(Natalia's POV)
foundation day na namin ngayon kaya gumagayak na ako tinawagan ko na rin sila sofie nakagayak na raw sila. Sabi ni sofie sumabay nalang raw ako sa kanya papunta sa campus kaya hindi narin ako nakatanggi. Nasa bahay parin ako hanggang ngayon pinaayusan ako ni nanay at binili ng damit , maya maya natapos narin akong ayusan."ate eto na po yung anak niyo sige po alis na po ako "- sabi ni ate bi tumango naman si nay at nagthank you pati ako at nagulat sila nanay sakin.
"wow!!! ang ganda naman ng anak ko "- sabi ni nanay na tuwang tuwa
"oo nga ate mas gumanda lalo si natalia lalo na ang kinis mo na nakashort ka"- sabi ni tita
"dalaga na talaga yung anak ko"- sabi ni nanay sabay ngiti
"nga pala natalia sino yung escort mo hindi mo pa samin sinasabi kung sino"- tita
"uhmmm si luke po nay , tita"- sabi ko at nagulat sila
"talaga anak mabuti naman at saka bagay kayong dalawa"- sabi ni nanay
"ayieee!!! destiny talaga ang naglalapit sa inyo!"- sabi ni tita
"hula ko anak malamang magagandahan siya sayo sa suot mo "- sabi ni nanay
"nay kayo po talaga"- sabi ko
"dalaga na talaga anak ko"- sabi ni nanay at biglang may kumatok sa pinto isang babae hindi ko siya masilip kaya si tita yung nagbukas at kinausap yung isang babae .
"uhmm excuse me lang po nandito po ba si natalia ako po pala si sofie friend niya"- si sofie pala yun kaya pinapasok ni tita
"sofie nandito kana pala ahhh nay si sofie po kaibigan ko"- ako
"ahh hello po tita"- sabi ni sofie sabay ngiti