Missing Someone

8 2 0
                                    

[CHOI JI WOO]

"Hey."

"H-Huh?" Medyo napaatras ako ng makita yung kamay ni Hoseok malapit sa mukha ko.

"Natutulala ka." Medyo nakasimangot na sabi niya.

"Uhh. Sorry naman." Napakamot ako ng ulo. Medyo na guguluhan ako e. Di sa sinasabi kong naguguluhan ako sa pagitan ni Hoseok at Jeong Han. Kasi kung papapiliin ako sa kanilang dalawa, mas pipiliin ko si Hoseok. Syempre naman.

"Kasama nga kita pero malayo naman isip mo." At nakapout na sya ngayon! Pasalamat sya, di ko sya matiis.

"Luh. Di naman ah. Hoseok naman." Sabi ko sabay nagbigay ako ng apologetic expression. Pero walang epekto! Di nya talaga ako iniimik.

"Hoseok~ Galit ka ba sakin~ Sorry na please~" isinandal ko yung ulo ko sa balikat niya sabay yakap sakanya. Nagpapacute na nga ako pero di pa rin niya ako tinitingnan.

"Hoseok~ Baby koooo~" Tinatawag ko na sya ng kung ano anong bagay para pansinin nya ako kaso wala talaga e.

"Babyyyyy." Nagpout na ako tapos medyo kumalas na yung pagkakayakap ko sa kanya. "Galit ka talaga sakin."

"Eh kasi naman ee. Baka ibang lalaki yung nasa isip mo." Pero ako naman ang di pumansin sa kanya. Natahimik kaming pareho.

"Ji Woo."

"Hmm?"

"Galit ka baaa?" 'Pag tingin ko sa kanya, nakatingin sya sakin na para syang tinadyakang tuta. Nagpout muna ako tsaka ko sya niyakap.

"Hindi. Eh ikaw?" Tumingala ako para makita ang mukha niya.

"Hindi na gaano." Sagot niya. "Kiss mo muna ako para di na talaga ako magalit."

Hinampas ko sya. "Oh ayan! Dyan ka magaling eh!" Ngising ngisi si loko.

"Sige na. Kiss mo na ako." Sabi pa niya sabay turo sa cheeks niya.

"Pag kiniss ba kita, di ka na magagalit?" Tanong ko.

"Hm-mm."

"Aish. Sige na nga." At natalo na nga ako. Kiniss ko sya sa cheeks niya. Para nga daw di sya maglit. Leche lang.

Niyakap na niya ako ng mahigpit. Atsaka ako hinalikan sa noo ko.

"Baby." Tawag niya.

"Oh?"

"Yieh. Gusto niyang tinatawag na Baby." Pang aasar niya kaya hinampas ko sya. Nakakainis naman kasi e. Namumula na tuloy ako.

"Bwiset to!" Sabi ko sabay baon ng mukha ko sa dibdib niya.

"Mahal mo naman ako ee." At ramdam ko yung tibok ng puso niya sa pisngi ko.

"Oo na. Kainis ka!" Sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"Aray! Mahal mo nga ako pero sinasaktan mo ko. Grabe ah. Damang dama ko."

"Sorry naman. Eh nakakainis ka eh!" Angal ko sabay harap sa kanya.

"Namumula ka na." Tumawa sya ng malakas kaya napatago ulit ako sa dibdib niya. "Ang cute cute talaga ng girlfriend ko!"

"Aish!!! Ang ingay mo!! Nakakahiya ka!!"

"Eh ang cute mo e. Lalo na 'pag naiinis ka. Para kang bata." Sabi niya sabay yumuko at hinarap ako sa kanya.

"Aray~" Eh pano ba naman, kinurot yung pisngi ko ng madiin.

Please Don't Go [Tae Hyung Fanfiction] - BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon