Storya ng dalawng magkasintahang magkalayo ang LANDAS.
First timer po. Sorry kung may mga typo or kung ano man. Enjoy po :)
-----------------
---JANE's POV---
2 months na kaming magkasintahan ni Oliver. Siya ang first love ko. Sa lahat ng mga lalaking naging kaibigan ko siya pa lang ang nagpakita ng motibo na mahalin ako. Hindi ako ganun kaganda, medyo katangkaran, kayumanggi at medyo brown ang Buhok.
*RIIIINNGGGG RIIIIINNNNGG*
"Hello babyy wanna hang out ?" Sabi niya sa phone.
"Sure :) Kelan ba yan ?" Nakangiti kong sagot. Syempre lalabas kaming dalawa eh. At first time niya magyaya kaya na excite ako ng sobra.
"3 PM. Sunduin na lang kita :) May iniwan ako diyan kay manang na Damit suot mo ah ? See you Baby" Nagmamadali niyang sabi. Mag kaiba kasi kami ng sched. Since 1st year College palang kami. And yup oo medyo mayaman naman kami at sila Oliver ay as in mayaman talaga.
Andito ako ngayon sa canteen. Tapos narin naman kasi mga Klase ko kaya naisipan ko munang kumain. Tumingin ako sa relo ko. 1:30 na pala. Naisipan ko munang umuwi at mag ayos para sa Date namin ni Oliver :)
Pag labas ko ng Canteen nakita ko yung Kapatid/Bestfriend ko na Babae. Siya si Samantha."Wag mo nga akong hawakan!!" Narinig kong sigaw niya.
"Please Samantha wala akong iba. Pangako ikaw lang" Nagmamaka awa yung lalaki. Yup may boyfriend siya. Si Samantha kasi isa siya sa Pinakamaganda dito sa Campus. Maputi, Sexy, Matangkad. Basta lahat ng Katangian ng magandan babae.
"Tigilan na natin to James. Ilang beses mo na 'to nagawa sakin. Kaya mas mabuting maghiwalay na tayo!!" Sigaw niya sa lalaki.
Nakita ko siyang tumatakbo so hinabol ko siya.
"Samantha!" Sigaw ko.
"ATEE!" Umiiyak niyang sabi sabay yakap sa akin.
"Oo narinig ko lahat." Mahinahon kong sabi sa kanya. Saka ko siya niyakap.
"Tara na umuwi na tayo". Saka kami sumakay sa Kotse niya. Ako kasi namamasahe lang. Tag tipid day eh hihihi.----
Nandito kami ngayon ni Oliver sa Lugar kung saan niya ako Niyaya.
"Wait here." Ngumiti siya sakin. Feeling ko langit na dahil sa napaka amo niyang muka. Nag nod lang ako.
Napansin ko na parang kaming dalawa lang nandito. Restaurant siya, hindi ganun kalakihan pero ang alam ko maraming pumupunta dito para kumain.
Nakita ko na umakyat sa stage si Oliver. Wala akong idea sa ginagawa niya. Biglang nagbukasan ang mga ilaw at naglabasan yung mga taong may hawak na signs.
Habang buhay..
Ikaw at ako ang magkasama..
Sa hirap at ginhawa. Habang buhay..
Sumpa ko ikaw lang habang buhay..
Biglang may nag Blindfold sakin at inalalayan ako maglakad. Naririnig ko pa rin yung kanta. Yun ang favorite song ko.
Napansin ko na binitawan nako ng umalalay sakin. Sa tingin ko nasa taas ako ng kung anumang bahay. Mahangin kasi at tahimik.
Biglang natanggal yung blindfold. Nakita ko si Oliver sa harap ko. Hindi ganun kalapit pero hindi ganun kalayo. Biglang bumukas yung mga ilaw at nakita ko ang word na I LOVE YOU JANE.
Para akong mahihimatay sa kilig Hahaha. :") Ngayun lang ako naka experience nito. Bakit ba. XD
Lumapit si Oliver. Hinalikan ako sa noo saka niya binulong ang
"WILL YOU BE MY FUTURE WIFE ?"
------------
Ayun lang muna sa ngayun HAHAHA. Sorry kung may mali man or ano XD Matututo din ako magsulat guys :)
-Val
BINABASA MO ANG
Long Road
Teen FictionKaya mo bang labanan ang milya milyang layo ng mahal mo sa'yo ?