#Fear 17: The Ghosts

3.7K 108 2
                                    

#Fear 17: The Ghosts


Xenzel's POV

"Teka, teka, ite-text ko muna si Nem kung matutuloy ba yung meeting namin sa AFS ngayong umaga." Nakangiti kong sabi kay Nate.


Nasa labas kami dorm. Ipapasyal daw kasi sana niya'ko sa Zefirelli. Sa tingin ko isang date yun.


Tinext ko si Nem para itanong kung matutuloy ba yung meeting namin ngayong umaga sa AFS. Kapag tuloy, mamayang hapon kami pupunta sa Zefirelli ni Nate. Kapag hindi, edi ngayong umaga.


Agad namang nagreply yung kaibigan ko.


[From: Nem

Oo, matutuloy daw. See you! ^_^]


"Ahh, matutuloy daw. So, mamayang hapon na lang?"

"Sure. Babalik ako dito, 1pm, okay?" Nakangiti niyang pinisil yung pisngi ko.

"Okay po. See you. Ingat na din." Kumaway na lang ako sa kanya.

"Ikaw din." Kumaway na din siya at umalis.


Haaaaaayyyyy... Ang cute talaga niya.


Agad akong pumasok sa dorm at naligo. Pagkatapos kong magbihis ay nagpaalam na'ko kay Olivia at dumiretso na'ko sa Seriun.


"Good morning." Nakangiting salubong ni Zypher sa'kin.

Kaming dalawa pa lang yung nasa AFS Zone.

"Same." Malamig kong sagot sabay upo sa isang silya.

"Babe, available ka ba mamayang hapon?" Bigla niyang tanong sabay upo sa silyang nasa harap ko.

"Babe, available ka ba mamayang hapon?" Bigla niyang tanong sabay upo sa silyang nasa harap ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Zypher in the photo)


Napahinto naman ako't napatitig sa kanya.

"Bakit?"

"Available ka?" Tsk.

"Hindi."

"Huh? Bakit naman?" Pinalungkot pa niya yung mukha niya. "May pupuntahan ka?"

"May date ako." Diretso kong sagot sabay lipat ng tingin ko sa labas ng classroom.

"Date?" Nag-iba na naman yung tono ng pananalita niya.

"Kasasabi lang diba? Unli?" Hahaha.

Ghosts and GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon