Face Palm Moment

187 12 9
                                    

Glen's POV

Habang sinasagutan namin ang exam, sinusulyapan ko si Cardo. Bakas sa mukha niya na nahihirapan siya dito sa exam. 35% lang siguro dito sa exam ang nadiscuss. The rest sa long quiz lumabas. Long quiz slash review slash discussion kasi yun. Malas niya talaga hindi siya nakapasok. Napabuntong-hininga nalang ako.

Habang sinasagutan ko yung exam, hindi ko mapigilang sulyapan si Cardo. Nagaalala talaga ako dito sa katabi ko.
Kasalanan mo yan, Glen e. Alam mo nang kailangan nung tao ng tulong mo. Inuna mo pa yung selos-selos mo.
Napapikit nalang ako ng mariin at dali-daling tinapos ang exam. Di na ko makapagconcentrate. Tumayo ako at nagpass na ng papel.

Bababa na sana ako kaso.. Glenda. Alam mo, tigilan mo na yang kaartehan mong yan. Sa ginagawa mong yan, mas napaghahalata ka na may gusto ka kay Cardo no? Kaya kung ako sa'yo kausapin mo na siya, hindi naman niya kasalanan na nagseselos ka.
Napabuntong-hininga ako at sakto naman pagharap ko pabalik ng room, nasa labas na siya ng pinto.

"Pards.." Nasabi ko nalang.
"O bakit?" Nakangiting tanong niya sakin. "Di mo ko matiis no? Sabi ko na nga ba, Glenda e."
Napasimangot naman ako. "Kapal talaga ng mukha mo, Cardo. E mas di mo kaya ako matiis! Nagdala ka pa ng lunch sa school ko tapos ipinangalan mo kay sir Billy, di ba? Naku, Cardo. Pati ba naman ako ginagamitan mo ng mga diga mo sa mga chicks mo? Mahiya ka nga!"
Nahihiyang nagkamot siya ng batok. Juice ko. Bakit ang cute niya pag ginagawa nya yun?
"E.. ano.. Ikaw kasi e." Nakangiting tugon niya.
Juice ko. Pag ngumingiti si Cardo ng ganyan, para akong matutunaw. Juice ko. Babae lang ako. Wag naman sana ako bigyan ng mga pagsubok na ganito. Gusto kong batukan ang sarili ko. Nawawala na naman ako sa huwisyo. Umayos ka, Glenda!
Binatukan ko sya. "Bakit ako?"
"Nagseselos ka kay Carmen e!" Sabi ni Cardo with matching siko sa akin. "Uuuuyyyy."
"Ay, oo. Nagselos talaga ako. Ang gwapo mo po kasi e. Sobra. Di ko na napigilan ang sarili ko." Nanguuyam kong sabi. "Di ko na talaga mapigilan ang sarili ko. Sorry Pards." At bigla ko siyang sinabunutan.
"Araaaaaaaay!"
"Huwag kang umaray dyan! Kulang pa yan. Alam mo ba na kamuntek na ko mapahiya kay sir Billy sa ginawa mo? Ano bang gimik mo?" Tanong ko sa kanya habang nasa buhok nya ang dalawang kamay ko.
"Aray ko, Glen! E syempre. Alam ko magagalit ka pag nilagay ko na Cardo. Saka mukhang type ka nung sir Billy na yun e. Ginagawan ko lang sya ng pabor."
Hinigpitan ko lalo ang pagkakasabunot ko sa buhok nya. "Pinagsasasabi mo dyan? Imamatchmake mo pa kami a? Unggoy. Dapat nagpapalakas ka dun dahil kapatid yun ni Carmen yourloves!" O, talaga ba Glen? Hindi ka naman nasaktan sa sinabi mo?
Pinilig ko ang ulo ko saka ngumiti. "O, ano?"
"Ewan ko sayo. Basta masaya ako na bati na tayo. Nasestress ako pag galit ka e." - Cardo.
"Affected ka masyado! Alam mo naman na ayoko lang na nanganganib ka sa klase. Remember, graduating na tayo. Ayoko na mabulilyaso pa tayo." - ako
"Alam ko naman yun, mam Corpuz. Sorry na po. Di na mauulit." Sabi nya saka sumaludo sakin.
Binatukan ko siya saka hinila. "Arte mo. Libre mo na ko para di na ko magalit."
"Holdup na naman." Tatawa-tawang komento niya habang sumusunod sa akin.

Cardo's POV

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang notification tone ko sa messenger.

Carmen Guzman:
Hi, Cards. Ikaw ha? Suplado ka. Dinaanan mo lang ako kanina.

HALA! SAAN? NAKAKAHIYA NAMAN!

Napaupo ako sa kama at nagtipa ng reply.

Huh? Di kita nakita. San ka kanina?

Nagreply siya uli.

Carmen Guzman:
Kanina. Nakita kita sa 3rd floor ng Engineering Bldg. I even waved at you. Kaso dinaanan mo lang ako. Snob ka ha? Hehe.

BAKIT DI KO SIYA NAPANSIN? Napahawak ako sa noo ko habang nagrereply.

Pasensya na. Baka malalim lang ang iniisip ko kanina. Prefinal exam kasi namin kanina. Di ako gano nakareview. Sorry talaga. Di kita napansin.

Carmen Guzman:
I know. Binibiro lang kita. I'll just see you around. Goodnight, Cards. :)

Goodnight, Miss Guzman. Sweet dreams.

Napangiti ako at ipinatong sa dibdib ko ang cellphone ko. Kinikilig ako. Slight. Hehehe.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Onyok.

"Kuya Cardo!"

"Nyok. Halika na dito. Tulog na tayo."

Umakyat naman siya at tumabi sa akin.

"Nyok. May papakita ako sa'yo." Sabi ko sa kanya. Binuksan ko ang cellphone ko at nakangiting pinakita kay Onyok ang ini-screen capture ko na picture ni Carmen.
"Maganda ba, Nyok?" Tanong ko.
Kinuha niya ang cellphone ko at sinipat mabuti. "Sino ba ito, kuya Cardo?" Tanong niya nang nakakunot ang noo.
"Basta. Ano, maganda?" Ulit ko. Hinihintay ko ang sagot niya.
Di siya sumagot. Iniswipe lang niya ang mga daliri nya.
"Mas maganda ito, kuya o. Tignan mo." Pinasa sakin ni Onyok ang cellphone. Tinignan ko ang nasa screen. Si Glen.
"E si ate Glen ito e." Komento ko.
"Kaya nga po. Si ate Glen. Mas maganda po si ate Glen." Sagot ni Onyok.
"Hay nako. Ikaw talaga. Alagad ka na ng ate Glen mo." Natatawa kong sabi.
"E kuya Cardo. Totoo naman e. Mas maputi lang po ito pero mas maganda pa rin si ate ko Glen." Bida ni Onyok.
"Oo na. Sige na. Matulog na. Maaga ka pa bukas."

XxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXxXx

4PM

Last class namin sa computer laboratory.

"Anak ng tokwa, 'tol. Sumakit ang ulo ko dun sa pinapagawang program ni sir. Ang hirap." Si Chikoy. Barkada ko.
"Oo nga, tol. Tara, basketball nalang. Pampawala ng stress." Si Mark.
"Tara. Text nyo si Dino, si Greg saka Joaquin. Uwian na nila nyan." - ako
"Ikaw na, tol. Wala kong load." - Chikoy
"O." Hinagis ko kay Chikoy ang cellphone ko. At nauna na akong maglakad sa kanila.
"Whoooooooaaaaaaaa!!"
Napalingon ako sa dalawa. Parang may kung ano silang pinagkakatuwaan sa cellphone ko.
"Ikaw, Cardo a? Sinasabi ko na nga ba e!" - Mark
"Naks, Cardo. Mga galawan mo ha? Mahusay mahusay." - Chikoy
"Bakit?" Naguguluhan kong tanong.
Ipinakita nila sakin ang screen ng cellphone ko.
NAKACOLLAGE ANG PICTURE NI GLEN AT MAY NAKALAGAY NA I LOVE YOU.

Anak ng... Onyoooooooookkkk!!! 😤😤😤

Feel free to comment.
Happy reading. :)

Di Nya Kasi AlamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon