Tissue

41.3K 847 193
                                    


Rainbow Keeper 2013

•••

Examination namin ngayon pero parang biglang sumakit yung tiyan ko. Tae. Pinagpapawisan ako. Hindi ko pa natatapos yung last page, malapit na yung time. Galing! Perfect timing ka, Jebs!

Hindi ko na kaya. Kailangan ko nang mailabas ito kung hindi dito mismo sa classroom ito lalabas at kapag mangyare yun, mapapahiya ako. Tangina. Bahala na.

Lakas loob kong itinaas yung kanang kamay ko, "U-uhm, Miss." Lumapit siya saakin.

"Yes?"

"May I go out?" Sabi ko.

Hindi pa siya nakapagsalita ay lumabas na ako. Tumakbo ako papuntang banyo. Tae, may nakalimutan ako. Tissue! Kailangang kailangan ko yun. Hindi pwedeng mangamoy jebs ako mamaya. Ay tanga ko talaga! Sigurado naman kasi akong walang tissue paper sa CR. Eh tinitipid ata kami ng eskwelahan eh.

Kinapkap ko yung bulsa ko. Baka may solving paper akong binulsa kanina. Pwede na yun. Basta importante may pampunas ako.

"Anong hinahanap mo?" Nagulat ako at mas kinabahan dahil kilalang kilala ko kung sinong boses yun. Anak ng pucha, si Crush!

"Eh uhm, wala." Pakyut kong sinabe sa kanya. Eh si Crush yan eh, ano ba? Ayoko namang ipaalam sa kanya na natatae ako.

"Ito oh, tissue. Baka kailangan mo.." Ngumiti siya saakin. Ay nagets niya ata! Nangangamoy ba? Ehhh, bahala na. Importante may tissue na ako at galing pa mismo kay Crush.

"Ehe, thanks!" Pabebe! Pumasok na ako sa loob ng CR at iniisa-isa ko ang bawat cubicle.

First cubicle: Eww, may tae! Hindi ba kayo marunong magflush ha? Hay, kadiri!

Second cubicle: EWW, may used napkin pa sa sahig! Yuck! Kahit magtapon ng maayos di pa magawa! Kadiri! Nakakahiya kayo!

Third cubicle: May ihi pa. Hay nako, hindi talaga marunong magflush, pero okay na!

Pumasok ako sa third cubicle at ako na mismo ang nagflush ng ihi nila. Mga walang hiya. Hindi ako nag-aral dito upang magflush ng mga dumi nila. Naiistress ako. Finally, tinapos ko na ang dapat kong gawin.

SUCCESS! I feel so comfortable! Ang gaan sa pakiramdam. Since maraming tissue ang binigay ni Crush saakin. Nagtira ako. Syempre, bigay niya saakin kaya kailangan kong itago ito. He's my hero, sinave niya ako gamit yung tissue. Ang sweet diba? Dapat niya nang aminin yung nararamdaman niya saakin. Paligoy-ligoy pa kasi itong si Crush.

Speaking of my hero, nakasandal siya sa wall malapit sa CR ng pambabae. Shet, hinintay pa niya talaga ako haaa?

"Oh kamusta?" Wow!! Ang gandang katanungan yun ha? Kinakamusta ata yung jebs ko. Close sila eh.

"O-okay naman. Thank you nga pala.."

"Para saan?" Kasi kinamusta mo yung jebs ko. Kasi may malasakit ka sa jebs ko. Joke!

"Sa tissue.." Pabebeng sagot, beh! Syempre, kaharap si Crush. Umiibang anyo kapag kaharap si Crush.

"Nako, wala yun. Basta pumayag kalang.." Oh my gosh, liligawan na ba niya ako? Oh my gosh! Is this real?

"Pumayag na?" Tanong ko sa kanya in a pacute o pabebe way habang nilalaruan yung buhok ko. Talandi eh noh?

"Sumama sakin mamaya maglunch.." Oh my gosh! Lunch date? Aminin na kasi yung nararamdaman. Naker naker!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tissue (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon