Chapter 2 - Pt 2 The Final decision

10 0 0
                                    

Dingggggggg

Yeah. Tunog ng gate bell (door bell) namin yun. Bakit gate bell? Sa gate nakalagay eh. Dingggg lang ang tunog. Walang dongggg. Ganun pag single ang pindutan ^_______^

Katatapos ko lang hugasan ang pinagkainan ko. Tapos na magluto. Wala padin ang mga amo este pamilya ko. Baka sila na yan.

"Cinderella!" Ngiting bente si Tita o. Emerged. Ano kayang info yung ibibigay nya sakin about sa private tutorial na yan?

"Tita. Ella po." Ngiti ko din sa kanya sabay beso. Naramdaman ko yung pagkalma ko. Di ko alam. Basta pag si Tita kaharap ko, pakiramdam ko wala akong problema. Parang hindi ako humagulhol kaninang madaling araw kakabasa ng libro.

"Asan ang Mama mo? May dala akong ice cream o." Iniangat nya yung kamy nya para ipakita yung Cookies n' Cream flavor na ice cream. Yummmmmm!

"Wala po sila eh. Hihihihihi" Di ko mapigilan yung saya ko. Masosolo ko to. DIi mahilig si tita sa ice cream. Si Mama at si beast din. So alam kong para sakin talaga to.

"Edi halika na sa loob at ng di matunaw to." Sya na nagpatiuna.

Ngiting ngiti padin ako habang isinasara ang gate. Ice cream, ice cream, ice cream T^T

Kumuha agad akong dalawang mug sa kusina. Nilingon ko muna si Tita at nakita kong nakangiti sya habang binubuksan ang container ng ice cream. Masaya yung mukha nya. Anong meron? Nakakahawa yung saya ni Tita.

Pagbalik ko, hinayaan nya munang lagyan ko ng laman yung mug nya at yung akin bago sya nagsalita.

"Ella. Nakuha ko na yung impormasyon tungkol sa tuturuan mo." Medyo seryoso na yung mukha nya.

Tumingin lang ako.

Iniabot nya yung folder na may lamang files at picture ng isang magandang dalaga. Mas bata sakin. Siguro mas bata pa sa edad ni Beast to. 14-15 old siguro at halatang may ibang lahi. Mahirap idetermine yung edad kapag hindi full blood Filipina. Kase minsan baby face or mature yung mukha ng mga foreigner diba? Parang sila Sab at Shane. Medyo mature ng konti pero bagay lang sa kanila.

Jessie Morgenstern. 16 Years Old. 7-12 Jasmine Street , El Natividad Subdivision.

Senior Student. Aeris University.....

Hindi ko na binasa pa yung iba. Para namang suspect sa isang kaso tong tuturuan ko. Talagang kumpleto yung detalye. Para saan yung ganito ka precise na informations? Sila din kayo nagkusang magbigay nito? Jessie Morgenstern. Parang familiar? Hmmmm. Katunog lang siguro ng isang character sa librong nabasa ko na. Erin Morgenstern. Author ng The Night Circus. Oo nga pala no. Yung librong about sa illusionists.

Tumingin ako kay tita. Di ko alam kung nakita nya sa mukha ko yung pagtataka ko.

"Standard process daw nila yan. Sila kusang nagbigay ng bio na yan para daw may idea ka na." Wow. Mind reader ba to?

"I see. Pero parang ang formal. May sinabi po ba sila about sa schedule ng pagtuturo?" 

"Yes. Pag-usapan nyo daw yun. Andyan yung address. Puntahan mo nalang any day daw na available ka. Basta after lunch."

"Hmmm. Sino po kakausapin ko dun?" 

Tumingin muna si Tita sa natutunaw nyang ice cream bago tumingin sakin.

"Yung butler nila." Sabay ngiti.

What the heck? May butler sila? At .. El Natividad Subdivision! Bakit ngayon ko lang naalala, exclusive subdivision nga pala yun.

"Friday po siguro." Sabay subo ulit ng ice cream. Omnomnomnom :3

"Sigurado ka na ba hija?" Biglang naging concern yung mukha ni Tita. Baket?

"Try ko po Tita. Puntahan ko muna para mapag-usapan yung schedule. Babasahin ko din po yung iba pang information mamaya." Sana si Tita nalang yung Mama ko.

"Hija, mas okay na pupunta ka dun kung final decision mo nang tanggapin yung offer. Kase baka mag expect din sila." Napakunot noo ako sa sinabi nya. So kelangan ko pala mag desisyon ngayon na.

"Sige po. Tatanggapin ko po. Bukod naman sa schedule ng pasok ko, wala na sigurong dahilan para tumanggi ako." Nahalata ko yung biglang pagkawala ng concern sa mukha nya. Ngumiti sya at nagrelax.

Parang ang weird nya? Desidido ba syang kulitin ako para sa desisyon? Bakit? 

Nagkwentuhan na kami ni Tita about sa school. Fourth year na kase ako. Saan ko daw ba balak mag ojt. At nagkwento sya about sa pinsan kong si Maddie. Two years nang nasa ibang bansa yun. Medyo nakakamiss din sya. Dalawa lang naman sina Tita Mira at Papa. Isa lang anak ni Tita Mira. Si Maddeline/Maddie lang. Di kami ganun ka-close pero nag eenjoy ako kasama sya dati. pero ngayong college na kami pareho, di na kami nagkakabonding. Idagdag pa na two years ago sumama sya sa kapatid ng papa nya para doon mag-aral ng photography.

Halos alas-tres na ng umalis si Tita. At naiwan nanaman akong mag-isa. Umakyat nalang ako ng kwarto para kunin yung librong sunod kong babasahin.

Safe Haven by Nicholas Sparks. Nag top 1 sa National Bookstore to nung July eh. Ma-try nga.

My Unfairytale LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon