Tamara's Pov
"whaaaaaa ang ganda naman dito!" sabi ko ng makita ang view nandito kami sa Cagbalete Island sobrang tagal ng binyahe namin papunta dito no galing pa kaming Manila 5 hours byahe papunta dito sa Mauban,Quezon at oo natuloy ang plano naming mag bakasyon makapag relax manlang kasi haharapin nanaman ang buhay college student
"Hoy bes ! tinatanga tanga mo dyan ? tara na andun na silang lahat oh !" turo ni roselle dun sa barkada naming nag nagsisitakbuhan na papuntang resort
"sige tara na !"
**
Magkakasama ang girls sa iisang kwarto may 3 beds lang pero double deck at dahil lima kami may sobra pa. sa kabilang kwarto naman ang mga boys
"Guys sobrang ganda pala dito no next time balik tayo.. tayo lang mga girls hayaan natin yung mga lalaki mag boboy hunting tayo hahahha" sabi ni tricsha
"Hoy mahiya ka nga may katsumi ka na magboboy hunting ka pa !" sabi ni hannah binato pa si tricsha
"hanggang sa nagbatuhan na sila ng unan dinamay pa kami ni roselle nananahimik kami eh.. then naramdaman ko na parang op si fria kaya binato ko na din sya natuwa naman sya at nakisali na
"hahahaha wait guys stop na ! hinihingal na ako" sabi ni roselle
"mag kwentohan nalang tayo !" sabi ko
"fria ilang taon ka na?"
"18" sabi nya na nahihiya pa
"kasing age ka lang pala namin eh bakit hindi ka pa graduate ?" sabi ni hannah
"tumigil ako ng dalawang taon para makapag ipon para makapag aral.. hindi naman kasi ako matalino para makakuha ng scholarship" sabi nya
"Fria nahihiya ka ba samin ?" tanong agad ni roselle
"OO eh hehehe" sabi nya natuwa naman ako sakanya direct to the point sya
"hay nako bawal mahiya samin kita mo yang mga yan ?" turo samin ni tricsha "makakapal ang muka nyan !" patuloy pa nya kaya hinampas namin sya ng unan hahahaha
"basta fria wag kang mahihiya samin i-enjoy mo tong bakasyon ! ha tsaka tutulungan ka naming maka kuwa ng scholarship diba girls?"
"YUP !" at yun nagtuloy tuloy ang usapan namin hanggang sa naging komportable na si fria samin
Aaron's Pov
Napag desisyonan naming mamayang 3 to 5 pm kami bababa kasi nagpapahinga muna kami dito ang tagal ng byahe habang nandito kami sa room namin walang tigil ang pagkukulitan ng tatlo si jake, si katsumi at si kobe hayss ! nadagdagan pa kami ng isang pasaway napailing nalang ako
"Jake ang yabang mo porket girlfriend mo na si roselle. di naman seryoso yun sayo HAHAHAHA" biro ni katsumi
"Ulol ako nanaman nakita mo ! si kobe nga eh pumatol sa bata ! ahahahhaha"
"hoy jake ! kasing age lang natin si fria no ! hindi sya bata tsaka hindi ko sya nililigawan !" depensa ni kobe
"ahahahaha wala naman sinasabi si jake na nililigawan mo eh halata ka tol !" sabi ni katsumi
"abnormal ka ikaw nga hindi pa sinasagot ni tricsha eh" sabi ni kobe
"sasagutin ako nun nagpapakipot lang hahahaha" sabi ni kats
"ASA KA" parehong sigaw ni jake at kobe
"palaging ako nalang ang nakikita nyo si kirby nga eh ang torpe torpe kay hannah !" sabi ni kats
"hoy hindi kita pinakekealaman dyan so shut up ka nalang" sabi ni kirby
Nagtawanan naman kami
BINABASA MO ANG
All I Ever Need {COMPLETED}
Teen FictionPaano kung may isang taong naging parte ng mundo mo ? Yung sya na yung dahilan para mabuhay ka ? at BESTFRIEND MO PA TO? Tapos bigla ka nalang iniwan sa ere ? Makikilala mo ang isang antipatikong lalaki na hindi mo akalaing makakapagbago ng...