“Love is not when the heart beats the fastest. Love is when it beats no more but then love is still there.”
“Ha? Ako? Ms. Monday Agoncillo? Dean’s Lister ng Far Eastern University ay magkakagusto sa isang ANTIPATIKONG MAYABANG AT AROGANTENG yun? Di na uy! Mas mamahalin ko pa ang mga surot na gawa ng Diyos kahit hindi ko alam ang purpose nila kung bakit sila nasa Earth at ano ang contribution nila sa ecosystem kaysa sa lampang yun! Love love kayo jan? Love is non-existent. Science tells it does not exist. Hence, this is not love.” – Monday Agoncillo
“Me? Mr. Bill Xerxes, anak ng CEO President ng Xerxes Group of Companies? At estudyante ng University of Sto. Tomas? Magkakaroon ng feelings sa isang pulubing katulad niya? Di na! I won’t waste my looks on that stupid girl hanging around. Bakit ba kasi kailangan ko pang makilala ang katulad niya? She’s so annoying! Mas mamahalin ko pa ang mga ipis na gawa ng Diyos kahit hindi ko alam ang purpose nila kung bakit sila nasa Earth at ano ang contribution nila sa ecosystem kaysa sa pulubing yun! Love? Tingin ko hindi nag-eexist yan! And moreover, life is about business. Kung may love, everything will be solved by money. Hence, this is not love.” –Bill Xerxes
Paano kung makilala mo ang isang taong kayang paabutin ang temperature ng dugo mo sa boiling point? Yung taong kapag nagkita kayo, daig niyo pa ang pagputok ng Mount Pinatubo dahil sa bangayan niyo araw-araw? Eh mas palalain pa natin ang kwento. Paano kung isang araw, pag-gising niyo, nagkapalit kayo ng kaluluwa ng taong kinaayawan mo? Magawa mo kayang maging siya? At magawa niya kayang maging ikaw?