1

14 0 0
                                    

Fiona's Point of View

Nakahiga si ate Feigh sa kama niya nung pumaso ako sa kwarto nya para tumambay. Umupo ako sa may pintuan tapos naglaro sa cellphone ko.

Luh, tinigil ko yung paglalaro at tumingin sa kanya. Seryoso? Di man lang ako dadaldalin? Psh

"Hoy, ano ba yang ginagawa mo dyan?" tanong ko.

Tinaas nya yung kamay nya at pinakita sakin yung cellphone nya. Okay fine. 

"Hahaha, may Sehun RP kasi.." rp?

"Anong RP?" tanong ko. Sorry inosente e pft

"Roleplayer" sabi nya at tinalikuran ako. Lah, tinamad na atang magkwento. Huhu bad

"E sinong niroroleplay mo?" tanong ko ulit

"Madami" tipid psh.

---

Matagal nang nagkukwento sakin ang ate ko about dun sa rp na yun pero di ko tinatry kasi nakakalimutan ko ahe. Pero ngayon, nasa harap ako ng computer at iniintay na maverify yung account na ginawa ko sa facebook. Hindi ko alam pero naeexcite ako.

New friends. Yun yung nasa isip ko. Wah ayan na. Sino ba? Mijoo? Chorong? Irene? Luh wag na Irene, sobrang daming Irene dito psh, Mimi? SinB? Jinsol? Suzy?

Shems. Mimi at Mijoo pinagpipilian ko.

Hihi lam ko na, Mimi Joo

Pagkatapos kong magayos ng profile ko e napatitig ako sa laptop. Shems ano namang gagawin ko dito? Spazz account na lang kaya, wag nang rp? Huhu ano ba yan

Nagpost na lang ako ng kung ano ano about sa Lovelyz since si Mijoo ang pinoportray ko. Tapos nagupload ako ng mga fancams. Next time, about Oh My Girl naman para kay MiMi

Nakakaenjoy pala hahaha

Maglolog out na sana ako nang mapansin ko yung friend requests. 71. Seryoso, 71. Ang dami naman ata? O baka kaunti pa lang yan? Haha ewan ko din. Bago palang ako, kelangan ko talaga ng mapagtatanungan.

Need friends

Hindi ko cinonfirm lahat, namili lang ako. Yung mga rpers na kakilala ko lang ang inadd ko.

Magtanong kaya ako sa ate ko kung anong mga pwedeng gawin dito? Lah ayoko, iisnobin lang ako ni senfeigh

---

Pagkalog out ko sa real account ko, nagonline agad ako sa Mijoo ko.

Oo, Mijoo nalang, hirap pag dalawa dalawa e.

10 friend requests at 3 messages, may notif din pero puro likes lang sa mga pinagpopost ko kahapon.

Natawa ako kasi may mga arabo sa friend requests pft, di ko nalang pinansin. May apat na Lovelyz rpers na nag add sakin, ang cool nga e, pare pareho sila ng profile. Uh, hindi naman as in pareho, uniformed lang.

Pagkaaccept ko dun sa apat, tiningnan ko yung messages. Ji Soo Seo,  Kuhmarat Gujarat, saka Yoo Jiae.

PFT HAHAHAHAHA ANO DAW

Sultan Kudarat? Lol joke

Binuksan ko na lang yung sa Jiae at Jisoo pft mauutas ako sa pangalan nung kudarat e

JiSoo Seo: Hi, do you have icg?

Luh, anong icg? Lol kulang pa ng "an" e. Wala akong alam na icg kaya sigurado akong wala ako nun kaya nagreply ako

Mimi Joo: Nah, I don't have. Why?

Pagkatapos e inistalk ko sya kasi malay ko kung taga saan sya haha

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

160517Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon