Yuan's POV
Yo! Hi miss beautiful. Yuan Chester Burke is the name. Lapit ka lang, paliligayahin kita kahit magdamagan. *winks*
"Huy!"
Agad akong napahawak sa likurang bahagi ng ulo ko at ininda ang sakit, "Huta! Para saan yun brad?! Ang sakit ah!" Singhal ko nang makalingon ako sa kanya.
Napayuko ako at pinulot ang drum stick na tinapon ng hinayupak na si Racer. Naglakad ako papunta sa kanya na komportableng naka-upo sa harap ng drum set niya.
Itinapon ko sa kanya ang stick at ang pota umilag ba naman?!
"Ano bang trip mo at nilanding mo yang pakshet mong drum stick sa napakatalino kong ulo?" Reklamo ko.
Pinulot niya muna ang drum stick at nagsimula na siyang tumugtog ulit ng mahina.
"The hell dude? May plano ka bang sagutin ako?!" Pilit ko pang ginugulo ang kamay niya na mahinang pinapalo ang mga drums.
Tumigil siya at tiningnan ako nang nakangisi, "Bakit, dude? Nanliligaw ka ba? Tsk. Ganyan na ba talaga ako ka-gwapo?" Pota, kinakagat-kagat pa talaga ang labi habang sinasabi yun.
Nasapok ko nga sa ulo, "Lul mo! Ano ba kasi yun?! Wag mong paghintayin ang tunay na pogi uy!"
"Tss. May problema ang banda." Ngayon naman, nilalaro nalang niya ang stick sa daliri niya. Napa-awang ang labi ko, "Anong problema yan? Kasi kung tungkol lang sa kagwapuhan, willing naman akong mag-donate. Sabihin-- aray! Ano ba!"
Pinukpok ba naman ang noo ko ng hawak niyang stick?! Minsan talaga iniisip ko kung bakit walang batas na nagbabawal saktan ang mga gwapong tulad ko tsk.
"Dimwit. I'm trying to have a serious talk here!" Okay. Umi-english na si Racer boy kaya kinig-kinig muna 'ko pag may time.
Kahit masakit pa rin ang noo ko sa pagkakapalo niya ay tumango nalang ako na nag-hudyat para ipagpatuloy yung 'serious talk' na sinasabi niya.
"Masyadong maliit ang number ng members natin sa band," Panimula niya, "Kung gusto talaga nating magtayo ng club, we should add some people on the list. Hindi pwedeng tayo-tayo lang."
"Hindi ba magagawan nina Kaden ng paraan yan? Sila naman ang may-ari." Seryoso kong sabi. Syempre seryoso si Racer kaya dapat seryoso rin ako pfft.
"Kaya nga. Ikaw na magsabi dun." Naningkit ang perfectly singkit ko nang mga mata sa sinabi niya, "Oh ba't ako?"
"Malamang kasi hindi ako." Leche talaga kahit kailan kung maka-pamelosopo 'tong si Racer eh. Sarap lang ipatapon sa Pluto.
Napakamot nalang ako sa ulo ko at nagsimula nang maglakad habang nakalagay ang dalawa kong kamay sa magkabilang bulsa. Syempre, para gwapo tingnan kahit gwapo na talaga ako.
Narinig ko na ulit ang maingay na pagtugtog ni Racer nang makalabas ako. Tss gago.
Papunta ako sa kabilang kwarto. For band practice lang kasi yung kwarto kanina kung saan nandun kami ng ugok na si Racer. So malamang, may mga instruments dun.
Huminto agad ako nang nasa harapan ko na ang kulay itim na pintuan. Kumatok ako ng pangatlong beses kaso walang sumagot.
Nagkibit-balikat nalang ako at dahan-dahang pinihit ang door knob saka tuluyang pumasok.
Agad na lumantad sa akin ang pigura ni Primo. Aalis na sana ako dahil baka magising ang dragon saka si Kaden naman ang hinahanap ko. Kaso natigilan ako nang makitang nakangisi siya habang tutok na tutok dun sa phone niyang may personalized picture ang case ni Song Joong Ki.
BINABASA MO ANG
A Broken Vow [On-Going]
FanfictionPromises and Vows. Are they really meant to be broken?