Palangga ta ka, Jel.

285 10 5
                                    

Panimula

Hay, nakakapagod mag-aral kahit hindi naman talaga ako nag-aaral. May ganoon ba? Naka-upo ako ngayon sa swing, back and forth lang.

Umupo sa kabilang swing si Jel,  "Sophia, ano magandang kanta ngayon?"

Aba, ano namang malay ko sa mga kanta ngayon. Hindi ako masyadong mahilig sa mga kantang pang-international. Mas hilig ko ang OPM. Lalo na ang Moonstar88! 

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pagswing. Nakakamiss din pala to no? Nakakamiss yung childhood ko.

"Uy, pansinin mo naman ako." Nagpatuloy pa rin ako sa pagswing. Snob ko naman masyado, ganyan talaga eh.

"Ay, nyeta. Anong problema mo sa'kin, ha?" Tanong niya na saktong-sakto sa paghinto ng pagback and forth ng swing ko.

"Wala." Simpleng sagot ko. Wala naman talaga eh. Ewan ko ba kung ganito ako ngayon.

Tumayo siya at nagstay sa unahan ko. "Eh, wala naman pala! O ba't gumaganyan ka?" 

"Ewan! Hindi ko alam." Sagot kong muli sa tanong niya. Napapagod ako. Parang hihinto sa pagtibok ang puso ko sa bawat segundong dumadaan. Anong nangyayari sa'kin?

"Soph! Soph!" Rinig kong tawag niya bago ako tuluyang mawalan ng malay.

Marahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang liwanag! Puros puti. Nasaan kaya ako? May naririnig akong usapan sa bandang kanan ko. 

"Sophia! My God! Sa wakas, nagising ka na!" B-boses ni Mama?

"Ma... P-pahingi pong t-tubig.." Nauuhaw ako. Nanunuyot lalamunan ko. Hindi ako makapagsalita ng maayos..

"Saglit lang, anak. Ipapakuha kita sa ate mo." Narinig kong sumarado yung pinto, senyales siguro na lumabas na si Mama.

"Sophia, kamusta? O-okay ka na ba? Bigla ka kasing hinimatay kahapon sa swing.." Bumaling ako sa kaliwa ko, nakita ko si Jel. 

"H-hinamatay a-ako? Bakit? May sakit daw ba ako? A-ano?" Pinilit kong magsalita. Gusto kong malaman kung may sakit ako. Palagi na lang akong ganito noong mga nakaraang araw.

Sumasakit palagi yung ulo ko tapos dalawang beses akong nilagnat last week. Tapos last week, nagkaroon ako ng paper cut, sobrang tagal niya bago tuluyang huminto sa pagdugo. Hindi rin ako masyadong nakakakain nung isang linggo, para bang busog na busog ako. 

"Ah, siguro di ako yung dapat sumagot sa tanong mo." Sambit niya pagkatapos ay nginitian ako. Pumasok naman agad si Ate Pia, may kasama siyang nakaputi pa. Doktor at nurse yata.

"Heto na yung tubig mo." Tinulungan niya akong maka-inom ng maayos.

Lumapit din sa akin yung doktor, "Iha, kamusta na ang pakiramdam mo?"

Ngumiti ako ng bahagya. "Umaayos na po kahit papaano." Pumasok si Mama pati si Papa tapos ay lumapit sa akin. Hinawakan din nila yung kamay ko at ngumiti sa akin.

"Doc, ano po ba ang sakit ko? May UTI nanaman po ba ako?" 

Umiling si Doc, "Iha, mayroon kang cancer." 

Bakit ganoon? Maayos naman ang pamumuhay ko ah? Hindi naman ganoon kalala ang mga kasalanang ginagawa ko. Sumusunod pa rin ako kay Mama't Papa. Nagsisimba rin ako tuwing araw ng Linggo. Anong nagawa ko?

Palangga ta ka, Jel.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon