Chapter 1

0 0 0
                                    

Gab's P.O.V

Ring...Ring...Ring...
Hay naku bakit na naman kaya tumawag to
Ring...Ring...Ri... "Hello Dad"
"Ano na namang katarantaduhan ang ginawa mo Gab?" tsk wala man lang hello
"What Do you mean?"
"Tumawag sakin ang Guidance Councilor niyo , nakipag-away ka na naman daw"
Napatigil ako sa paglalakad ng maalala ko ang nangyari kahapon

-flashback-

Habang naglalakad ako papunta sa next subject ko
Tsk. pinagiinitan na naman ako ng bwiset na prof na yun nakakaasar
Habang naglalakad may tumawag na lang sakin bigla
"yo Gab" si Sam pala
"Oi Sam"
"What's with the long face , mukhang badtrip ka"
"As Usual pinaginitan na naman ako ni Ms. Mendoza"
"Hayaan mo na matandang dalaga na kasi haha anyway nakagawa ka na  ba ng assignment natin sa Physics?"
"Huh? May assignment ba?"
"As usual nakalimutan mo na naman , dalian na natin at papakopyahin na lang kita ULIT "
Napangiti na lang ako tapos ay lumakad na kami
Siya nga pala si Sam , isa sa tropa ko , pito kaming magkakatropa pero si Sam ang lagi kong kasama dahil kaklase ko siya at block section ang school namin
matalino si Sam , masipag sa klase  , gwapo pero maloko nasa loob amg kulo
paliko kami ng hallway ng may nakabangga kami *thug*
"Pasensya na" -Sam
Diretso lakad na ko , kilala ko kasi ang nabangga ni Sam kilalang-kilala ko
"Di ka man lang ba magsosorry Gab? Ganyan ka ba pinalaki ng "MAMA MO?" "
tsk. inemphasize pa talaga
napatigil ako sa paglalakad , kinuyom ko ang kamao ko , alam talaga ni Frank kung paano ako bwibwisiten sabagay 15 years kaming magbestfriend ............ oo bestfriend ko siya dati kaso nung 4th year high school kami sinira ko ang pagkakaibigan namin. Bumalik ako sa realidad ng tapikin ako ni Sam sa balikat
"Tara na Gab malalate na tayo "
nakangiting sabi sakin ni Sam ngiting nagsasabi na wag ko ng pansinin yung mga sinasabi ni Frank
Lalakad na sana kami ng magsalita si Frank
"Ganyan ka ba talaga Gab ha? Ganyan ka ba talaga pinalaki ng WALANG KWENTA MONG INA"
Di na ko nakapagtimpi tinakbo ko na si Frank at kwinelyuhan
"Bawiin mo ang sinabi mo" nanggigigil kong sabi sa kanya
pero nginitian lang niya ko ng mapangasar
"Nagmana ka sa WALANG KWENTA MONG INA ka........"
Di ko na siya pinatapos at sinapak ko na siya sa mukha
susundan ko pa sana ng isa pero pinigilan na ko si Sam
"Tama na yan Gab Malalate na tayo" Seryosong sabi ni Sam habang nakatingin kay Frank ng masama
Nawala ang galit ko ng makita ko siyang seryoso
ganyan si Sam maamo pag nakangiti pero nakakatakot pag seryoso
paalis na sana kami ng tawagin ako ng Guidance Councilor namin
"Mr.Perez sa detention room ngayon na"
Bwiset talaga puro na lang kabwisetan ngayong araw
"Mauna ka na Sam susunod na lang ako"
"Sige Gab ingat ka "

-end of flashback-

"Gab andiyan ka pa ba?"
"oo"
"ano bang dahilan at nakipag-away ka?"
"sinabihan nila ng walang kwenta si mommy alangan namang pabayaan ko"
"sana pinalampas mo na lang Gab"
palampasin? tsk palibhasa napakadali lang sayong kalimutan si mama
"di ko mapapalampas yun di mo ko katulad dad"
sabay pindot ng end button
Nakakaasar bakit parang baliwala na lang sa kanya si mommy

"Gab kamusta anong balita kahapon?" si Sam
"di ako pinalabas ng detention room hanggang uwian"
"oo nga pala may bago tayong kaklase transferee daw"
"okay" bored kong sagot
"haha wala ka talagang pakialam sa mga kaklase natin noh"
nakarating na kami ng room at pumwesto sa pinakalikod
*crrrrriiiiing*
Umayos na ng upo ang lahat
Dumating na din ang prof namin kasama yung transferee
di ko alam pero napatulala ako sa transferee student
"okay class siya ang bago niyong kaklase miss introduced yourself"
"Goodmorning po sa inyong lahat ako nga po pala si Mika Ella Grace Santos nice meeting you all"

She met my eyes then she smile at me
I don't know why pero ang bilis ng tibok ng puso ko

What's happening to me?

MuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon