A Wish [One Shot]

4.3K 80 20
                                    

This story is not purely from my imagination but, it's a story of a heartbreaking scene I have watched that keeps on replaying here in my heart and mind. I have cried a lot of times because of this. I hope , you'll love it too. Happy reading <3

Dedicated aye @ShylZarah thank you po ! thank you :) ang ganda po ng story niyo ! Hihi ! God bless po! and congrats po! matatapos na ang 'dealing with the tyrant! hihuhuhu ;(]

"I promise to marry you, and be with you in my own definition of forever"

--

"I-I am sorry to tell you this, Mr. and Mrs. Sy , but you're child will never reach his college day"

Nagkatinginan ang dalawang batang palihim na nakikinig sa usapan ng doctor ng mga magulang ng batang lalaki. Napatitig ang batang babae sa mga mata ng batang lalaki, kitang kita sa mga mata nito ang lungkot. Kumalas ang una sa pagkakahawak sa huli.

Agad tumakbo palayo ang batang babae, ayaw niyang makita siya nitong umiiyak. Sa bawat hakbang niya'y siya namang pagtulo ng mga luha niya. Bagaman at bata pa, alam na niya ang halaga nito sa kanya.

Tahimik siyang naupo satabi ng punong parati nilang inuupuan ng kaibigan. Patuloy pa din ang pagtulo ng kanyang mga luha, gusto niyang magalit pero hindi niya alam kung kanino.

Napatigil siya sa pag-iyak nang maramdaman niya ang mainit nayakap mula sa kanyang likuran.

"Huwag ka na ngang umiyak, hindi naman ikaw ang mamamatay, ah" painosenteng wika ng bata na lalong ikinahagulgol niya. Naaalala niya pa lang na mawawala na ito ay hindi na niya ata kaya.

Pumunta ang batang lalaki sa kanyang harapan at marahang pinunasan ang kanyang mga luha. "Huwag ka na ngang umiyak, para ka ng monster, oh!" biro ng batang lalaki.

"huwag ka nang umiyak, nahihirapan din ako" bulong ng isip ng batang lalaki.

Nang hindi pa rin tumigil sa pag-iyak ang babae ay dumukot na siya ng candy sa bulsa. "Oh, sayo nalang ito. Bawal naman kasi sa akin 'to" wika ng niya tsaka iniabot sa bata ang candy.

Lagi niya itong dala hindi dahil gusto niya iyon, bawal nga sa kanya 'yun eh. Dala niya lang talaga 'iyon dahil sa batang babae. Kapag umiuyak ito, iniaabot niya rito ang candy. Sa awa naman ay tumatahan ito.

Tulad na lamang ngayon, kinuha ng babae ang candy at masayang kinain. Napangiti siya sa sarili, kahit bata pa siya, alam niyang ito na ang gusto niyang makasama.

Nang sumilay ang ngiti sa mukha ng babae ay napangiti din siya. Tinitigan niya ang mukha nitong hindi maikakaila ng sino na maganda kahit bata pa.

Napatigil siya sa pgtitig dito nang bigla itong tumayo at may hinuling kung ano. Napakunot ang noo niya. Nang hindi parin ito tumigil sa pagtalon ay tinanong niya na ito.

"Anong ginagawa mo?"

Hindi ito sumagot bagkus ay nagsitalon pa din. Nang huminto ito sa pagtalon ay marahan iyong pumikit at lumuhod.

"Little wish, sana humaba pa ang buhay niya, guwag mo muna siyang kunin sa akin, please... please..." bulong ng batang babae sa munting halaman na tinawag ng madami na 'wish'.

Nang matapos siyang humiling ay hinipan na niya ito at pinagmasdang liparin ng hangin.

"Anong ginawa mo?" Tanong nito sa kanya.

"Nag-wish" saad niya , habang patuloy na pinagmamasdang liparin ng hangin ang 'wish'. "Matutupad daw kasi ang wish mo kapag nakahuli ka ng ganoon at binulong mo roon ang wish mo, tapos hihipan mo siya para tangayin siya ng hangin papunta sa magyutupad ng wish".

A Wish [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon