Chapter 37.2

408 22 3
                                    

"Candidate Number 10, from the Vet-Med Department, Crystal Jade Parker!" Narinig ko ang hiyawan ng lahat and slowly ay rumampa na ako. Did some pose and stopped in front of the mic, looked at everyone and smiled.

"Hi, I'm Crystal Jade Parker, 18 years of age, representing Veterinary Medicine" Nag pose ako and nagmadaling tumabi kay candidate number 9. Kinakabahan ako.  Narinig ko ang hiyawan ng iba, nakita ko pa nga yung mga kaklase ko eh. Hmmm bakit wala si Venice? Nasaan kaya yon? Nakita ko ring nag thumbs up sa akin si Ralph and mas na motivate akong manalo.

After candidate number 20 ay ginawa na namin yung intermission number namin at  bumalik na kami sa backstage para magpalit ng gown. Di kasi pwede ang swimwear o ano pang wear nayan sa school namin kasi catholic school to.

Sinuot ko yung gown ko na ako pa talaga mismo yung nag design. It 'aint much but it's okay. Pinaghirapan ko to eh. Nag retouch ulit kami and I'm ready to go.

Lumapit ulit sa akin si Candace and tumili.

"Ang ganda mo sheeet" sabi niya at hinawakan yung fabric ng suot kong dress. Natawa ako, siya kaya yung maganda.

"Ikaw nga diyan yung maganda eh" nag-pout siya tapos niyakap ako.

"Sana ikaw nalang yung naging sister ko, you're so kind kasi" I blushed. Sana nga. But masaya naman ako sa buhay ko, contented but partly broken. Tinawag na ulit kami ni Sir Chavez para pumila na para sa second round. Hindi ako mapakali. Parang may mali. Kinakabahan ako. Ugh! Think positive Crystal!

Nagsimula na si Candidate Number One. Ang ganda niya. Para siyang totoong model or baka naman model talaga yun? Well maganda naman silang lahat dito eh, nakaka concious at nakaka insecure nga eh.

"Hey girl, okay ka lang? You're so matamlay" sabi ni Candidate Number 11 na sa tingin ko ay galing sa Business Ad na course. Ang ganda niyaaaaaa. Tumango nalang ako at tumingin na ulit sa harapan.

Think of happy thoughts Crystal. Happy thoughts. Pumikit ako and lumitaw agad sa isip ko ang mukha ng nakangiting Clarrence Matt Lim. Ang gwapo niya talaga. Ang tangos ng ilong niya, kahit simple lang siyang manamit, parang model na siya sa paningin ko--what the! Oh my god! Bakit ko ba siya iniisip? Eh mag mo-move on nanga ako diba? I slapped myself and shook my head. Malala na to.

Sabi kasi Happy thoughts, siya nagpapasaya sa akin eh. What the!! Eto nanaman ako at bumabanat. Nakakainis! Si Ralph ang gusto ko okay? I shouldn't think of Clarr--

"Girl, ikaw na" natauhan nalang ako ng biglang hinawakan ni Candidate Number 11 yung shoulder ko. Nagpasalamat ako sa kanya and stepped forward. Nag simula na akong rumampa and mag pose.

I stopped in the middle and saw daddy and mommy showing me their brightest smile. I smiled back. I'll make you proud mom and dad.

I heard everyone cheer my name which motivated me to do better. But hindi ko pa siya nakikita. Nasaan na siya? Slowly I made my way back to the backstage where everyone was busy changing for the talent portion. Oh crap! Nasaan naba kasi yun?

***
Habang sumasayaw sa labas yung X-Force para sa intermission number, (by the way, ang X-force ay ang sikat na dance group dito sa campus,) busy naman akong nagpa-practice sa lines ko. I want to see Clarrece right now. I tried calling him pero hindi niya naman sinasagot yung ma tawag ko. Eh partner kaming dalawa, paano nalang kung wala siya? Kung hindi siya sisipot? My ghaaad I would really kill him kahit na mahal ko siya-ay oops. Nasobrahan ata.

"Calm down Crystal, dadating yun" mahinahong sabi ni Tita Dianne. Make-up artist ko na beki rin. I nodded and huminga ng malalim. Dadating yun. I trust him.




Always the Bestfriend, Never the GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon