Chapter Thirty NineTaehyung
--
Kinuha ko ang pakwan sa lamesa saka ko nilapag malapit sa lababo tsaka ko na rin kinuha ang kutsilyo.
Hahatiin ko lang naman ang pakwan."Taehyung tapos na ba? Gutom na 'ko. 'Di mo ba ramdam?" Kunot noo akong napalingon kay Jace. Mag uumpisa pa lang po ako sa paghahati mada'am.
"Oo ramdam ko nga eh, kasi pati sa sarili kong bahay inuutusan mo ako. Tsaka bantayan mo si Aren sa sala, umalis ka na nga dito." Untag ko.
Sinamaan ako ng tingin ni Jace. "Grabe ka sa akin. Porket may lovelife ka na ginaganyan mo na ako. Grabe siya, sakit sa puso." Pabiro niyang hinawakan ang dibdib niya na parang totoo talaga siyang nasasaktan. Bigla akong naguilty sa sinabi ko.
Nakalimutan ko pa lang may nakaraan kaming dalawa. "Maghintay ka kasi. Dali na punta ka na do'n. Shoo!" Tinulak ko siya palabas ng kusina namin pero bago siya umalis sa harap ko ay hinampas niya ako ng pagkalakas lakas.
"Hindi ako aso! Hayop nito!" Sigaw nito sa akin tsaka tumakbo papalayo sa akin. Hinimas ko ang parte ng balikat ko kung saan niya hinampas. Bakal ba kamay no'n? Ba't ang sakit?
Tinuloy ko na lang ang paghihiwa sa pakwan hanggang sa may marinig akong yapak na papasok na naman sa kusina. Si Jace na naman yata. "Ano na namaㅡPapa?"
"Oh bakit parang gulat na gulat ka?" Biro sa akin ni papa. Napakamot na lang ako sa batok ko, paanong hindi ako magugulat eh ngayon ko lang ulit nakita si papa. Lagi kasi siyang busy, minsan nga hindi ko na siya naabutan dito sa bahay. Kapag umuuwi siya tulog na ako tapos kapag aalis siya hindi pa ako gising.
"Ang aga mo yata papa?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi muna ako papasok hanggang sa Sabado." Sagot niya. Kumunot ang noo ko.
"Bakit?"
"Kailangan kong magpahinga. Oo nga pala, si Aren. Matagal na naming alam na may sakit si Aren." Kumunot lalo ang noo ko. Alam din nila?
"Bakit hindi niyo po sinabi sa akin?"
"Kailangan kasi naming respetuhin 'yung desisyon ni Aren noon na huwag ng ipaalam sa'yo, tsaka nag aaalala din kami sa mararamdaman mo."
Tumango na lang ako, hindi na ako nakaramdam ng galit o ano, tutal wala namang punto kung magagalit pa ako sa kanila dahil lang sa hindi nila sinabi sa akin.
"Ayos lang 'yon, pa." Sabi ko na lang, tumango si papa tsaka siya lumapit sa akin at ginulo ang buhok ko.
"Sana makayanan mo ang lahat ng ito anak. Sige akyat muna ako sa taas at matutulog muna ako." Ngumiti at tumango na lamang ako saka siya umalis.
Maya-maya pa ay natapos ko na ang paghihiwa, nilagay ko iyon sa plato at dinala sa sala. Naabutan ko si Jace at Aren na magkatabi at kapwa ng natutulog.
Nilapag ko saglit sa mesa ang plato ng pakwan saka ko inayos ang posisyon nilang dalawa para pagkagising nila hindi sumakit katawan nila.
Pagkatapos niyon ay umupo na lang ako sa tabi ni Aren at kumuha ng isang pakwan. Nanunood na lang ako ng TV habang hawak hawak ang kamay ni Aren na mahimbing na natutulog sa tabi ko.
--
"Merry Christmas guys!" Bati ni Jimin hyung. Madaling araw na at katatapos lang namin mag noche buena kanina, sila Namjoon hyung na ang pumunta sa lugar namin dahil baka mahirapan si Aren kaya sila na ang nag adjust para sa kanya.
Wala namang problema sa kanila iyon.
As usual katabi ko si Aren, ano pa bang bago doon? Hindi ako aalis sa tabi niya kasi gusto ko nasa tabi ko lang siya. Ganoon ko siya kamahal.
"Mengs, usap nga tayo, palagi na lang kayo ng alien na 'yan ang magkasama eh. 'Di ba kayo nagsasawa?" Pagkaupo na pagkaupo pa lang ni Jace sa tabi ni Aren ay iyon ka agad ang sinabi niya. Sinamaan ko na lang ng tingin si Jace, ilayo ba naman daw sa akin si Aren?
"Mamaya na. Doon ka na lang muna kay Jungkook." Sabi ko habang nilalapit ko lalo sa akin si Aren. Wala eh, ayaw ko talagang pakawalan eh.
"Hala? Mengs gusto mo bang magkapalit kayo ng mukha? Araw araw, gabi gabi kayo na ang magkasama."
"Gano'n talaga kung mahal mo ang isang tao. Hindi ka magsasawa na palagi mong kasama ang taong mahal mo. Kaya kahit na panget si Taehyung mahal ko 'yan." Natatawang biro ni Aren.
Humagalpak ng tawa si Jace saka siya tumayo at tinapik ang balikat ko.
"Paano ba 'yan? Confirmed nga na panget ka. Si Aren pa nagsabi niyan ah? Hahaha! Merry Christmas sa inyong dalawa." Aniya bago siya tumalikod sa amin.
Napakamot na lang ako sa ulo ko at pinagmasdan si Aren. Paano niya nasabi sa akin 'yon? Anong panget? Kaya nga siya nagkagusto sa akin kasi gwapo ako.
"Panget ka d'yan. Mas panget kaya si Hoseok hyung."
"HOY NARINIG KO 'YON TAEHYUNG!" Tumingin ako sa direksyon ni hyung pinanlilisikan niya ako ng mata pero imbes na matakot ako ay tinawanan ko lang siya.
Totoo naman eh, hahahaha!
"Huwag ka ngang nandadamay ng iba. FYI mas pogi sa'yo si Hoseok 'no."
Tingnan mo 'to lakas pa rin ng trip sa buhay. Lakas pa rin makapang asar eh.
"Kahit na mahal mo naman." Banat ko.
"Kahit na, panget ka naman. Kamukha mo nga 'yung patay na kuko ko sa paa. Buti na nga lang at wala akong nakikita ngayon, nakaligtas tuloy ako sa panget mong mukha." Aniya habang tumatawa. Biglang naglaho ang ngiti sa labi ko. Oo nga pala naalala ko wala na nga pala siyang nakikita.
"'Di magandang biro 'yon Aren." Ingit ko.
"Ahaha. Sige sige sorry na po." Hingi niya ng paumanhin.
Inakbayan ko siya ng makaramdam kami ng lamig. Pasko na kasi eh kaya mababa ang temperature dito sa amin.
"Merry Christmas pala Taehyung."
Ngumiti ako saka pinanood ang mga kaibigan namin na nakapaligid sa bonfire.
"Merry Christmas din. Tara doon sa may bonfire, painit din tayo doon."
"Tara."
Katulad ng madalas naming ginagawa, umupo ako sa harap niya para pumasan siya.
"Taehyung kaya ko namang maglakad eh."
"Kahit na, sige na pumasan ka na."
"Taehyung."
"Aren."
"Aish mapilit ka talaga. Sige na nga!" Pumasan siya sa likod ko at nagsimula na akong maglakad palapit sa kanila. Natuon ang atensyon nila sa amin.
"And'yan na naman 'yung sweetheart. Maghanda handa na kayo at lulusubin na naman tayo ng mga langgam." Sinamaan ko ng tingin si Suga hyung.
Paano niya nasabi ang mga bagay na 'yon?!
--November 26, 2016 || 9:10 PM--
A/n: Wae even my friends :( pati sila nagiging immature EXO-L's. Sana hindi makalimutan ng dalawang kaibigan ko na ang BTS ang first na ini-stan nila bago ang EXO, sana huwag nilang kalimutan na minahal din nila ang BTS.
Ang bilis naman nila, 'yung first na ini-stan nila ngayon bina-bash na nila. :(
YOU ARE READING
★ Finding The Value Of Ex || Taehyung [Bts]
Fanfic✔ C O M P L E T E D ✔ " Bakit ka ba nakikialam? Ex lang naman kita. " ⇨[Kim Taehyung ×× Park Jiyeon] ⇨Written in Filipino ⇨Highest rank: #126 ⇨Stand alone BTS fanfiction ⇨Date Started: July 9, 2016 ⇨Date Finished: December 17, 2016