Slambook
"Hey Heidi, sagutan mo naman to ohh!" sabi sakin ng kaklase kong si Janaiah habang pilit na inaabot saking yung isang notebook.
"At para saan naman yan?" nagtatakang tanong ko sakanya ng nakatuon pa rin ang pansin ko dun sa nakalahad na notebook.
"Slumbook yan. Sige na please! Pasagutan naman yung mga tanong jan ohh!" pagmamakaawa niya sakin. Di talaga siya titigil hangga't hindi ako pumapayag kaya tinaggap ko nalang at sinimulang buklatin. What's so important about this slumbook at parang importanteng importanteng masagutan ito.
"Yey!!! Thanks. Oyy, no lies ha!! Just pure truths. Sige babalikan ko yan mamaya, may aasikasuhin lang kami este ako pala. Make sure to answer it all okay?!" tugon ni Janaiah pagkatapos ay bigla nalang umalis ng may tagumpay na ngiti sa labi.
Hayyy.. no choice. Sasagutan ko nalang.
ABOUT ME:
Name: Heidi Jade Quinto
Nickname: Heidi
Age: 16
Birthday: August 18, 1997
Birthplace: Laguna
Hobbies: Reading books, listening to music, spying my loves (secret lang ahh)
Describe yourself: Maganda at mukhang tao. ^____^
Year & Section: 4th year highschool student, section A
Motto: Never give up on the things that make you smile.
FAVORITES:
Color: Purple and pink
Flowers: White rose
Number: 20
Food: Carbonara
Place: Tambayan ni my loves >///<
Drinks: Milk tea
Song: Out of my league
Cartoon Character: Nemo (hihihi.. nickname ko kay my loves)
LOVELIFE/CRUSHLIFE
Who's your crush?: Nemuel De Castro, ayyy... actually love ko na siya.. hehe
First Love: Nemo my loves
Describe your crush: Aba syempre gwapo, may pagka-masungit pero gentleman. Matalino at sporty person.
Boyfriend/girlfriend: Wala, pero malapit na magkaroon.. haha chozz!
Q&A for your love/crush
Kung bibigyan ka ng pagkakataong makausap ang crush o mahal mo.. ano ang unang una mong sasabihin.: Uhmmm... gusto kita. Ayy hindi.. mahal kita kaya pwede bang tayo na?
Eh ano ang una mong hihingin sakanya?: Number niya?... no! Yung puso nalang niya syempre!
Ano naman ang ibibigay mo sakanya?: Katawan ko.. haha Joke! Edi yung puso ko rin opkors!!
Song na idededicate mo sakanya?: Akin ka na lang..
Kung liligawan ka niya, sasagutin mo ba?: Aba, oo naman! Kahit na di niya pa ko nililigawan, sinasagot ko na siya! ^_______^
Mahal mo ba talaga?: Oo naman.. mahal na mahal!!
Message for him/her:
Hoy nemoterong pogi..pansinin mo na kasi ako. Wag ka ng manlandi pa ng iba jan. Ako nalang landiin mo. Ang ganda ko kayang nilalang para isnabin lang. Atsaka anlahuy... swerte ka na sakin! Kasi sayo na poreber nakalaan ang pihikang heart ko. Aba! Minsan lang magmahal to kaya tuluyan mo na! Ahahahahaha.. Ah basta! Para sakin, ikaw lang ang the best, ang pinakagwapo at pinakacool na lalaking nakilala ko. Kaya oyy... bago pa mahulog sa iba tong puso ko.. saluhin mo na. Baka maagaw pa to ng iba! Alabyoo very much!! Kung mabasa mo man to.. you can come to me anytime.. i'll welcome you with open arms!! Teehee!!
