Chapter 5
Dagger's POV
Hindi ko alam kung bakit nagustuhan ni Dennise si Yandel eh lagi naman siyang tinatakbuhan non'. Hindi ko alam kung anong nakita niya doon eh mas gwapo naman ako doon, tss. Oo may gusto ko kay Dennise, unang kita ko palang sa kanya nung second year kami, ugh para akong nakakita ng isang anghel na bumaba sa lupa. Ang ganda niya, yung ngiti niya, yung boses niya, yung mga mata niya, yung lahat lahat sa kanya. Kaya nga ko nagpalipat sa section nila Yandel eh, narinig ko kase siya noon na magpapalipat siya kaya bago niya pa ko maunahan ay nagpalipat na ko ng section para hindi masyadong halata diba ?
Pero bago pa ako maunahan ni Yandel ay kailangan malaman na ni Dennise ang nararamdaman ko, mahirap na baka umepal pa yung lalaking ampalaya na yun tss.
-----
"Let's have sex !" aish ! ang baliw talaga nito ni Shadow. Inutusan niya akong ibigay ang sulat na to' kay Cham ? Sira ulo !
Nilagay ko sa bulsa sa papel sakto namang nakita ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
"Ahh Dennise !" tawag ko kay Dennise ng makita ko siya na padaan ng hallway at may bitbit siyang mansanas mukang hinahanap niya na naman si Yandel.
"Oh ! Hi Dagger." ngiti niya sakin.
"Saan ka pupunta ?" tanong ko.
"Ahmm hinahanap ko si Yan..
"Si Yandel ?" inunahan ko agad siya ng tanong.
"Oo, nakita mo ba siya ?" sabi na nga ba eh.
Tinignan ko siya, kailangan mo na gamitin ang utak mo Dagger, hindi mo siya makukuha hangga't paganyan ganyan ka lang. Ugh saang parte ng utak ko galing yun ?
"Ugh, bakit mo siya hinahanap ? May kailangan ka ba sa kanya ?" tanong ko.
"Bibigay ko lang to." turo niya sa dalawang mansanas na hawak niya ".. saka may pinapabigay kase si Bullet sa kanya hindi kase makakapasok si Bullet aksidenteng nakita ko lang siya, so ano ? Nakita mo ba siya ?" sasagot na sana ako ng makita ko si Yandel sa likod ni Dennise, papalapit siya samin at mukhang hindi niya napansin na kausap ko si Dennise.
"Sino bang ..." lilingon na sana si Dennise pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak sa balikat niya. Napatingin siya sakin, lumipat ako sa tabi niya at hinawakan ang magkabilang braso niya.
"Ahh, wala, hindi ko siya nakita eh, alam ko may sakit siya." sabi ko saka hinila na siya. "Tara na baka malate tayo sa klase."
"Huh ? May sakit siya ? Anong nangyari sa kanya?" tanong niya habang naglalakad kami. "..teka pupuntahan ko siya." pipihit na sana siya pero pinigilan ko ulit siya.
"Ahh eh, hindi ka pwede pumunta dun." sabi ko naman habang hinihila padin siya.
"Huh ? Bakit ?"
"Mahahawa ka sa kanya, may Gonorrhea siya bahala ka diyan." damn ! the f*ck with gonorrhea thing, bakit sa lahat ng masasabi ko bakit yun pa ?
"HUH ? GONORRHEA ? OMG !! Ano yun ?."
"Basta ! Nakakahawang sakit yun."
"WAAAHHH ! Eh paano tong ibibigay ko sa kanya ?" inihaya niya ang isang kapirasong papel na nakatupi sa gitna.
Kinuha ko yun. "Ako na magbibigay sa kanya."
"Eh paano pag nahawa ka ?" tanong niya pa.
"Nagkaron na ko nun, hindi na ko mahahawa sa kanya." ngisi ko pa, nagkaron na ba ko nun ? Arrrghhh , dinumihan mo ang pangalan mo Dagger buti nalang mukang hindi niya alam yun.
BINABASA MO ANG
Chasing Apple
HumorI don't attach weigh to love. I f*cking really don't But ... Once Upon A Time IT TURN THE OTHER WAY AROUND....