Ika-4 ng hapon, Pebrero 1, 1991, ipinanganak ang isang napakagandang sanggol....
at pinangalanang....
"Mickee"
Tuwang-tuwa ang mga magulang niya sa napaka gandang regalo sakanila...
Hindi sila makapaniwala na sa sampungtaon nilang nagsasama ei, mabibiyayaan papala sila ng anak...
hinde narin kasi sila umaasa dahil matatanda na sila...
50yrs old na ang ama niya at 48 naman ang kanyang ina...
sadyang mababait at mapagmahal...
Ang kanyang mga magulang...kaya siguradong lalaki si Mickee ng mabait at mapagmahal na bata...
Hindi mayaman ang pamilya ni Mickee, pero ganun paman punong puno naman siya ng pagkalinga at pagmamahal mula sa kanyang mga magulang...
Ang Ama ni Mickee ay nag-ngangalang Michael, at ang kanyang Ina ay si Vickee..
kaya siya pinangalanang"Mickee"
Sa paglipas ng taon unti-unti nang lumalaki ang batang si Mickee...
anim na taon palamang siya ay nakakatulong na siya sa kanyang ina sa gawaing bahay...
Ang ama ni Mickee ay mahilig magtanim...
kahit na abala ito sa trabaho dahil isa itong Guro..
hindi parin nito nalilimutan ang kanyang mga alagang halaman....
ito din ang dahilan kya mahilig din si Mickee sa mga halaman...
* * * * * * * *
Isang Umaga, Abril 19, 1997..
niyaya ni Michael si Mickee na samahan siyang bisitahin ang mga inaalagaan nilang mga halaman...
tuwang tuwa si Mickee at agad sumama sa kanyang ama...
dahil ni minsan hinde pa sya nakakarating sa tinatawag ng kanyang ama na paraiso... punong puno ng galak at pananabik ang mukha ni Mickee...
naririnig na kasi niya dati ang Lugar na yun pag nag-uusap ang kanyang mga magulang...
narinig niya din nuon na napakaganda at presko ng lugar na yun...
kapag nga nalulungkot o may pinagdadaanang problema ang pamilya nila...
palaging pumupunta duon ang kanyang ama...Sa paglalakad nila...
masayang masaya si Mickee..
hindi na sya makapaghintay na makarating sa lugar na iyon....Ama: alam mo ba anak ang tagal kong hinintay ang araw na ito...
Mickee: ang alin po itay..
Ama: ang maisama ka sa paraiso.
Mickee: bakit naman po tay...
Ama: basta anak malalaman mo din pagdating natin doon..
sa paglalakad ng mag ama... may isang malaking puno na nakaharang sa daan...
Ama: Malapit na tayo..
Mickee: tay panung malapit ei mukang dna nga tyo makakadaan ang laki po kaya ng puno oh!, diko na nga makita ung kabilang daan sa laki eh!
Ama: maniwala ka anak malapit na tayo...
Natahimik nalang si Mickee ng biglang hinawi ng kanyang ama ang isang sanga ng puno at sabay tawag sa kanya...
Ama: anak halika dito ang daan...
Mickee: ha? (patanong na sagot) sigurado ka tay? baka paglagpas natin dyan sa bahay ng engkanto tayo mapunta...(pabirong sambit)
Ama: halika na puro ka biro..
Pagkalagpas ng mag-ama sa napakalaking puno...
Ama: Nandito na tayo...
Mickee: talaga tay? puro dahon lang nakikita ko eh!
Ama: hawiin mo pa yang sanga na yan, at makikita mo na ang sinasabi ko!(nakangiting sambit ng ama)
Mickee: (agad na hinawi ang sanga sa kanyang harapan)
WOW!!! itay napaka ganda po dito....Bumungad sa kanila ang napaka raming iba't-ibang magagandang halaman... Ang bango ng simoy ng hangin... Sariwa at maririnig mo ang mga kaluskos ng mga puno, huni ng iba't-ibang ibon, at halimuyak ng naggagandahang mga bulaklak...animoy Paraiso nga ang lugar...
Ngunit isang bagay ang nakakuha sa atensyon ni Mickee...Isang puno sa gitna ng paraiso...
Kumikinang ang mga dahon nito..dahil sa repleksyon ng araw...
Agad nilapitan ni Mickee ang puno...
Mickee: WOOOOOOWWWW!!
(manghang-manghang sinabi niya!!!) Itay sobrang ganda nitong puno!Ama: Oo anak ganyan din ang sinabi ng Nanay mo nung una syang nakarating dito..
Mickee: talaga po? grabe po kasi para akong nananaginip sobrang ganda po dito...
Ama: Tama ka anak kaya nga iniingatan ko ang lugar na ito dahil espesyal saakin ito..
Mickee: paano nyo po ito natuklasan?
Ama: nung bata pa ako anak, siguro kasing edad moko nun.
mahilig kaming magtaguan ng mga kalaro q dito at aksidente akong pumasok sa isa sa mga sanga ng punong nakaharang sa daan at dun ko ito natuklasan...Mickee: ang galing naman po itay..pero bakit hanggang ngayun wala pading ibang nakakatuklas dito...
Ama: sabi kasi nuon ng matatanda my diwata daw na nagbabantay dito...pero lumaki nako at nagkapamilya wala namang diwatang nagpakita saakin...
Mickee: ang galing naman po, parang ang sarap pumunta lagi dito...
Ama: Oo tama ka anak, pero dapat kapagpupunta ka dito magpapaalam ka sa nanay mo o kaya sakin kasi baka maligaw ka at dikana makabalik satin...
Mickee: Opo itay..teka tay bakit po pala sobrang importante sainyo ang lugar na ito..bukod sa maganda dito, siguro dito nio pinasagot si nanay nuon no... hmmm si tatay!
Ama: hahaha! loko ka talaga anak.. pero tama ka nung sinama ko sya dito saka nya lang ako sinagot...galing mo ahhh!
Mickee: sabi ko na eh! hehehe!
Ama: at dyan sa Puno na yan kami nag sumpaan ng aming pagmamahalan...kaya sa lahat ng mga halaman dito yang ang pinaka mahalaga... dyan nakaukit ang pagmamahalan namin ng nanay mo...At dyan kadin nya pinaglihi...kaya mgkasing ganda kayo ng puno nayan...
Mickee: ui si tatay kinikilig padin hanggang ngayun...hehehe! naku naman tay...diko naman kasing ganda ang puno nato...masdihamak na masmaganda padin ito...si tatay binobola pako eh!
Ama: ikaw talagang bata ka...
hinde kita binobola....teka....halika nanga pala at anung oras na baka hinihintay na tayo ng nanay mo...Mickee: tay pwede bang iwan mo muna ko dito..sige na!
Ama: hinde pwede anak magagalit ang nanay mo kaya halika na, babalik nalang tayo sa susunod!
Mickee: sige nanga po, pangako yan tay ahh! (sabay bulong sa hangin "magkikita pa tayo ulit PARAISO").
At agad nang bumalik ang mag-ama sa kanilang dinaanan at umuwi sakanilang bahay...
sa paglalakad...
unti-unting....
maybumubulong sa hangin...
Magkikita pa tayong muli...
(pahina ng pahina ang tinig)Magkikita pa tayong muli...
Magkikita pa tayong muli...
Magkikita pa tayong muli...
* * * * * * * *