Zaira's POV
Grabe hindi ko pa din makalimutan ang nangyari last friday afternoon. Sabado't linggo bumabagabag sa isip ko kung sino ba yung babaeng tinutukoy niya doon sa voice record niya na yun. Hanggang ngayon, iniisip ko pa din ang tungkol don. E bakit nga ba iniisip ko kasi?
Alam ko na siguro curious lang talaga ako dahil masyado siyang tahimik sa classroom at napaka-misteryoso niyang tao.
Pero ewan ko ba ang weird din talaga ni Jeffrey, akalain mo ba namang dahil lang don ay bigla bigla niya na lang akong tinakbuhan. Masyado lang kabado si kuya na malaman ang sikreto niyang pagmamahal. Chos!
Nakaupo ako sa aking upuan habang nakapanumbaba. Kay aga aga ko naman kasing pumasok. Naalala kong alas syete ang flag ceremony ngayon pero masyado lang palang advance ang wall clock namin sa bahay kaya nasobrahan naman ako sa aga ngayon. Palinga linga ako sa classroom, bakit kaya ang tagal ni Jeffrey? Dati naman ay siya ang kauna unahang nakakarating dito sa school.
Tss. Teka nga lang e bakit ko ba siya hinahanap? Masyado na akong nabubuwang!
Naupo ako sa mahabang upuan sa labas ng room namin dito sa may corridor dahil sarado pa ang classroom. Oo na sobrang aga ko nga!
Maya maya pa ay unti unti nang nagdadatingan ang mga kabatch ko pati iba kong kaklase luminga linga pa ako tinitignan ko kung sino ang mga dumadaan. Ngunit pagtingin ko muli sa hagdan. Maygudnes nandito na siya. Hindi ko alam ang gagawin ko para akong natutuliro, kinakabahan ako na parang nakaramdam ng hiya dahil naalala ko na naman yung nangyari last week. Kaya dali dali kong kinandong ang bag ko para matakpan ng konti ang mukha ko.
Nakalabas pa rin ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya. And as usual naka earphones na naman nga siya, ano na naman kaya pinakikinggan non. Feeling ko nagrecord na naman siya ng echoes niya or gumawa na siya ngayon ng unspoken word poetry. Akalain mo pati lalaki pala may ganung side rin? Pero yung sa kanya medyo weird e *chuckles.
Naramdaman kong umupo siya sa tabi ko at para bang ilalapit ang kamay niya sa noo ko. Hindi ako nagkamali hinipo niya ako sa noo.
Siya: May sa-sakit ka ba? [Tanong niya na may halong pag-aalinlangan? O pag-aalala?]
Ako: [nagtaka] huh? Bakit naman?
Siya: P-para ka kasing giniginaw diyan sa asta mo. [Sabi niya na parang may halong concerned o pag-aalala?]
Magsasalita pa sana ako ngunit dumating na yung iba naming mga kaklase. Maya maya pa ay biglang tumunog ang bell. Nakita kong pumasok siya ng room kahit bawal. Hindi ko naman siya binawalan kasi nakaearphones na naman habang nakatapat sa bibig niya ang parang mic nung earphone. Ano naman kayang pinagsasabi non? Siguro emergency may tumawag? Ugh nevermind.
Bumaba na lang ako at nagflag. Ang tagal ng flag raising ceremony. Pagkabalik namin ng classroom nakadukdok lang si Jeffrey pero nakapasak pa rin sa tenga niya yung earphones. Hindi ko na tinabihan kahit gustong gusto ko. Baka kasi kung ano na namang isipin ng classmates namin at isa pa kinakabahan ako bigla e kapag malapit siya.
Maghapon kaming walang imikan at pansinan. Nakayakap lang ako sa bag ko makakatulog at magigising. Wala naman kasing klase busy daw ang mga teachers. Hay buhay edi sana hindi na lang nila kami pinapasok nang nakapagpahinga kami sa bahay. Tinignan ko ang orasan ko at malapit ng mag-uwian. Grabe ang bilis naman ng oras kapag pagising gising ka at walang klase.
Maya maya pa nagsisilabasan na ang mga estudyante sa kanya kanyang room. Kaya nagsilabas na rin ang mga kaklase ko. Inayos ko muna ako buhok kong gusot gusot pati mukha ko kasi baka may tulo laway pa ako. Kakahiya naman kay Jeffrey diba? Wait, bat siya? Nagulat naman ako ng may biglang lumaput sa akin.
BINABASA MO ANG
Parinig Nga Ulit Ako!
Short StoryParinig nga ulit ako! [Part 2 of Parinig Nga!] ©2016 ( 10-07-16) ZNeverQuitDrawing