~~
Twinkle's.
"SO? Nag-de-date pala kayo?" Parang nang-aasar pa na sabi sa amin ni Sheena. Katapat ko siya, tapos katapat ni Singkit si Pula. Nakatungo lang ako rito, hindi nga ako makakain, eh. Nahihiya kasi ako. At isa pa, ayoko silang tingnan. Baka maluha lang ako ng wala sa lugar at wala sa oras.
"Yes, we are dating. Why? Something wrong with that?" Sabi naman ni Singkit. I know what he's doing. He is protecting me from them. Napaigtad na lang ako nang akbayan niya ako at ihapit palapit sa kanya. "Right, Twinky?"
Sumulyap muna ako kay Pula saka ako tumango. "Y-yea.." Shit. Hindi ko naman kasi kailangan mautal, eh! Pero, hindi ko mapigilan.
"Wow! How cute. Alam niyo ba na bagay-bagay kayo? Cute naman si Twinkle, guwapo ka. What a cute couple. Right, babe?"
Napatingin ako kay Pula. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman iniwas ko ang tingin ko at kumain na lang din ako. Baka kasi sabihin pa ni Sheena, nilalandi ko si Pula. Haller? Boss ko yan 'no.
Alam niyo ba yung pakiramdam na gustong-gusto niyo ng umalis, pero hindi niyo magawa dahil may kasama ka? Ramdam ko yun ngayon, eh. Kanina ko pa gustong umalis pero hindi ko magawa dahil kay Justine. As he said, mukha daw akong apektado. Pero, heto ako ngayon, pinipilit ko ang sarili ko na hindi maapektuhan. What do you think? Lol
Pinilit ko ang sarili ko na ubusin ang in-order sa akin ni Justine. Naubos ko naman kahit papano. Nang matapos kami dun, lumabas na kami ng Mang Inasal. Nakakabuwisit nga, eh. Kasabay pa din namin sila sa paglalakad. Tahimik lang ako habang nag-uusap naman si Justine at si Sheena. Ewan ko kung ano ang ginagawa ni Pula. Nasa magkabilang-dulo kasi kami, tapos nasa gitna naman si Sheena at si Justine.
Nagulat na lang ako nang biglang may nagtakip ng bunganga ko at hilahin ako paalis sa lugar kung nasaan si Justine at si Sheena. Mukhang hindi nila napansin kasi nag-uusap sila. The heck. Who the hell is this?!
Maya-maya, nasa parking lot na kami saka niya ako binitawan. Ngayon ko lang napansin na madilim na pala. Nagulat ako nang makita ko si Red. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya. "W-why the hell did you ----"
"Shut up, okay?! Tumakas na nga ako. Mag-iingay ka pa."
Napataas ang kilay ko. "Wow ha? Tapos ako pa dapat ang mag-shut up? Naiwan dun si Justine kasama ang girlfriend mo! Tapos, umallis ako, umalis ka, paano kapag nalaman to ng girlfriend mo at ni Justine?! Magaga ---" Nabigla ako nang bigla niyang takpan ang bibig ko. Binuksan niya yung pinto ng kotse sa front seat at itinulak ako papasok sa loob. Ouch ha.
Maya-maya ay nasa driver's seat na si Pula. "Thank God! Nakatakas din ako." Sabi niya, sabay isinandal niya ang ulo niya sa head board.
Napakunot-noo ako. "W-what do you mean?" Shocks. I missed him! Gusto ko siyang yakapin pero hindi naman maaari diba? He's not mine.
BINABASA MO ANG
His Crazy Hired Maid
RomansaWhat if you fall in love with your monster boss? What would you do? If there are two girls who would do anything just to get him? You're his maid and you're nothing compare to them. Are you going to take the risk?