Sobrang pasasalamat na to.Maraming Salamat.
Dahil nandyan ka lagi.Kahit kelan, di dumaan sa isip ko na hindi mo pinaparamdam na mahal mo ako.
Pero sana wag sobra sobra.
Magtira ka din sa sarili mo.
Ayaw kitang bitawan kasi alam kong kaya ko pero di ko lang masabi.
Ayaw kitang bitawan, pero sa tingin ko ibang rason ang pinanghahawakan ko.
Parang hindi tama na mahalin kita dahil ayokong masaktan ka.
Pero alam ko, sa lahat ng ito may nararamdaman din ako...
Kaya, salamat.
Salamat.
Dahil nagpakatotoo ka sakin.Salamat.
Dahil nagbago ka para sakin.Salamat.
Dahil inaalam mo lahat ng bagay tungkol sakin, na kahit ako mismo sa sarili ko ay hindi ko alam.Salamat.
Sa lahat ng naidulot mo sa buhay ko.Salamat.
Dahil hindi lang sarili mo ang binago mo, maging ako binuhay mo.Salamat.
Sa mga bagong memorya kasama ka, kahit takot akong maging masaya dahil mukhang di tama.Salamat.
Dahil alam kong di mo ako bibitawan.Salamat.
Dahil kahit bawal pa, nasa tabi pa rin kita.Salamat.
Dahil kahit ganto ang ugali ko minahal mo pa din ako.Salamat.
Dahil kahit napakatigas ng ulo ko, iniintindi mo pa din ako.Salamat.
Dahil sa milyon-milyong babae sa mundo, ako pa din ang pinakamaganda sa paningin mo.Salamat.
Dahil sa lahat ng pwede mong mahalin, ako pa ang pinili mo.Salamat.
Dahil sa kahit anong pang-aaway ko, di ka pa din umaayaw.Salamat.
Dahil kahit may dahilan ka ng sumuko, andyan ka pa din.Salamat.
Dahil kahit binabalewala kita, sa tingin mo ako pa din.Salamat.
Dahil sa pagmamaldita ko, nilalambing mo pa din ako.Salamat.
Dahil kahit napakasungit ko, tingin mo napakasweet ko pa din.Salamat.
Dahil kapag may mood swings ako, dinadalhan mo ko ng pagkain.Salamat.
Dahil sa lahat ng lalaking sinubukan akong kunin, pinaglalaban mo pa din ako kahit walang tayo.Salamat.
Kahit di mo inaamin, natatawa ako dahil nagseselos ka.Salamat.
Dahil binuhos mo na lahat para sakin.Lahat lahat. Para sa akin.
Salamat.
Dahil kahit hindi ko deserve yan, sakin mo pa din pinapadama to.Salamat.
Dahil naghihintay ka.Salamat.
Konting tiis nalang, alam kong kaya ko na.Salamat.
Sana sa mga susunod na taon, katabi pa din kita.Salamat.
Sana sa taon na iyon, masasabi ko na "Ma, Pa, manliligaw ko nga pala."Salamat.
Dahil, minahal mo ako sa panahong sirang sira ako.Di ako namamaalam.
Nagpapasalamat ako sayo dahil alam kong kahit di ko aminin sa sarili ko...
Alam kong..
Minahal na kita.
At di magbabago yun.
May 23, 12:56am
BINABASA MO ANG
Words Unsaid
PuisiAuthor's thoughts. Midnight Rendezvous. Mornight Questions. Words that are always left unsaid. I'm writing these thoughts hoping to clear out my doubts. Hoping that someday, I can speak my heart out. (c) crazyetserious 2016