Pagpasok ni Caleb sa warehouse ay may kaagad na sumalubong sa kanya. He ducked down and quickly went at the back of the guy. And before the guy even turned around to face him, Caleb kicked him out of the warehouse. Lumaban ito at kaagad naman inulan ng suntok ni Caleb ang lalaki. Pagkatapos ay hinarap niya ang kaguluhan.
Marami ang nag-aaway. Ang mga Soldiers niya ay sandaling naguluhan dahil ang iba nilang kinakalaban ay mga dating Soldiers ng Lethal Hunters. Hindi nila alam kung kalaban ba ito o kakampi. Malalaman lang nila na kalaban kung nanlaban ang mga ito sa kanila.
Sa malayo ay nakita ni Caleb si Jared na idinidiin ang isang lalaki sa pader pagkatapos ay sinuntok ito. Bumalik na kayo dito…
Pero kailangan niyang tulungan ang mga kasamahan niya bago niya matupad ang pangako niya. Kaya naman kaagad na sumigaw si Caleb ng battle cry niya at pagkatapos ay hinablot ang isang lalaki na pasugod sa isa niyang Soldier at inihagis ito sa mga gulong na nakatambak sa warehouse. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo, pinatutumba ang kung sino mang maabot ng kamay niya na kaaway. Kahit pa naging Soldier niya ang ilan sa mga ito.
Hinanap ni Caleb si Nate. Gusto niya itong patikimin ng galit niya sa ginawa nito; sa ginawa nito sa kanya, kay Jared, sa mga dati niyang Soldiers, sa Lethal Hunters, at kay Gabby. Lalong-lalo na kay Gabby.
Pero sa paghahanap ni Caleb ay hindi si Nate ang nakita niya. Nakita niya si Gabriel Ignacio, nakalupasay sa sahig, nagdudugo ang kaliwang paa, habang iwinawagayway ang tungkod niya para matamaan ang dalawang lalaki na pinagtutulungan siya. Sumugod dito si Caleb, kinuha ang isang upuan na nadaanan niya. Malakas na inihampas ni Caleb ng upuan ang lalaki na malapit sa kanya. Nagkahiwa-hiwalay ang mga parte ng kahoy na upuan bago tumumba ang lalaki sa sahig, walang malay.
Sunod naman na pinagbuntungan ni Caleb ang lalaki na malapit kay Gabriel. Pero mabilis itong nakailag sa kanya at hinablot siya sa baywang, tinutulak palayo na parang isang bull. Idiniin ni Caleb ang sapatos niya sa sahig para pigilan ang mga tulak ng lalaki. Pagkatapos ay siniko niya ito sa likod at tinadyakan sa private part nito. Tumumba ang lalaki, nangingiwi.
Kaagad na pinuntahan ni Caleb ang ama ni Gabby.
“Sir,” tarantang pagkasabi ni Caleb nang makita niya ang pained expression ni Gabriel habang hawak nito ang kaliwa niyang hita. “Paano—ok lang ba kayo?”
“Ok lang ako,” sagot ni Gabriel, gritting his teeth. “Mabuti na lang at hindi ang pekeng paa ko ang natamaan. Nahiwa lang ako, pero hindi malalim.
Pinunit ni Caleb ang isang parte ng t-shirt niya at itinali ito sa sugat ni Gabriel. Biglang nakarinig siya ng kasa ng baril. Nag-tense ang katawan ni Caleb at lumingon sa likod. Nakita niya ang lalaking tinadyakan niya na nakahiga sa sahig, may baril na nakatutok sa kanya. Pero nawala ang paningin niya dito nang itulak siya ni Gabriel papunta sa tabi.
Pagkatapos ay narinig ni Caleb ang putok ng baril.
Napatingin kaagad si Caleb sa tabi niya. Nakita niya si Gabriel, nakadapa. Ang likod nito ay duguan.
Kaagad na nilapitan ni Caleb si Gabriel. Nakita niya na kinakapusan ng hininga si Gabriel. His lips was gurgling with blood. “Tito—naririnig niyo ba ako? Tito!”
Nakatitig lang si Gabriel na parang bulag. His eyes were glassy. “S-si Gabby… ang anak ko—”
“Ligtas na siya,” sabi ni Caleb, nanginginig. “Hindi niya alam na nandito kayo kaya dapat balikan niyo siya. Lumaban kayo para sa kanya!”
Nanginginig ang kamay, may kinuha si Gabriel sa bulsa ng coat niya. Nilabas niya ang isang nakatuping papel na may blotches ng dugo. Dahan-dahan niya itong binuklat at kaagad nakita ni Caleb kung ano ito.
BINABASA MO ANG
Another Gangster Story
RomanceWhat are you willing to sacrifice for the one you love? Caleb Fabiano lived a dangerous life. A life full of darkness and mysteries. But sunshine crept over it when Gabby Ignacio came. For the first time, Caleb had something to live and fight for. B...