Irish's Point of View
"Ate!! Okay ka lang po?", sigaw ni Fall patungo sa akin. Inilagay naman ako ni Kurt sa sofa. Ngumiti ako sa kanya habang siya umiwas ng tingin. Inilagay niya yung kamay niya sa bulsa niya at dumeretso na sa itaas.
"Okay lang ako. Wag ka ng mag-alala", inassure ko si Fall. Ngumiti naman siya at tumabi sa akin. Kahit wala na si Kurt sa harapan ko, hindi ko mapigilang mamula sa mga ginagawa niya para sa akin kanina.
Eh kayo hindi ba kayo makikilig sa ginawa niya?
"Ate Ai, bakit ang pula mo? May lagnat ka ba?", tanong naman ni Mae sa akin. Agad naman akong umiling.
"A-Ah? W-Wala! Hindi ako nilalagnat. I'm fine", sabi ko naman sa kanya. Tumango naman siya. Opps, kailangan kong tulungan si Manang maglinis sa kusina.
Hindi dapat ako magmukmok dahil nabugbog ako. Kailangan kong tumulong para makabawi naman ako sa pagmalasakit na patirhin ako ni Tito Edwin dito.
Pilit sana akong tumayo ng bumaba na si Kurt at nagsalita, "Tutulong ka kay Manang? Tingnan mo muna yung sarili mo. Tsk", tsaka nilagpasan niya kaming tatlo.
Napaupo na lamang ako pabalik sa sofa dahil sa sinabi niya. Eh? Anong nangyari? Nakita kong nakatingin yung dalawa sa akin. Napakibitbalikat nalang ako.
"Anong nangyari kay Kuya?", naguguluhan tanong ni Mae habang nakatingin sa akin. Pati nga ako eh nagulat sa sinabi niya eh. Pambihira naman.
"Parang ang bait ata ni Kuya sayo ngayon Ate. Nakakapanibago", sabi naman ni Fall sa akin. Parang may masama silang balak sa mga tingin nila sa akin. Napakibitbalikat na lamang ako sa kanila. "Anong ginawa mo kay Kuya? May nangyari ba?", dagdag niya.
Agad naman akong umiling, "Wala naman eh."
"Okay sabi mo eh.", sabay nilang sabi. Inalalayan naman nila akong tumayo at tinulungan sa paglakad patungo sa kwarto namin.
Pinaupo nila ako sa kama namin. "Sige Ate, dito ka muna. Dadalhin nalang namin yung pagkain mo dito." sabi ni Mae sa akin. Tumango naman ako sa kanila. Umalis na sila at iniwan ako dun.
Napatingin ako sa gilid ko. Nakita ko yung bag ko. May nakita akong papel na nasa ibabaw nito. At kinuha ko iyun.
Para bayad mo sa pagsakay sa akin kanina, answer my assignments. Andyan na yung mga notebooks ko sa loob ng bag mo. Tch. -K
Napasigh nalang ako. May bayad talaga? Hindi pa rin siya mabait. Heh, nakakainis. Akala ko naman na hindi na siya masungit sa akin. Hay naku.
Kinuha ko agad yung mga notebooks niya at notebooks ko. Pilit akong dahan-dahang tumayo at pumunta sa study table. Nagsimula na ako sa pagsusulat at pagsasagot sa mga tanong.
BINABASA MO ANG
My Fangirl: My Maid
Genç Kurgu(Kurt Phillip Espiritu Fanfiction) Irish Brillantes ay isang fangirl ni Kurt Phillip Espiritu na nag-apply bilang isang maid. Hindi man alam ni Irish kung sino ang babantayan niya. But who knows? It's her number one bias. Naging magulo yung buhay ni...