CHAPTER ELEVEN :))

1.1K 19 9
                                    

Chapter 11 :))

“Jo…Jo—Johann… Bakit ,  May problema ba??”

   Hindi sya kumikibo…Hindi ko alam kung bakit ang weird nya ngayon…bakit parang nagalit sya! Ayaw nya ba na may ibang  nagbayad  ng mga bills ko dito sa hospital? Naguguluhan na talaga ako.

“Johann…May problema ba? Bakit parang galit ka?”-sinubukan ko uling tanungin sya.

“Ah…wala yun..Nevermind na lang.”-sagot nya

“Eh.. Bakit parang galit ka? May problema ba? Pwede mo naming sabihin sa akin eh.”

   Dahan dahan syang lumapit sa akin at niyakap nya ako ng mabilisan lang.

“Wala yun babe, wala lang yun.”-tapos ngumiti na sya

“Sure ka??

“oo”-sya

“Ano? Tara na”-dagdag nya

“Sige.”-nakangiting sabi ko

   Inayos na nya yung mga gamit ko…Mga 5:00 na ng hapon kami naka alis sa hospital.

>>> HABANG NAGLALAKAD <<<

*Holding Hands* 

"ah..Babe, nga pala kamusta yung try out mo ng tennis kanina, nakapasok ka ba?"-tanong ko.

   Hindi sya kumibo sa sinabi ko na yun..bigla na lang syang huminto sa paglalakad dahilan ng pagkabitaw ko sa kamay nya..

"Johann baki--"

   Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil nakita ko yung malungkot nyang muka..Hala?? Bakit sya malungkot? may sinabi ba akong mali? "Ay putek!"-ngayon ko lang na gets kung bakit sya malungkot, malungkot sya dahil hindi sya nakapasok sa try out nya kanina.. Ang tanga tanga ko.. >__< dapat pala hindi ko na lang tinanong sa kanya yun.. Nako!

"Alam mo babe, ayus lang yun..May next time pa naman eh.."-niyakap ko sya para i comfort.

   Hindi pa rin sya kumiki bo. Malungkot pa din sya.. Ano bang pwede kong gawin para sumaya sya..paano ba??

"Hayaan mo babe, next time sasama na ako para may inspirasyon ka."

   SHEMAI!!! Bakit malungkot pa din sya?? Nalulungkot na din ako dito eh..Alam ko kasing dati nya pa gustong maglaro ng tennis eh..Nako, Ano na ang gagawin ko neto??

"Babe...Pleeease.. Wag ka nang malungkot"

   Unti-unti na syang lumakad... Nakita ko yung muka nya na unti-unting ngumingiti..Yes! buti naman at masaya na sya ulit..  Teka? bakit parang natatawa sya?? "HAHAHAHA"-palakas ng palakas yung tawa nya.. Anong nangyare dun?? Kanina lang malungkot sya ah..tapos ngayon masaya na?? Wag mung sabihin.....BALIW na sya?? hehehe.. syempre hindi...pero naguguluhan pa din ako.

MEANT TO BE PA RIN TAYO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon