Lecuane's Pov
"WAAAAAAHHHHHH!!!!"sigaw ni carla.
"Wag ka ngang maingay!!!"
"Pano hindi ako sisigaw kong mapatakbo ka ng kotse parang nakikipagkarerahan ka!"
"Tss."
Ang OA naman ng babaeng to. Sarap ihagis. Kaya ako mabilis magpatakbo dahil baka maubusan ako. Btw, Im Lecuane Jane Marquez. Kasama ko ngayon ang bestfriend kong maingay. Dapat pala di ko na sinama to. Di ako makapagconcentrate sa pagmamaneho ko.
"Dahan dahan naman lecuane!"
Tumingin ako sa kanya.
"Ayoko! Baka maubusan ako ng----"
"Lecuane may tao!!!"
Huh? Tumingin ako sa harap. May nakita ako lalaki. Bigla akong pumereno.
*BOGSH!*
Hala! Nabangga ko ata. Tumingin ako kay carla...
"Oh my god! Lecuane nabangga mo yung tao!"
Bigla akong nataranta. Hindi. Hindi ko sya nabangga. Bigla kasi syang sumulpot na may liwanag tapos ayun nabangga ko. Hala! Ayoko makulong!
"Lecuane tingnan natin"
Lumabas kami ng kotse at pinuntahan ang lalaki. Nakahandusay sya dun.
"Hala! Lalaki!"carla
"Hindi. Babae sya carla babae."
"Ito naman. Ano gagawin natin dito?"
"Itatapon?"
"Umayos ka nga lecuane!"
Kainis naman eh. Natataranta na nga ako dito. Kung ano gagawin ko sa lalaking to.
"Ikaw kasi eh! Kung hindi ka sumisigaw hindi ako makakabangga!"sigaw ko.
"Kasi naman eh!"
Biglang gumalaw yung lalaki.
"Omg! Nabuhay ang patay!"carla
"Wag ka ngang OA"
Umupo yung lalaki.
"Aray! Sakit nun ah!"
Woah! Ang ganda ng boses ng lalaking to! Mala james reid ang boses. Tumingin samin ang lalaki.
O______O
Ang pogi!!! *Q*
Tumingin sya sa langit."Kainis naman kayo! Kung ilalaglag nyo ako dapat sa malambot hindi sa matigas! Grabe ang sakit ng pwet ko ah"
Sino kausap nito? Langit? Baliw ata to. Tumingin ulet sya samin at tumayo. Grabe ang tangkad nito. Nakatingala na ako sa kanya.
"Hi! ^______^"
Ngumiti sya. Parang walang nangyari sa kanya ah. Nabangga ko na nga ngumiti pa. Lumapit sya sakin.
"Ikaw ba si Lecuane Jane Marquez?"tanong nya sakin.
Grabe ang gwapo nya talaga. Nakakalaglag panty. Sana magkaroon ako ng boyfriend na tulad nya.
"Ahm miss? Tinatanong kita"
Bigla akong natauhan.
"H-ha? Anong sabi mo ulet?"
Tumawa sya. Anong nakakatawa?
BINABASA MO ANG
BLACK ANGEL
FantasySa PAG IBIG walang pinipili. Kahit umubig ka pa sa pangit, sa mataba, sa matangkad, sa pandak, sa payat kahit sino basta mahal mo ang isang tao. Pero kung umibig ka sa isang anghel? Napakaimposible naman nun diba? Pero sa istoryang to, posible yun...