HDHA - Four - He's Such A Playboy

4K 88 4
                                    

Okkk. Ang landi na naman ng chapter na ito. HAHAHA madaming maharot kay Luigi! Amppp. :)) Sana magustuhan niyo. :> Saka na ang kilig moments ha? Nag-uumpisa pa lang po ang kwento. 

 =======================================================

FOUR

He's Such A Playboy

Sa Kalangitan...

Pinapanood nila Ama, Angel Mihr at Angel Israfel ang nangyayari kay Shekinah sa lupa gamit ang mahiwagang fountain sa kanilang Kaharian. Ang dalawang mabubuting kaibigan na anghel ni Shekinah ay labis ang pag-aalala sa kanya. Simula nang bumagsak ang nagkasalang anghel ay alam nila kung ano ang lahat ng nangyari. Alam din nilang kinupkop siya ng mortal niyang alaga. 

"Ama. Bakit ganoon? Akala ko ba memorya lang sa Kalangitan ang aalisin mo kay Angel Shekinah?" tanong ni Angel Mihr.

"Oo nga, Ama. Eh parang halos lahat ng memorya niya ay tinanggal niyo." dugtong ni Angel Israfel. 

"Mga anak. Natatandaan nyo ba ang sinabi ko na maninirahan siyang NORMAL sa mundo ng mga tao?" 

"Opo, Ama." sabay na sagot ng dalawa.

"Ganun na nga ang aking ibig sabihin. Magiging katulad siya ni Eva, ang unang babaeng nilikha ko sa mundo. At habang tumatagal ay matututunan rin niyang umakto katulad ng mga tao." paliwanag ni Ama.

"Ahhh."--tatango-tango si Angel Mihr--"Ganun po ba? Eh di parang back to scratch si Angel Shekinah." 

"Ayy, Angel Mihr! English yan ah, dumugo ata ang ilong ko." biro ni Angel Israfel na iniipit naman ang ilong niya. Dahil dito ay natawa si Ama sa kanilang dalawa.

Muling niyang tinitigan ang anghel sa lupa at saka tumango-tango. Sa isip-isip niya ay walang dapat ikabahala. Matututo rin sa tamang panahon ang anghel na nagkasala.

--o--

LUIGI'S POV

Nakarating na rin ako ng center. Pagpasok ko sa loob, takbo agad ako papuntang pictorial room. Shit! I am 10 minutes late. Sinabi ko kay Sir Vasquez na 10am nandito na ako, pero di ako nakahabol sa oras.

Binuksan ko ang pinto. Napatingin ang lahat sa akin pagpasok ko. Ang photographer, napatigil sa pagkukuha ng picture. At ang mga model, nagsitinginan rin sa akin. This is what I am talking about. I just hate attention! Sinalubong ako ni Sir Vasquez.

"Luigi! What took you so long? Hurry up and get prepared." sabi sa akin ng bakla kong manager na dinala ako sa dressing room. 

HE'S DATING HIS ANGEL ☺Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon