A/N: Hey! If you were here early enough you would know that I actually changed the title of this story from "One Year Ahead" to "Crush? Crushed." I felt that the title didn't suit the story too well so I changed it. Everything's still the same though. I hope everyone enjoys this but if not. I understand.
********************
It all started with a crush.Akala ko hanggang dun nalang talaga yun. Wala naman akong pag-asa sa kanya nun eh.
Pero akala ko lang pala yun. Eh kasi naman, hindi niya naman ako pinapansin. Parang hindi niya nga alam na nag-eexist ako eh.
Hindi ko naman siya masisisi. Hindi naman kami close. Hindi namin kilala ang isa't-isa bukod sa pangalan at mukha. Yun lang.
Kaya hanggang crush lang talaga ako. Pinipilit kong hindi na lumampas pa doon. Crush lang talaga. Pinipilit ko pa ngang hindi siya pansinin.
Pero...
Ang gwapo niya kasi. Gaaahh! Haha okay joke yun hindi lang dahil dun kung bakit ako nagkacrush sa kanya noh.
Ang dami kong memories na nakakasama ko siya. Kahit ang iksi ng pag-uusap. Madalas nakatingin lang ako sa kanya mula sa malayo. Pero para sa'kin magandang memory yun noh. Huwag niyong sabihing OA kasi alam kong ganyan din kayo. Kahit gaano ka liit na bagay, napakabig deal para sa'yo.
Naaalala ko pa kung paano ko siya nakilala.
Naglilibot ako sa campus. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Iniwan kasi ako ng mga kaibigan ko. May club pa raw. Kaya eto ako. Lonely :(
Pumunta na lang ako sa canteen. Bumili ako ng biscuit at umupo sa isang upuan sa dulo. Walang makakapansin sa'kin dito. Kumuha din ako ng libro sa bag ko at nagbasa.
May nakita akong tao na nakatayo sa peripheral vision ko kaya tumingala ako.
Nakita ko siya. Ang gwapo niya nga eh.
"Uhmm, pwede bang makiupo kami ng kaibigan ko rito?", sabi niya.
Tumingin ako sa paligid marami-rami rin pala ang mga estudyanteng nakatambay dito. Wala nang vacant na table.
Tatango na sana ako kaso nakakita na ang kaibigan niya ng mauupuan.
"ANTON! DITO NA TAYO!", sigaw pa ng kaibigan niya mula sa kabilang ibayo ng canteen. Tumingin kami doon at namukhaan ko ang kaibigan niya. Varsity siya ng basketball at senior na. So, baka senior rin siya.
Sayang! Wala na! Wala na talaga akong pag-asa.
Pero, ang ganda ng pangalan niya. Anton. Or baka para lang yun sa akin.
"A-ahhh, sige mayroon na palang vacant. Sorry kung naistorbo kita," sabi niya habang kinakamot ang batok niya. Ang cute!
"Okay lang, sige," sabi ko at tumango habang nakangiti ng kaunti.
Tumalikod na siya at umalis. Nagpatuloy naman ako sa ginagawa ko hanggang dumating ang mga kaibigan ko na kalahating oras akong hinanap. Haha! Yan ang nakukuha niyo sa pag-iwan sa akin.
Ganun. Naaalala ko pa nung gabing yun iniisip ko siya at napapangiti lang ako bigla at napagtanto ko na crush ko siya. Pero crush pa lang yun.
Eto pa. May isa pang magandang ala-ala. Nung time na nakabangga ko siya sa hallway.
Nagmamadali ako kasi malelate na ako. Wala nang msayadong tao sa labas ng classrooms. Yung mga nasa labas ay yung mga naghihintay na makapasok ang iba nilang classmate na pabebe.
BINABASA MO ANG
Crush? Crushed. (One-shot)
Random|they're called crushes for a reason.| It's a one shot story that shows how most people feel when they have crushes na hindi sila napapansin. You guys know how it feels. Just hoping that someone would like this. Your feedbacks are highly appreciated...