabaan ka?" natatawang tanong ni Kiko.
Hindi ko na lang siya pinansin. Nako! Kung di ko lang siya pinsan at kung wala akong hiniling sa kanya ngayon, papatulan ko na to eh.
"Psh. Base pa lang sa tingin mo sa akin, alam ko nang gustong gusto mo na akong palayasin sa bahay niyo." sabi niya.
"Baka nakakalimutan mo, kung di dahil sa tulong ko, baka hindi niyo na narealize ng asawa mo kung ano ba talaga ang mga nararamdaman niyo?" nakangisi niyang sabi.
Paano ko nga ba nautusan ang babaeng to?
Kiko's POV
Napailing na lang ako habang tinitignan ang pinsan kong mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Kawawang bata.." sabi ko at mahinang napatawa.
Naalala ko tuloy noon. Nung nagmamakaawa siya sa aking tulungan ko siya. Pfftt..
*flashback*
"Ay nako! Tignan mo nga! Tignan mo! Mukha lang silang mga bitter sa mga exs nilang nasa magkabilang lamesa. Obvious na obvious masyado!"
"Haha..relax, girl. Here..watch this."
Biglang tumayo si Nana at umalis. Kasunod naman niyang tumayo si Kris.
So..naiwan si Jiyong at Chaerin.
"Ano naman ngayon kung naiwan silang dalawa? Para namang---"
Napatigil ako sa pagmamaktol nang makita ng dalawang mata ko na hinatak ni Jiyong palabas si Chaerin.
Omyghod!
"See? Told 'ya!" maarteng sabi nitong kasama ko. Ay ewan. Kung di ko lang talaga gustong magkabalikan yang dalawa na yan, di naman ako hihingi ng tulong sa maarte na 'to eh!
Lagot lang yang si Kwon Jiyong na yan sa akin pagkatapos ng gabing 'to!
Pasalamat siya at mabait ako kaya naman tinupad ko ang request niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Occupation: My EX's Personal Maid
FanfictionName: Chaerin Lee Age: 22 Hometown: Manila, Philippines Gender: Female Civil Status: Single Occupation: ..... . . . MY EX'S PERSONAL MAID (>_<") Written by: Darkest_Senyorita (January 20, 2016)