One

332 11 0
                                    



Divine's Point of View

"GIIIIIRRRRRRLLLLL!!!" Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko ang pamilyar na matinis na tinig. Mga bestfriend ko pala na babae together with our boy bestfriends. Labing-isa kaming magkakaibigan, anim na babae at limang lalaki.

"Hay naku! Pa-VIP as always!" Pabirong wika ni Cloud, ang isa sa mga bestfriend ko na babae.

"Naks naman! If I know susunduin n'yo daw ako sabi ni Spencer." Sabi ko.

Totoo naman eh, tinext ako ni Spencer na susunduin daw nila ako dahil may pupuntahan ang barkada.

"Ayiie! Ang sweet naman ni fafa Spencer." Tudyo ni Krystelle.

"Nice one! Spence!" Sabi naman ni Syvil.

"Whoo! Nagdadalaga!" Hiyaw ni Marcus sabay akbay kay Spencer.

"Siraulo!" Tatawa-tawa na sabi ni Spencer.

"Teka nga, saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanila para maiba ang usapan. Simula kasi na magpaalam na manliligaw sa akin si Spencer sa harap ng buong barkada ay palagi na lamang kaming tinutukso.

"Hay naku! Ayaw nga sabihin ng mga boys eh." Pabuntong hiningang sabi ni Lenessia at humalukipkip.

"Eh secret nga kasi!" Sagot ni Sky.

"Sus! Exciting ba yan?" Diskumpyadong tanong ni Keisha.

"Yes naman 'noh! Kami pa ba?" Nagmamalaking sagot ni Drew.

"Kami pa ba, bibiguin kayo?" Segunda ni Jino.

"Hahaha! Eh 'di wow!" Reaksyon ko.

"Tara na nga!" Inip na anyaya ni Cloud.

Lumabas na kami ng bahay para makaalis na. Pasakay na sana ako ng van nang may tumawag sa akin.

"Divine!"

Lumingon ako sa direksyon ng tumawag sa akin at nakita ko ang isang gusgusing matandang babae na nakasuot ng kulay itim na damit.

"Sino ho kayo? At paano n'yo po nalaman ang pangalan ko?" Nagtatakang tanong ko sa matandang babae.

"HUWAG N'YO NANG ITULOY ANG GAGAWIN N'YO! MAPAPAHAMAK LAMANG KAYO!" Sigaw sa amin ng matandang babae.

Sa hindi malamang dahilan ay kinilabutan ako sa mga sinabi niya, nakaramdam din ako ng kaba. Narinig ko namang nagtawanan ang mga kaibigan ko.

"Manang ano po ba ang tinira n'yo? At para kayong high." Natatawang sabi ni Jino.

"Hay naku! Tinatakot n'yo naman 'tong si Divine, eh." Umiiling na sabi ni Sky.

"Alam mo Divine, sumakay ka na. 'Wag mo nang intindihin ang sinasabi ng matanda. Baliw 'yan eh." Sabi ni Spencer na nasa likod ko.

Tumango ako sa kanya at tinuloy na ang pagsakay sa van. Sumunod na rin sa akin si Spencer habang umiiling.

"Pero guys paano niya nalaman ang pangalan ko?" Naguguluhan pa rin na tanong ko.

"Pagala-gala 'yun dito sa atin, Divine." Sabi ni Keisha. "Baka narinig niya ang pangalan mo kapag tinatawag ka namin mula sa labas ng bahay n'yo."

"Uuuy, natatakot siya..." Tudyo ni Krystelle sabay tawa ng malakas. Nagtawanan silang lahat na kasama ko sa sasakyan.

"Himala! Kinabahan si Divine!" Segunda ni Marcus, kaya lalong lumakas ang tawanan nila.

"Ewan ko sa inyo!" Singhal ko sa kanila. Inakbayan naman ako ni Syvil na nasa kaliwa ko.

"'Wag mo na kasing intindihin 'yun! Baliw kaya 'yun." Sabi niya.

"Oo na!" Inis na sabi ko sabay alis ng kamay ni Syvil mula sa pagkakaakbay sa akin.

"Alam n'yo guys, ang ingay na kasi ng t'yan ko... Pwede bang kumain muna tayo bago tumuloy sa pupuntahan natin?" Singit ni Lenessia.

"Hay naku, kahit kailan talaga laging gutom!" Pang-aasar ni Sky na umani ng pambabatok mula kay Lenessia.

"Mabuti pa nga guys!" Pagsang-ayon ni Cloud. "Para naman hindi kung anu-ano ang pumapasok sa isip ni Divine."

Sumang-ayon kaming lahat kaya naman mabilis na minaniobra ni Marcus--na siyang nagmamaneho--ang sasakyan papunta sa paborito naming kainang restaurant.

'Bakit ba ganto ang kaba ko?' Tanong ko sa sarili. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko 'yung sinabi ng matandang babae. Para itong nagbigay ng kung anong babala sa amin.

'May mangyayari kayang masama? Pero baliw yung matanda 'di ba? Bakit ako maniniwala?'

Napapitlag ako nang may kumalabit sa akin, paglingon ko sa kanan ko... Si Spencer lang pala.

"Okay ka lang?" He mouthed. Marahang tumango ako sa kanya.

'Wag mong intindihin ang matandang iyon, Divine! Baliw iyon at wala sa tamang pag iisip.' Pagpapalubag-loob ko sa aking sarili.

Kinuha ko na lamang ang earphone ko sa bag ko, ikinonekta sa cellphone tapos ay isinalpak sa mga tenga ko ang earbuds para makinig ng musika para mawala sa isip ko ang mga sinabi ng matanda.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Vote and Comment is Much Appreciated.

Exemplum De Morte: Warning Of Death (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon