I Dropped My Cellphone. He Got It.(ONE SHOT) EDITED NA!

226 17 9
                                    

PAALALA: Ito ay slightlyng kathang isip ni author. LOL. Maaaring kasing nangyari. Maaari ding hindi. Kayo na ang bahalang humusga. By the way, sasabihin ko din sa dulo ng story..HAHAHA

P.S: medyo mahaba ang kwento bago sa love story..haha XD

~~

Ano bang araw ngayon? 

Oh! Friday na pala.

May klase pa ako ngayon..last subject ko na 'to at uwian ko na.

Oo..ako lang, dahil irregular student kasi ako. I am already fourth year college. Second course ko na ito kaya ako naging irregular student. Sipag ko mag aral eh xD.

"Kailan nga ang next meeting natin?" tanong ng instructor ko sa NatSci. May edad na din si Ma'am Luna. Pero mabait sya at nakakatawa kung minsan dahil nakikipagbiruan sya sa aming mga studyante nya.

"Ma'am, next next wednesday na po." sagot ng katabi ko. Intrams kasi sa school namin this coming week kaya malamang sa malamang ay hindi kami magkikita :D

"Okay..you may go." sabi ni Ma'am, at nagkanya kanya na kami ng tayo.

Kinuha ko ang bag ko sa ilalim ng lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko mula sa loob ng bag. I checked if someone texted me. Pero wala =________=

Inilagay ko nalang sa bulsa ko ang cellphone ko. Isinakbit ko ang bag ko at lumabas na kami ng room ng mga classmates ko.

Nagchichitchat kami ng mga friends ko habang naglalakad kami.

"Ate Ivory, terminal ka?" tanong sa akin ni Marx, classmate ko.

"Oo, bakit? hindi ka na papasok?" tanong ko sa kanya. May klase pa kasi sila mamayang 7 pm. 5 pm palang ngayon.

"Hindi eh" sagot nya. Sabi ko na eh. Tinatamad nanaman 'tong lalaki na to. Palibhasa dean's lister sya. hahaha

"Sabay din ako sa inyo." singit ni Rachelle.

"Hindi ka din papasok?" tanong ko.

"Hindi na, tapos naman na akong mag speech. Pwede naman ng hindi pumasok." sagot nya. Ahh..kaya pala. haha..sorry naman irregular nga eh -___-

Nagpaalam na ako sa mga kaibigan kong sina Blesi at Toni.

Sa dorm lang uuwi yung dalawang kasabay ko kaya sumabay sila sa akin sa paglalakad. Pero si Marx ay medyo malayo yung dorm kaya kailangan pa nyang mag trisikel para makauwi agad.

Sumakay kami ni Marx sa trike. May kasabay kaming ibang studyante, pero hindi ko alam kung saan sya bababa. Isinakay naman sya ni Manong driver.

"Kuya, Ibayo lang po ha." sabi ko sa driver. Doon kasi bababa si Marx eh.

Pero hindi yata ako narinig dahil iniliko kami ni manong. Dapat diretso lang eh. Ay bingi si manong =____=+

"Kuya, diretso po." sabi ni Marx, pero tuloy parin si Manong sa nilikuan nya.

Kinalabit ni Marx si manong. "Kuya dito nalang po. Ibayo lang po sabi eh." bumaba na si Marx at nagbayad.

"Bye Marx, malapit naman na dito ang dorm mo eh." sabi ko. 

"Bye." sagot nya. Umandar na ulit ang trisikel. 

"Ahh..Kuya, terminal--" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil inilagpas ako ni manong. Pangalawang beses na 'to ha. Pinabayaan ko na si manong at papabalikin ko nalang kung saan ako bababa. Kainis, nagmamadali pa naman akong umuwi!

Dinala kami ni manong saterminal ng Victory Liner. Ahh..dito pala bababa yung nakaupo sa likod ni Kuyang driver. Kainis yon. hmmp!

"Ikaw, saan ka?" tanong ni manong. Abat nagtanung pa, eh samantalang sinabi na namin kung saan kami bababa bago kami sumakay kanina.

I Dropped My Cellphone. He Got It.(ONE SHOT) EDITED NA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon