xii | Leandro

11.4K 268 37
                                    

Batid kong nasaktan ko si Isabella sa pag-iwan ko sa kanya ng dalawang buwan. Ngunit naging kumplikado ang misyon namin. Sinugod kami ng mga armado at iilan sa amin ay naging sugatan sa pangyayaring iyon.

Masyado akong naging abala 'non, hindi ko na nabalikan pa si Isabella. Mabuti na lamang ay nakapagpaalam ako sa kanya bago sumuong sa aksiyon.

"Saan ka nagpupunta? Bakit wala ka sa given area mo? Resposibilidad mo ang lugar na iyon, ikaw ang pinakanangunguna roon, kung saan ka nagsusuot!"

Napatikas ako ng tayo at sumaludo sa mas nakakataas sa akin. Mabuti na lamang at naibulsa ko ang agimat bago siya makarating.

"Speak!"

Tahimik lang ako roon. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Wala akong alam na maaaring maging palusot sa kanya. Alangan naman kasing sabihin kong gumamit ako ng anting anting na dinekwat ko sa akin Papa at pinaramdam ang pagmamahal ko kay Isabella.

"Wala kang rason! Give me a hundred rounds! Gagawin mo ito araw-araw." Bakas sa kanyang boses ang galit.

"Yes Sir!"

Tumalikod ako at pinagmasdan ang buong lugar. Sa luwang nito ay luluwa ang dila ko sa isang daang ikot. Daang kilometro ang tatakbuhin ko. Hindi naman pwedeng magreklamo dahil hihirapan niya pa ang pagdidisiplina sa akin.

Mabuti nalang ay nakaraos ako sa hirap na iyon. Ngayon... sa wakas ay akin na ng tuluyan si Isabella. Worth it ang pagnakaw ko sa agimat at maging ang mga paghihirap ko.

"Dad, ihatid mo nalang kaya si Isay kaysa mamasahe siya. Delikado sa isang babae ang bumyahe mag-isa. Baka kung ano mangyari doon. Isa pa, wala siyang alam sa Maynila. Maraming maloloko doon, baka mabiktima pa siya."

Napahinto ako sa pag-inom ng tubig. Kita ang liwanag na nagmumula sa opisina ng Papa. Kadarating ko lang mula sa bahay nila Isay. Pumatak na ang hatinggabi, hindi pa rin natutulog ang Papa at si Rod.Hindi iyon ang ikinababahala ko...

Si Isabella ang pinag-uusapan nila.

"Kailan ba ang alis niya?" Mahigpit na napahawak ako sa baso. Nagngitngit ang aking ngipin.

Aalis si Isabella?

"Bukas ng gabi," tiim ang aking labi at iniwanan na roon ang iniinom kong tubig. Baka mabasag ko pa ang mamahaling baso na inaalagaan ng Mama.

'Ni hindi man lang niya sinabi sa akin. Nagdaan ang buwan ng magkasama kami, hindi na nga ako mahiwalay dahil kahit pumasok na kami sa relasyon ay nililigawan ko pa rin siya.

Wala ba siyang tiwala sa akin? Ganon nalang kadali ang lahat para iwanan niya ako...

"Napag-alaman kong aalis ka. Iiwan mo ako? Hindi ba't ikaw pa ang may gustong ikasal na? Isabella, hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol dito."

Pagkagising ko pa lamang kinaumagahan ay dumiretso na ako sa kanila at iyon ang ibinungad sa kanyang tanong. Sa totoo lang ay hindi talaga ako nakatulog. Pilit na bumabagabag sa akin ang pag-alis niya.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng tingin sa akin.

"Hindi na ba kita mapipigilan pa?" Umusad ako palapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.

May muta pa siya at panis na laway pero hindi ko iyon pinansin. Minahal ko siya sa kagandahan niya, mamahalin ko pa rin siya kahit hindi maayos ang itsura niya.

Sana gan'on siya sa akin...

"Aalis ako dahil kailangan kong mag-aral doon. Leandro, gusto kong maiahon ang sarili sa buhay. Hindi pwedeng habang buhay na lamang akong nakalugmok sa putikan."

Kinalikot niya ang kanyang daliri. Malayo ang distansiya namin. Napabitaw ako sa kanya at bumuntong hininga nang makita niya ang aking pinpakitang emosyon.

"Maaaring ka mag-aral dito."

Umiling siya at suminghap, "Mas marami akong oportunidad doon. May scholarship pa ako dahil sa swimming. Ito na ang pagkakataon ko. Maynila lang naman iyon..."

"Maynila? Napakalayo 'non dito! Maraming masasama doon. Mga mapagsamantala..."

"Leandro, nakikiusap ako. Sana intindihin mo naman. Dalawang taon lang naman..." Bumuntong hininga siya. Mariin kong kinagat ang aking labi, "Mahal kita, Isabella. B-Bakit hindi mo sinabi ito sa akin?"

Nanlalaki ang kanyang mata at sunod-sunod na napailing. "Hindi ko... H-Hindi ko kayang sabihin."

Hinintay ko pa ang eksplenasyon niya ngunit nagtagal ang katahimikan sa pagitan namin, hindi siya nagsalita pa.

Irita akong bumuga sa hangin. "Tawagan mo nalang ako 'pag aalis ka na. Siguradong sabik ka ng makarating doon." Naghintay ako ng ilang segundo, nagbabaka sakaling pigilan niya ako pero... wala...

Piping nagmura ako at tuluyan ng umalis doon.

Kinuyom ko ang aking kamao at napasuntok sa manibela. Tangina. Iiwan niya ako. Iiwan niya ako ng dalawang taon.

Hindi ko kakayanin ng ganoon katagal. Hindi ko kayang mawala siya sa akin.

Maynila iyon. Siyudad... Maraming tao doon. Marami siyang makakasalamuhang ibang tao. Paano nalang kung may magustuhan siya doon? Makakahanap siya ng mas nakakabuti sa kanya.

Hindi ko kaya.

"Rod, iiwan ako ni Isay. Matagal mo na ba itong alam?" Binitawan niya ang makapal na librong binabasa at hinarap ako.

"Oo..."

Napahilamos ako sa aking mukha, "Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"

Nagkibit balikat siya. "Siya mismo ang magsasabi sayo. Ayaw kong makialam sa inyo. Maiipit lang ako sa ganyan."

"Kapatid ka niya!"

"Kapatid niya nga ako pero kasintahan ka niya." Blangkong tinignan niya ako sa kabila ng suot niyang salamin.

"Aalis siya, Rodrigo. Anong gagawin ko? Iiwan niya ako! Paano na ako?"

"Ganyan ka ba kabaliw sa kapatid ko? Sa bagay, ito ang unang pagkakataon na may babae sa buhay mo maliban kay Mama." Ngumisi siya at umiling. Bigla na lamang siyang sumeryoso, "Iiwan ka niya? Kung ganon, hintayin mo siya. Magtiwala ka sa kanya. Buksan mo ang utak mo. Dahil kung mahal ka niya, babalikan ka niya."

"P-Paano pag hindi na?" Nanginig ang aking labi at hindi mapigilang pumiyok.

Lumalambot na ako dahil kay Isay. Nakakabaliw...

Tumayo siya sa akin. Hindi ako nakapalag nang isaldak niya ako sa pader at sinikmuraan. Napa-igik ako sa sakit. Hindi pa siya nakuntento, inumpog niya ako sa pader at tinuhod sa sikmura.

Malutong siyang nagmura, "Gumising ka, Leandro. Huwag kang gago. Saan napunta ang utak mo? Nagmahal ka lang puro puso na ang pinapa-iral mo."






at dahil mahal ko kayo bibitinin ko kayo 

Guysss favor naman oh, pagawa po ng book cover T^T baka maprivate si lean ni isay eh huhu  message niyo po ako thank you in advance :)

GhostlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon