Hiiiii! :) Isa ako sa mga Diana"s". Pagpasensyahan niyo na kung medyo baliw yung characters namin. Mana lang sa authors. Ikaw ba naman kasi matulog ng minimum ng 2 hours lang per day o kaya naman maximum 4 hours. Ohdiba? Saya saya. HAHAHA. Pero since ito yung ginagawa naming past time, pag tinatamad magreview, pag inaantok sa isang class period, o kaya naman suspended ang classes. :) Share ko lang naman. HAHA. So ito yung chapter 1. :) O'nga pala. Kung may mga hindi kayo maintindihan, wag kayong matatakot na magtanong either sa comments section or sa message board namin. Salamat.
We're kind of like beginners. Anyways, hope you'd enjoy tho.
*********************************
“Andito ba?”
“Hala patay. Wala.”
“Baka naman nandito?”
“Hala. Wala din.”
“Baka nalaglag lang dito.”
Nag-ala gymnast at track and field runner na ‘ko dito kahahanap ng notebook ko. -_-
“DADDYYYYY!”
“Yes, anak?”
“May nakita po ba kayong notebook na parang Journal?”
“Ha? Wala eh. Tanong mo si manang. Baka nailigpit niya lang yun.”
Ugh. Ano bayaaaan. Iiyak na talaga ‘kooo. Andun yung notes ko sa Chem at saka Biotech eh. TT^TT
“Manang Terry!”
Hala sigeee. Halos hindi ko na pinapansin yung mga binabangga kong furniture. Oyahh. Masakit kaya. Pero mas masakit bumagsak sa Chem at Biotech ‘no. Yun na lang hindi ko naaaral eh. Yun pa naman favorite subjects ko.
Pagdating ko sa Laundry room kung saan nandun si Manang Terry, halos gumapang na ‘ko sa floor ng umiiyak.
“Oh. Anong nangyari sa’yo, iha? Para kang nirape ng sampung kalabaw ah”
Ayy wow yaya! Salamat ah. Nagkandaiyak-iyak na ‘ko dito, ganyan pa sasabihin mo. Wow ah. Hanggang kalabaw na lang ba talaga magkakainteres sa’kin, ganun? Ayy. Ayy. Che naman yaya eh. Ugh. Yung notebook kooo.
“Yaya naman eeeh. Umiiyak na ‘ko oh. Yu-yung notebook ko po na parang journal nakita niyo po ba?”
“Nako iha. Yan ba ang iniiyakan mo? Tumayo ka na nga at tutulungan na kitang maghanap.” Tinulungan niya ‘kong tumayo.
“Sa’n mo ba huling nakita yun? Tinignan mo na ba sa lahat ng bag mo?”
“Opooo. Wala po eh. Tinignan ko na rin po sa kwarto ko. Pati sa malaking bookshelf ni daddy. Wala din po.” TT^TT
Lahat na lang nawawala kooo. Minsan tuloy naniniwala akong burara nga ‘ko. Ibang iba daw ako sa mga magulang ko kasi parehas silang maayos sa gamit.
Ayan. Hanap na naman kami ni yaya.
“Andito kaya?”
“Okay wala.”
“Baka nandito.”
“Wala pa rin.”
“Alam ko naa. Baka nandito?”
“Ugh.”
Nawawalan na ‘ko ng pag-asa. Ayoko naaa.
“Sus. Madali lang naman yung Chem at saka Biotech eh.”
Yun na lang sinasabi ko sa sarili ko. Actually, madali lang talaga. Eh para saan pang may Scholarship ako sa mga applied and pure science na yan di ba.
“Iha, ito ba yun?” Si yaya.
“OHMYGAHD.” Yung notebook ko ngaaa.
“Thank you Manang Terry. I love you na talagaaaa.” Sabay yakap ko sa kanya.
OA ‘no? Medyo GC kasi ako. Chos. HAHA.Pero seryoso nga. Medyo lang naman eh. At saka wala na kasi akong nakikitang mas maganda pang paraan para gawing enjoyable and worth living ang buhay ko kundi sa pag-aaral. Tuuhray di ba?
Kaso tinatamad na talaga ‘ko eh.
At saka. OMG. Nanonood si daddy ng horror movie. Insidious. Ugh. Favorite movie ko yun eh. Fun fact! I like horror movies. Lalo na pag may ice cream. Mas feel kong kumain ng ice cream pag nanonood ng horror movie. Ewan ko. Weird lang.
Ano? Mag-aaral pa ba ‘ko? Eh may strawberry ice cream kami. Tapos horror movie. Ugh. Hirap naman neto eh.
Nilagay ko sa bag ko yung notebook ko. Tapos pumunta ko sa kitchen. I took one gallon of strawberry Ice cream and made my way to the entertainment room.
Ayun. Andun si daddy.
“Oh. Anak. Nahanap mo na?”
“Opo.”
Tapos umupo ako sa tabi niya at nagsimulang kainin yung ice cream habang nanonood.
“Oo nga pala. Pupunta ako ng School niyo bukas. Sabay ka na sa’kin.”
I almost choked.
“Oh. Anong nangyari sa’yo? Okay ka lang?” Inabot sa’kin ni daddy yung tubig.
Isasabay? WHUT? NO.
“Uhm. Dad, hindi na ‘ko sasabay. Baka may daanan pa kasi ako.”
“Oh edi sakto. Para hindi ka mapagod.”
“Daaad. Wag na. Ayokong isipin nilang spoiled ako porket only child ako.”
“Hay nako. Ikaw talaga. You’re trying to act all independent eh ang bata mo pa.”
“Daddy. I’m 16. Turning 17. Don’t you think it’s about time to be independent?”
“Eh. Basta you’ll always be my little princess.” Sabay gulo ni daddy sa buhok ko.
“Daddy naman eh. Ginagawa niyo ‘kong lalaking bata.”
“Oh. Ehdiba Lesbi ka naman? NBSB ka nga eh. NCSB pa nga ata.”
“Dad. Ang corny mo. Ha. Ha. At saka ano yung NCSB?”
“No crush since birth. Duuh. Ano ba yan anak. You’re so not in sa generation ngayon.”
Uhmm. Eww dad. Kadiri talaga ‘to si dad minsan. Feeling teenager.
“Dad. Yuck. Ang cheesy. Ano ba yan. Alam mo kung bakit wala akong crush?”
“Kasi tibo ka. Alam ko.”
Anobayan. Parang gusto nga ata ni dad na maging tibo ako eh.
“No waaay. Wala lang talaga kong nakikita o nakikilalang gwapo at saka mabait. Tulad mo. Yiiie”
“Tulad ko?” Sabay singkit ng mga mata ni daddy.
“Anong kailangan mo sakin?” Tanong niya agad.
“Grabeee. Grabe naman dad. Sige na nga, matutulog na ‘ko kasi may pasok pa bukas. Goodnight dad.”
Ayun. Umalis na ‘ko sa entertainment room at naligo na para makatulog ng maayos.
~
She’s dropping out of school cause she don’t need the grade~
Oops. Pinatay ko na yung alarm ko. By that time nakabihis na ‘ko for school. Aga ‘no? Baka kasi ipagpilitan ni daddy na isabay ako. At saka nasanay na lang talaga ‘ko. Minsan talaga tinatanong ko na sarili ko kung bakit nag-aalarm pa ‘ko kung mas maaga naman akong nagigising kesa sa alarm ko.
Magcocommute na lang ako papuntang school.
Pagdating ko sa school. Ako palang tao.
“Uyy. Sakto. Pwede ko pang i-cram yung Chem at Biotech ko.” Sabi ko sa sarili ko tapos takbo sa may desk ko.
I took the journal notebook. Tapos napansin ko na parang maalikabok.
“Sa’n ba ‘to nahanap ni yaya?”
Nung binuksan ko. May nakalagay na doodle na “DIARY”
I flip a few more pages. Tapos nagulat ako sa signature na nakita ko sa may dulo ng page...
***End***
YOU ARE READING
Wish Upon A Diary
JugendliteraturSa paghahanap ng simpleng notebook na may notes ng dictation mula sa Chemistry at Biotech teacher ko hanggang sa paghanap ng magic na tinatago ng diary na nahanap ko. Well Actually nahanap ng yaya ko.