Prologue

3 0 0
                                    

'Oh my Goddddd. Konting tiis na lang Sab, malapit ka na.'

Mas pinagpursigi ko pang umakyat ng hagdan. Alam ko malapit na 'yun eh. Nasa pinakasuluk-sulukan lang ng 4th floor ng building na 'to. Tama, go Sab!

Brrrrrlllllll.

'Huhuhu my tummyyyy'

Naalala ko tuloy kung anong mga pinagagawa ko kanina.

•••

"Okay class, please don't forget to submit your assignment to my e-mail before 10:00 pm tonight. Is that understood?" sabi ng Prof namin regarding sa first part ng research paper na ipapasa namin sa kanya.

Tinignan ko ang itsura ng mga kaklase ko. Ang iba sa kanila halatang hindi na mapakali sa upuan at gusto ng mag-break time. 'Yung iba naman sinesenyasan na 'ko. Ugh, alam ko na 'yan. Panigurado magpapagawa lang sila sa'kin nitong pinapagawa sa'min ni Prof.

Bakit ba nila 'ko inaaway palagi? Good girl naman ako ah. Lagi ko fina-follow yung schedule na manood ng wonderpets. At ang sabi nila Lily, Tuck, at si Ningning be helpful daw. Kaya pinagbibigyan ko naman sila. Pero nung simula na malaman ni monmy na ginagawan ko ng assignments yung mga classmates ko inaway niya ko. Bat ko raw ginagawa yun. Kaya ngayon, minsan na lang, hehehe. Kawawa naman kasi sila baka bumagsak sila sa klase nila.

Pagtingin ko dito sa katabi ko, aba naman, tulog. At dahil dakilang mabait akong kaklase ginising ko siya.

*poke* *poke*

Sinundot-sundot ko lang yung pisngi niya. Bat ayaw gumising nito? Susundutin ko sana ulit siya kaso nakita ko na nakatingin na sa pwesto namin si Prof. Ang scary pa naman niya pagnagagalit. Nagiging kamukha ni Shrek.

Mamayang lunch, pupunta na akong librabry para tumingin ng mga research paper na kaparehas din lang ng topic na binigay sa'min. Para meron na kong alam kung ano ba tong ginagawa namin.

"Yes maam." sagot ng mga kaklase ko.

Pagkaring ng bell eh agad-agad akong lumabas sa room namin. For sure kasi lalapit na agad sa'kin ang mga mababait kong kaklase para utusan akong gawin ang mga parts nila sa research paper. Eh sorry na lang, gutom na gutom na ko eh.

Dumiretso na agad ako sa canteen ng school imbes na sa locker ko, panigurado naman kasi na aabangang ako ng mga mahal kong kaklase dun. Mas maganda na rin na mauna sa canteen para iwas gulo.

"Yung usual po Ate Brenda." pagkabigay niya sa akin ng order ko na tuna sandwich at ang pinakamamahal kong Strawberry Chocolate milkshake eh aalis na dapat ako, kaso...

"Eh sigurado ka ba ineng sa mga pagkain na iyong inorder? Ala eh, baka mamaya niyan ma---" pinigilan ko na si Ate Brenda sa sasabihin niya sa'kin.

"Hihi Ate Brenda naman, minsan lang 'to pramis. Peksman. Mamatay man yung pusa sa kalye......pero, kawawa naman yung pusa, nananahimik siya tas mamatay na lang siya dahil sa'kin? Waaaaahhh! Hindi pwedeng ma---" tumigil naman ako sa sasabihin ko dahil hinawakan ako ni Ate Brenda sa mga kamay ko. Hala, bat ako hinahawakan ni Ate Brenda? May problema kaya siya?

"Sige na anak, naiintindihan ko na ang iyong ipinaparating. Mas maganda eh kumain ka na." nginitian pa niya ako. Anak? Kailan ko pa siya naging mommy? Nginitian ko na rin lang si Ate Brenda. Ang weird talaga niya minsan hihi.

Sa pintuan sa likod ng canteen na lang ako dumaan matapos kong makita na ang dami ng dumadaan na mga estudyante sa main entrance ng canteen. Mamaya madatnan pa 'ko ng mga nang-bubully sa'kin. Gutom ako! Mamaya na lang ako magpapakita sa kanila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Beautiful CorruptionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon