"O, Mark, hi! Kumusta?" Si Mark ay malapit na pinsang-buo ng kaibigan kong si Frank. Siya ang ka-partner ko as veil sponsor sa kasal nila ni Gelai noong June 2013. "I'm good! It's been a while. Absent ako nung binyag ni Angela, I was out of the country for a convention."
Luminga-linga ako para tingnan kung biglang susulpot mula kung saan ang girlfriend nito na sobrang territorial.
"Are you with someone?," tanong nito sabay kamot sa ulo na para bang nagsisi sa kaniyang naibulalas. "Yes. Kasama ko ang mga girls. Excuse me, baka hinahanap na nila ako."
"Sure. It's good to see you again!," pahabol na hiyaw ni Mark kasabay ng isang matamis na ngiti.
Malayo pa ako sa lugar na aming inuupuan ay napuna ko na ang hagikhikan ng aking mga kaibigan. Bitbit noon ni Drew ang birthday girl na natutulog sa kaniyang balikat.
"Nakatulog na ang inaanak mo sa paghihintay sa iyo. Ang tagal mo daw makakuha ng food sa buffet table," pabirong sabi ni Gelai na noo'y nagpapahinga sa isa sa mga upuan. "Hinayaan ko na muna si Angela sa Tita Drew niya. Ang bigat na din, masakit na ang braso ko kabubuhat," sabay taas sa kaniyang mga kamay para wari'y pagpagin.
Napansin kong kami na lamang mga girls ang nasa mesa. Ang mga bata ay wiling‑wili sa paghahabulan sa maluwang na lawn ng mag-asawa.
Tila naunawaan naman ni Myrtle ang paghahanap ko kaya sumagot ito, "naku, may sariling mesa na ang boys.. alam mo na, for the boys na.. inuman na..."
"Kung ikaw ba naman eh...," untag ni Czarina. Inawat ko na ito para hindi na maituloy pa ang sasabihin. "Oo, ako na. Ako na naman... wait lang kayo... kakain muna ako, hahaha!" At itinuloy ko na ang pagkain ng masarap na merienda.
Abalang-abala na kami sa picture-taking at 'groupies' bitbit ang mga makabagong telepono nang lumapit sa amin si Mark bitbit ang kaniyang DSLR camera.
"Hi, guys! Care to have some pictures taken?"
Hindi pa man nakasasagot ay excited nang nagsipuwesto ang apat kong mga kaibigan para makuhanan ng larawan.
"Ay sandali, wala pa si Tin! Tin, bilisan mo, picture daw o! Mas maganda ang kuha sa camera ni Mark, high-tech! Dali!!!!," pasigaw na sabi ni Czarina. Hindi pa rin ito nagbabago, siya pa rin ang maingay at war-freak sa aming magkakaibigan. Napailing na lamang ako habang hinahanap ang pwesto para makuhanan na kami ni Mark. Nagising din si Angela sa pagkakatulog nito sa balikat ni Drew marahil sa kaguluhan sa kaniyang paligid. Himalang hindi ito umiyak at tila ready din sa pagngiti sa bawat kislap ng flash.
Sinipat ni Mark sandali ang unang picture na kaniyang kinuha. May mga pinindot ito sa camera at maya-maya'y nagsalitang muli, "Ammm, Tin, ok lang ba kung uusod ka dito sa medyo unahan at medyo center? Hindi kasi balance." Kasabay nito'y itinuro ni Mark kung saan ako uupo.
Habang inaayos ni Mark ang pwesto ko ay napansin ko ang lihim na kindatan ng aking mga kaibigan. Ako na naman ang nakita ng mga ito. At talagang kay Mark pa? Hindi ba nila natatandaan kung paano magbantay ang girl friend nito noong kasal nina Frank at Gelai?
Himala nga na hindi nito kasama ang nobya sa pagtitipon. Baka nasa abroad or may ibang commitment, sagot ng isip ko sa aking paghahanap.
"Pakita mo sa amin 'yang mga kuha mo kung maganda kami, Mark ha?," bati ni Gelai.
"Sure, tag ko kayo sa FB pag uploaded na. Ay, wait, di ko pa ata kayo friends lahat. Kayo pa lang ni Kuya Frank ang ka-FB ko. Ok lang ba if invite ko kayo lahat as friend?" Kasunod nito'y ang pagsuyod niya ng tingin sa aming lahat na para bang naghihintay ng sagot sa kaniyang pagpapaalam.

BINABASA MO ANG
NBSB No More
Chick-LitAng ating bidang si Kristinella Arguelles - NBSB no more! Matapos ang unang heart break, ready na ba ang puso niya sa bagong pag-ibig? Let's see!