Minadaling Mensahe

27 3 1
                                    

            Bilang isang radikal na estudyante, pag napaibig ako, ibang klase. Swerte mo kung sa dinami-rami ng lalaking pwedeng panain ni kupido para mahalin ko e sayo pa tatama o dadaplis. Bihira lamang akong magmahal at hindi pa nangyayari.

 

 

            Nung malaman mong gusto kita e, tuwang tuwa ka naman. Maysa-feelingero ka rin at pakunwari pang kay gwapo mo na. Huwag masyadong mataas ang lipad, wag masyadong mahangin. Hindi ito patimplak sa paramihan at payabangan. Sabay lang sa agos at damdamin ang bawat sandali’t panahon.

 

 

            Sa totoo lang mas gusto ko pa ang dati nating sistema: Walang kibuan, walang pansinan, walang imikan, at hindi halata ang pagka-selos. Na ako, nagmamahal lang ng patago. Ibang klase ang kronikong sakit na dala ng pag-ibig. Nakakalungkot. Masakit. Maraming mararamdaming tagpo. Puno ng mararaming trahedya ngunit sa dulo mangingibabaw din ang saya kahit panandalian lamang.

 

            Malalim. Mahaba at walang katapusan. Pero tinatamad na akong isulat pa lahat. Basta gusto talaga kita at sapat na yun para sa isang mensaheng aabutin ng siglo bago mailathala. Paalam. Paalam. Paalam.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Minadaling MensaheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon