Serye katorse

1.5K 57 0
                                    

Hindi dumadaan ang mga araw na hindi nag-eeffort si ron gaya ng sabi nya,gagawin nya ang lahat para mapaibig si sarah at maging sila

Naabutan nya sa covered court si sarah na kausap ang isa sa mga member ng organizations,lumapit sya

"Sarah,pwede ba kitang makausap?".

Tinignan lang sya sandali ni sarah.."busy ako,next time nalang,hindi naman ganun ka-importante yung sasabihin mo"

"Kahit sandali lang,please!",pakiusap ni ron,inis syang binalingan ng babae

"Ron bakit ba ang kulit mo?!sabing busy ako eh,kung gusto mong makausap ako maghintay ka,hindi ikaw ang priority dito kaylangan ko ring tumulong sa iba".hindi napigilan ni sarah kaya napasigaw sya,walang nagawa si ron kundi ang umupo sa katabing bench at hintayin doon ang babae

LUMIPAS ang hapon at natapos na sila sa meeting nila,nag-aayos na si sarah ng mga gamit nya,nagulat sya ng makita si ron na nakatulog na sa inuupuan,muka itong pagod pero hindi nawawala ang kagwapuhan nito na tinatamaan na ngayon ng sikat ng pang-hapong araw,gigisingin nya sana ito pero naalala nyang baka mangulit lamang ito sakanya kaya kahit labag sa loob ay umalis na sya at iniwan roon ang lalaki na nakatulog kakaantay sakanya

Naalimpungatan si ron ng may yumuyugyog sakanya,nakita nya sila art na nakapabilog pa habang nakatingin sakanya,nagkuskos sya ng mga mata saka nilibot ng tingin ang paligid

"Shit,nakatulog ako,si sarah!".sabi nya saka inayos ang sarili,nagtaka pa sya ng ipaharap sya ni gian sakanya

"Ron sa palagay ko tama na to!".ani gian

Tumango-tango si drake habang hawak ang baba.."oo ron,alam mo ayokong sabihin to pero nagmumuka ka ng tanga".

"Can't you see the point here ron,akala ko ba matalino ka?!,bakit ganyan ka na,hindi na ikaw yung dating siga na kilala namin,iba ka na dahil kahit pinapaasa ka na umaasa ka parin"..sabi ni art

"Mga pare ano ba?!akala ko ba susuporta kayo sa mga gagawin ko kay sarah.bakit ba kumokontra na kayo ngayon?!,ayaw nyo ba kong maging masaya,?si sarah ang gusto ko,mga repa si sarah lang ang babaing nakikita kong makapagpapasaya sakin,kaya nga hindi na ko tumatanggap ng hamon sa away dahil gusto kong magbago para sakanya,ayaw nya sa badboy kaya eto,binabago ko ang sarili ko kahit kating-kati na ang mga kamay ko na sumuntok dahil nakasanayan ko to,pero para kay sarah lahat gagawin ko.nagmamahal lang ako sana ipakita nyo manlang sakin na may care kayo para sa kaligayahan ko!".nanghihinang sabi ni ron habang napapaupo sa lupa

"Okay,.mahal kalang namin ron,syempre may care bears kami sayo,ayaw ka naming nahihirapan at pinagmumukang tanga.ayaw namin na may umaagrabyado sayo,kaya nga medyo inis kami kay sarah dahil sa ginagawa nya sayo,masyado ka na nyang pinahihirapan"..sabi ni baste

Hinila ni gian patayo si ron,."ron,hindi gawain ng siga ang sumuko sa babaing gusto nya.ang hari gagawin ang lahat makuha lang ang reyna nya,kahit makipag-digma sya sa libo-libong tao gagawin nya,dapat ganun ka rin,alam mong nandito kami sa likod mo at kami ang magsisilbing saklay mo,"..nakangiting sabi nito

"Ganyan kayo eh,kaylangan nyo munang sermunan ako bago nyo palakasin ang loob ko!"..sabi ni ron

Nagyakapan na sila at sabay nagtawanan

*********************************************

Nakita ni ron si sarah kaya sumabay sya dito maglakad

"Hahatid na kita,baka mapano ka pa,akin na yang mga dala mo".nakangiting sabi ni ron saka inagaw ang mga libro ni sarah.kokontra pa sana ang babae pero zinipper na ni ron ang bibig nya

Nasa isang eskinita na sila ng makakita ng limang estudyante na mukang mga siga,taga-kabilang university pa ang mga ito at nakangisi sila kay ron

"Diba ikaw si ron,ang hari ng siga sa Medrano university?!".sabi ng isa

"Oo nga,muka ka ngang gangster sa itsura mo,mukang may ibubuga naman pala,"

"Marami na kaming naririnig tungkol sayo.marami ka na raw natalo,ngayon natin malalaman kung totoo nga ang usap-usapan!".sabi ng leader,lumapit ang isa kay sarah saka hinawakan ang pisngi nito

"Sino sya?gf mo?ang ganda ah!.baka pwede namang i-shar--araayyy!".daing nito sa kamay na napilipit,pinunta nya si sarah sa likod nya saka tumitig ng masama sa mga lalaki

"Wag na wag nyong hahawakan ang babaing to kung ayaw nyong mabugbog!".nagulat si sarah dahil sa boses ni ron na naging seryoso,ibang-iba ang aura nito ngayon kumpara kapag nanliligaw ito sakanya

"Aba.protective ah..eh di bugbugan na!"sigaw ng lalaki saka tumakbo papunta kay ron,tinulak nito si sarah palayo at bago sya makorner ng mg kalalakihan ay sumigaw pa sya

"Sarah takbo na,uwi na ako ng bahala dito!".

Halos matakot si sarah at sobrang pag-aalala para sa lalaki.."ron hindi,hindi kita iiwan dito sabay tayong uuwi!"

Bakas na ang galit sa muka ni ron habang kinukuyog.."sarah alis na,hayaan mo na ko dito"

Panay iling lang si sarah habang pinapanood kung paano bugbugin si ron na hindi lumalaban,panay sipa tadyak at suntok ang sinasalubong ni ron pero hindi sya nasasaktan,mas nag-aalala sya kay sarah na bak madamay ito at pagtripan

Hindi nakatiis si sarah at pumunta sa mga lalaki sabay yakap sa nanghihina at sugatang si ron

"Kapag hindi kayo tumigil tatawag ako ng pulis at hindi ako magdadalawang isip na ipakulong kayo.!",galit na banta ni sarah,tamang-tama at nakarinig ito ng wangwang kaya agad nagsitakbuhan palayo ang mga ito at naiwang bugbog sarado si ron

"Ron,ron gising,ron please wake up!",.sabi ni sarah habang yakap ang walang malay na lalaki na puro pasa,napaiyak na sya at tumulo ang luha nito sa muka ng lalaki

"W-wag ka ng u-umiyak,ayokong nakikita k-kang umiiyak!".sabi ni ron na nanghihina pa habang pinupunasan ang mga luha sa muka ni sarah,hinampas nya ang lalaki sa dibdib

"Bakit hindi ka lumaban?bakit hinayaan mong pagtulungan ka lang nila?.wala ka na bang pake kung magkapasa yang gwapo mong muka ha?!".panenermon sakanya ng babae habang panay tulo parin ng luha pero napangiti lang si ron

"Diba sabi mo ayaw mo sa badboy,kaya hindi ako lumaban dahil ayokong maging badboy,gusto kong mahalin mo rin ako kaya nagbabago ako,at handa ako sarah,,pero inaantok ako eh.kaylangan ko muna sigurong matulog,masakit ang katawan ko,umuwi ka na sarah,itetext ko nalang sila gian para magpatulong sa pag-gamot sa mga pasa ko,mag-aalala lang sila mom kapag nakita nila kong ganito!"

Kinuha ni sarah ang cellphone sa bulsa ng uniform saka nagtipa sa keypad

"Ako ang dahilan kung bakit ka nasugatan,matulog ka na ron,ako na ang gagamot sa mga pasa mo,iuuwi muna kita sa bahay namin at aalagaan kita",,sa narinig ay napangiti si ron

"Sabi mo yan ah,ikaw ang mag-aalaga sakin,",sabi ni ron saka na tuluyang pumikit at nakatulog sa kandungan ng babaeng umiiyak



Inlove Si Siga(MCH series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon