Namiss ko si ex.

66 1 1
                                    

Kaninang mga alas dose pasadi ng hapon, nagtext siya sakin, sabi niya, kailangan daw nya ako sa tabi niya, umiiyak daw sya sa may Baguio Centermall Mcdonalds. Agad naman ako nagreply sa sinabi nya sabi ko "kung wala lang kaming quiz, pupuntahan kita". Sinabi nya sa akin sa txt niya niya "minsan hindi mo ginawa sakin yung ginawa ni __." Nakaraaan ang 2 oras pinunthan ko siya sa Zola kasama ang kaibigan nya. Noong una kinakabahan ako dahil hindi ko alm kung ano ang mangyayare at napaisip kung bakit niya ako tinext ng ganon. Naisipan kong pumasok at akoy huminga ng malalim sabay kinakabahan, at ayun nakita ko siya. Bigla niya ako pinaupo sa tabi niya na parang ilang taon kaming hindi nagkita. Hinawakan nya kamay ko. Pagkalipas ng ilang minuto. Umalis na ang kaibigan niya at kami nalang ang naiwan at naisipan namin mag iced tea sa sm. Habang nakaupo kami sa may veranda, bigla niya sakin sinabi ang lahat tungkol sa kanyang syota na pinagpalit niya sakin. Bigla akong natuwa at mejo nalungkot din kase kung sino pa ang pinili niya, un pa ung taong manloloko sa knya. Sabigin na nating hindi pa ako nakakamove-on kase masakit talaga ang ginawa niya. Kailangan ko namg umalis at may pasok pa ako ng alas 5 ng hapon sa Slu. Bigla niya ako sinabihan ng " pwedeng pa hug? At pahatid ako sa parking lot?" Akoy hindi tumanggi kase minsan naging parte siya ng buhay ko at isa sa mga taong nagpasaya sakin. Masaya ako dahil kaht ano man ang ginawa niya sakin tinanggap ko parin kase parte lang ng buhay ang maiwanan, masaktan, maloko. Wala tayong magagawa kase nagmamamahal lang tayo. Tao tayo ee.

Sa may parking lot yinakap ko siya ng mahigpit. Namiss ko siya ng sobraa. Hinding hindi na ako maghahanap kase pinangako ko sa kanya na siya na ang huli ko. Naiiyak ako nun kayakap ko siya pero pinigilan ko lang. Hanggang ngayon Mahal na mahal ko parin siya!!

september 23, 2013/ >raprap

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Namiss ko si ex.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon