France Pov
"Hay!! Ano bang buhay to ang hirap namang maghanap ng trabaho, ganto na ba kahirap sa pilipinas pati trabaho tinataguan ka."inis na sabi ni france matapos lumabas sa fast food chain na pagaaplayan niya sana. " Puro ba naman I call you later ang sagot nila. Paulit-ulit na lang ba?"
Gustong-gusto niya nang gumive-up pero naalala niyang wala na pala siyang panggastos at pambayad sa apartment na renentahan niya.
"Kaya mo yan france, aja!" Pagpupush niya sa sarili niya.
Sa hinaba-haba ng propesyon sa isang malaking kompanya siya dinala ni destiny. Pagpasok niya sa loob maraming babae ang nakapila. Oo babae lang ang nandoon. Sabi ng isang staff sa kompanyang iyon na lima lang ang kailangan nilang babae.
"Ano ba ito.. Makukuha kaya ako dito?" Kinakabahang bulong niya sa sarili.
Ang halos lahat ng mga kasama niyang naga-apply ay sexy at maganda. Sa paglilibot niya ng kanyang mata may nakita siyang babae na nakaagaw ng kanyang pansin. Nakadress ito ng sobrang ikli na halos makita na ang perlas ng silanganan nito. At sa kapal ng make-up nito ay halos matalo niya na ang kapal ng make-up ni Mr. clown. Chos.. At ito pa nakaheels ito ng 6 inches ata.
"Ano ba naman itong babaeng to ginawa pa yatang bar ang kompanyang ito. Aba't maga.apply pa ng BSProstitute in town si girl" iritang sabi niya sa sarili niya. Hindi niya namalayan na medyo napalakas ang pagkakasabi niya nito kaya naman narinig ng babae ang kanyang sinabi.
"Anong sabi mo!" Nakataas ang kilay na sabi ng babae sa kanya.
"Ha? Meron ba akong sinabi?" Palusot ko.
"Anong wala narinig ko may sinabi ka!" Galit na sabi nito sa akin.
"Eh narinig mo na pala eh bat tinatanong mo pa..Shunga" medyo mahina kong sabi.
"Ikaw! ba't ka ba nangangailam? Pinapakilaman ko ba yang sa damit mong pamalengke?!" Sabi nito na nakakunot ang noo.
"Aba hindi raw nangangaelam? Ang Shunga"pabalik kong sabi dto. At tinaasan ko pa ng kilay kong virgin. Napangisi ako, buti pa ung kilay ko virgin pa, siya kaya.bulong ko sa sarili ko.
"Ginagalit mo talaga ak--" naputol ang pagsasalita niya ng may nagsalita.
"Next!" Sabi ng babaeng nakadamit ng formal. Baka ito ung secretary.
Ako na pala ang susunod. Kinuha ko yung bag at folder ko, pagkakuha ko tumingin ako sa babae at tinaasan ko ito ng kilay na parang nang aasar. Nainis naman ito sa ginawa ko. Magsasalita sana ito kaso binilisan kong pumasok kaya hindi niya na sinabi.
Bago ako pumasok sa loob inayos ko muna ang aking damit at huminga ng malalim..
Kinakabahan man ay hindi ko ito pinahalata bagkus ay linabas ko pa ang aking killer smile.." magandang umaga po" bati niya sa lalaking nakatalikod habang nakangiti.. Kailangan mong magpaempress france para magkaroon ka na ng trabaho. Para sa future! Char!
Humarap ang lalaki na sinasabi nilang napakagwapo at hindi nga nagkakamaling gwapong- gwapo ito .. Napadako ang tingin nito sa mata ng lalaki mayroon itong blue eyes na nakakahypnotize ng sinumang babae tititigan ito kaya para siyang nahypnotize at ang bibig naman nito ay ang pulapula at may sobrang tangos itong ilong.. At ang katawan nito ay matipuno.. At sa pagkakaalam niya nasa 6" ang height nito pero parang napapansin nito na parang may pagkababaero ito kaya parang naturn- off siya..
"Do you even know that staring is rude ha?" Nakataas kilay na sabi ni Mr. Yum ay este ni ? Hindi ko alam .Nagulantang siya sa sinabi nito kaya napatuwid siya ng tayo..
"H-huh?." pagpapalusot niya dito at tuluyan na siyang pumasok..
Pagkatapos icheck ng lalaki ang kanyang resume at magtanong tanong ito ay pinalabas na siya at hintayin daw sa labas ang resulta.. Kaya lumabas na ito at nakasalubong ang babaeng clown na siya pala ang susunod sa kanya..
"Tss."nasmirk nasabi ng clown sa kanya .
Hindi na lang niya pinansin ito at dumiretso na sa may waiting area.
Sana naman makapasa ako kahit papaano .. Sabi niya sa sarili
30 minutes later..
Natapos na ang lahat ng nagpapaaapply at may pumasok na isang bakla at sinabing ang mga nakapasa sa interview
...
Carisa trixie san jose
Kristel ann bernardino
Aleah mae FOntanilla
Katrina corpuzAnd last
Francesca kianne klinkton
Nabigla siya kala niya ay hindi siya papasa.. Omg may trabaho na ako.....
-----------------------------------------
.................done done
Ano kaya ang mangyayari kay france lalupa't nakahanap na siya ng trabaho.. Ano kaya ang trabahong napasukan nya?Abangan sa susunod na kabanata...
BINABASA MO ANG
Married to a Billionaire by Auction
RandomAng storyang ito ay tungkol sa babaeng naghahangad na magkaroon ng taong magmamahal sa kanya. Dahil simula nung mamatay ang kanyang ama ay wala ng nagmamahal sa kanya at kinasusuklaman siya ng mga taong mahal na mahal niya. May magmamahal pa ba sa k...